Caela
"Who's Mr. Hobert family? " tanong ko ng matapos yung operation. Agad may lumapit saakin ng tanungin ko yun.
"I'm his wife Doc. " agad akong ngumiti sakanya at tumango. "He made it Doc!? "
"Yes, Mr. Hobert is a very strong man. You can see him in his room after 20 minutes, that's all thank you. " umalis na ko ng makapag pa salamat sila, ang sarap lang sa feeling ng ganun. I save a life again lolo Avu, sana proud ka sakin.
"Lolo! Proud po ba kayo sakin? " tanong ng batang babae habang may hawak hawak na bola ng basketball at puno ng dumi ang suot.
"Seeing you like that, is a big no. I'm not proud of you. " sabi ng Lolo niya bago umalis. Mangiyak ngiyak na hinagis ng batang babae yung bola bago umalis ng bahay at tumakbo.
That's the first time he said that, pumunta muna ako sa pinaka office ko bago sinuot yung bagong linis na blue na pang operation bago yung white coat at stethoscope. pumasok ako sa isang office ko sa 3rd floor para sa check ups habang wala pa ay pinag aralan ko yung mga susunod ko pang operations sa mga susunod ma araw.
"Doc, start na po tayo ng check ups? " tanong saakin nung isa kong secretary for check ups naman siya naka assign.
"Yes please, tita Salvi. " magalang at naka ngiti kong sabi, tutal mas matanda siya saakin. May mga anak na din siya na nasa kolehiyo, siya yung kinuha ko kasi alam kong kailangan na kailangan niya. Pumasok yung unang patient ko hanggang sa maka bente na ko.
Medyo nagulat ako nung binigay saakin ni Tita Salvi yung paper ng next patient ko, pinapasok na niya kasama yung anak ng pasyente.
"Good afternoon, patient Gill Altamira and Atty. Sky. " nakangiting bati ko dito.
"Para atang minamaliit mo ko sa pagtawag na 'patient' ah? " pabiro niyang sabi pero halata namang seryoso siya doon. Ano bang gusto niyang itawag ko sakaniya, doctor din ba?
"Tay.. " pag saway ni Sky bago tumingin saakin na nang hihingi ng dispensa.
"If you feel offended by calling you 'patient ' by me, i can call you Mr. Gill if you want i don't mind. I'm just being professional here Mr. Gill, work is work and we can set aside our problems here in the past. " seryoso kong sabi bago sumandal para naman makapag pahinga likod kong nanangalay na.
"Just do your work properly. " inis na sabi niya na halatang wala ng masabi, i checked his past check ups from another doctors. Yes doctors, halatang nagpapa 2nd opinion. Nag eexplain din si Sky na pinapakinggan ko.
"It says here that you have a brain tumor. " pag sisimula ko sabay tingin sa medyo may pagka tanda na.
"Naniniwala ka diyan? Mali ata ang ano ng doctor dahil galing public hospital! " doon sumama yung mood ko na ikina iling ko, this is the first time na maka encounter ako ng ganitong pasyente.
"Galing sa public or private hospital ang doctor, lahat po yan ay may pinag aralan at magagaling. Wala yan sa Hospital, Mr. Gill. " Na offend ako sa sinabi ng matandang to. "Every doctor is well trained, pinaghirapan nila kung ano sila ngayon. " pag sisimula ko at tumayo, linagay ko iyon sa black board at pinakita ko sakanila yung previous X-ray ni Mr. Gill. "Hindi rin nag sisinungaling ang picture na to, may nakikita po ba kayo na bilog? "
"Yes Doc, hindi lang po namin maintindihan. " magalang na sabi ni Sky.
"Maswerte kayo at medyo maliit pa lang siya. Base sa mga sinabi ng anak niyo, signs na din yun. Headaches, Nausea, sleep and memory problems at marami pang iba. " sakto namang pumasok yung secretary ko. "Tita Savil, assist them to laboratory. This is 2 months ago kaya kailangan natin gawin ito. "
"Yes, po Doc. "
"Thank you, bumalik na lang kayo dito pag lumabas na ang results. " sabi ko at inassist naman sila ng secretary ko.
"Teka. " tumigil si Mr. Gill at tumingin saakin. "Sa tingin mo sayo ako mag papa opera at mag papagamot? " ngumisi ko at nag crossed arms bago umupo sa gilid ng lamesa ko.
"Don't worry Mr. Gill. I'm one of the Doctors who helped with the operation of one of the officials in America and also one of the best doctors but If you still have doubts about me, you are freely to choose your doctor inside and outside of this hospital. Maraming magagaling na doctor, Mr. Gill galing private or public hospital pa yan. "
–
"Good evening po, lola. " pagbati ko dun sa isang pasyente kaya ngumiti siya bago kumaway saakin, chineck ko muna yung katabi niya bago pumunta sakanya. "Kumusta po kayo? Okay lang po ba kayo dito? "
"Okay na okay apo, ang babait ng mga tao dito at hindi ako nalulungkot tuwing wala yung pamilya ko. " ewan pero, para bang may humaplos sa puso ko. Ang sarap lang pakinggan nung salitang 'apo'.
"Mabuti naman po, eto nga po pala gamot niyo. " abot ko dito saka pinag lagay siya ng isang baso ng tubig.
"Nakikita kitang umaga at gabi nag tatrabaho, wala ka bang boyfriend? O kahit family bonding man lang? " tanong niya na ikinatawa ko sabay iling.
"Wala po lola, busy po ang pamilya sa trabaho at school. Wala po kong boyfriend, hindi ko po gusto ang mga lalaki! " pabiro kong sabi dito na ikanatawa niya talaga.
"Pero may girlfriend ka hija? " tanong niya na ikina iling ko sabay nguso. "Ay nako ijah, talo ka pala ng apo kong nasa college at nag aaral ng political science. Siya may girlfriend na for 3 years at legal pa! "
"Nakaka inggit naman po, sana po ay habang buhay na sila. Kami po kasi noon nung babaeng minahal ko, nawala kami nung highschool kami. Sumuko siya lola e, kaya eto ako ngayon wala pang nahahanap. "
"Nakakalungkot naman yan apo, e asan na ang babaeng minahal mo noon? At bakit parang wala kang ginagawa na kunin siya ulit? " tanong niya habang pinapakain ko siya ng banana. Pangit kasi lasa nung gamot kaya sabi ko kumain din siya nito tutal maganda ito sa kalusugan niya.
"Malapit na po siya ikasal, lola. " sabi ko dito habang nakatitig sa bintana. Ilang buwan na lang pala, nakatali na siya.
"Masaya ba siya? Totoo ba yung nararamdaman niya? "
"Hindi ko po alam. " natatawa kong sabi sabay iling.
"E ikaw, mahal mo pa ba? " doon ako napa isip at napatulala lang.
"Hindi ko din po alam, lola. "
"Ay siya, gumawa ka ng paraan para ma sagutan yang mga tanong ko sayo baka sa huli mag sisisi ka. Ikaw din. Madami mawawala sayo. "
"Hay nako lola, sige po hahanapin ko po ang sagot. Matulog na po kayo maya maya at mag iikot pa po ako sa buong hospital. "
"Mag iingat ka apo, wag pabayaan ang sarili ah. "
––