FUTURE 19

1030 Words
Caela Napa isip ako dun sa sinabi ni lola sa hospital, posible kayang may point siya sa mga sinasabi niya nun? Wala naman masama kung gawin ko nga yung sinasabi niya, wala namang masama kung alam ko kung masaya ba siya. Kung wala na ba talaga ako feelings dito at kung wala na ba talaga siyang feelings para saakin. Wala naman masama kung maghanap ako ng closure noh? I mean ng maayos na closure since wala naman nangyari noon na ganun, basta na lang din niya ako iniiwasan at hindi pinapansin kaya ako naman medyo competetive at may ubo ang utak. Umalis din ako ng walang paalam, nangibang bansa pa ako. Ano siya ngayon, ilang years tuloy kaming hindi nag usap. Napa buntong hininga ako bago kumuha ng tubig sa cafeteria ng hospital bago inumin ito. Umalis ako ng cafeteria at dahan dahan na naglakad sa hallway habang naka tago yung kamay ko sa bulsa ng coat. Hangang sa yung iniisip ko ay nasa harapan ko na kasama yung nanay niyang hingal na hingal. "Si tatay? K-kamusta siya? " biglang tanong niya sakin, may gusto din sana akong tanungin kaso nasa trabaho ako. Kailangan kong mag paka professional. "He's okay now, nag collapse lang siya dahil sa pagod sabi din sakin nung mga kasama niya na hindi daw tumitigil si Mr. Altamira sa pag byahe. Mainit din ang panahon at hindi pa daw siya nakakain kaya nag collapse. " pag eexplain ko kaya naka hinga sila ng maluwag. "Hay nako.. Si tatay talaga. " iiling iling na sabi ni Sky, si tita Susana naman ay napa pikit at narinig kong nagpasalamat sa diyos. "Akala ko naman kung ano na nangyari sa tatay mo Sky, buti na lang at yoon lang ang nangyari sakanya sa katigasan niya ng ulo. " iling din na sabi niya, napangiti tuloy ako sa nakikita ko. Ganito talaga ang pag ibig, kahit anong sabihin mo sa taong mahal mo masama man yun o ano e kita mo pa din ang pag mamahal. "E Cael, pwede na ba siya maka uwi? " "Nay, Doctora Savedra po. Nasa hospital tayo. " pag cocorrect ni Sky sa nanay niya. "Ay pasensiya na, parang kahapon lang e naka school uniform lang kayo. " bigla tuloy bumalik sa ala ala ko yung mga panahon na iyon. Two years kaming hindi mag ka klase ni Sky dahil nasa ibang school din siya pero after nun kinuhanan ko siya ng scholarship para magka klase na kami, hanggang sa mag law siya. Si ate Cassie lagi ang patagong tumutulong kay Sky, financially, scholarships at sa kung ano ano pa. I got her back, always. "Doc, pwede po ba? " "Pwede naman po pero i suggest na huwag po muna para mag tuloy tuloy po yung pag eexamin sakanya at pag oobserve. Habang maaga pa po, agapan na natin. Huwag na po natin hintayin na lumala yung sakit Mr. Altamira. " pag eexplain sa mga ito. "E Doc, hindi naman po masyadong malala ngayon hindi po ba? " nahihiyang tanong ni Mrs. Altamira kaya umiling ako. "Hindi pa po, Mrs. Altamira but stage one is also dangerous kaya gusto ko po muna siyang mag stay dito. " Pangangatwiran ko dahil nakikitaan ko din siya ng ibang sakit, possible na magkaroon siya ng alzheimers. Tumingin siya kay Sky at may sinabi. "Kaya niyo ba anak yung mga bayarin dito? " pag aalala nito kaya inunahan ko na. "We have financial assistance, Mrs. Altamira. Kausapin niyo lang po yung customer service namin at e eexplain niya po beside kasama po sa binabayaran yung foods and medicine of the patient. Kung meron po kayong problema, huwag po kayong mahihiyang lumapit saakin. " hindi ko alam kung tama pa ba tong ginagawa ko, nagiging bukas nanaman ako sa pamilya ni Sky pero this is my job. My job is to help and treat people even if their not my patient. "Nako, salamat Doc pero nakakahiya na. Ang dami mo nang ginawa para saamin, dumagdag pa yung pag papaaral mo kay Slynn. " "Wala ho iyon, bukas po ang palad namin sa lahat ng tao. " naka ngiti kong sabi kahit na may nararamdaman akong mabigat sa dibdib ko, kahit anong sabihin at gawin ko hinding hindi pa din maaalis sa sarili ko yung hinanakit. Naka stay pa din saakin yung pag hihiganti. "Hija, salamat at nakita ulit kita! " naputol yung pag uusap namin ng may mag salita sa gilid namin, yung lola na naka usap kong isang beses. Naka upo siya sa wheelchair habang naka ngiti, ang ganda ng ngiti ni lola ngayon ah. "Doctora pasenya na po, nag pupumilit po kasi si lola na hanapin kayo at may sasabihin daw po siya sainyo. " sabi nung nurse na halatang natatakot saakin. "It's okay, ako ng bahala kay lola. " tumango siya at nag pasalamat bago umalis, ako na ang tumayo sa likod ni lola. "Wait, nurse. Assist them to go on Mr. Altamira room. " "Yung galing ER po doc? " "Yes. " tumango siya at pinasunod na sina Sky. Tinuon ko yung pansin ko kay lola na nakatingin din doon. "Siya ba iyong babaeng tinutukoy mo? " mahinahong tanong niya habang naglalakad na ko at tinutulak yung wheelchair niya. "Po? " nagulat na tanong ko sabay iling. "Saan niyo naman po iyon nakuha? " "Hay nako ijah, kitang kita ko sa mga mata mo kanina at kita ko din kung paano nag taas baba yang dibdib mo. Alam kong may tinatago ka ding sama ng loob diyan, dahil parehong pareho kayo ng apo ko– " "–ang mapapayo ko lang apo ay sana huwag mo pagtuunan ng pansin yang hinanakit mo, baka mag sisi ka diyan. Kung mahal mo patawarin mo, kung mahal mo ipaglaban mo. Huwag mo gantihan at huwag ka magpadala sa pride mo. Tandaan mo, ang pagmamahal ay ang pinaka malakas dito sa mundo. " She has a point, lahat ng sinabi niya ay totoo pero nangingibabaw saakin ang kagustuhan kong kahit kaunti ay makaramdam sila ng sakit kung paano nila pinaramdam saakin iyon. Hindi ko hahayaan na hindi sila makaramdam nang ganoon. "Pwede ka din nitong sirain. " ––
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD