Maaga akong gumising ngayon, pati narin ang mga anak ko.
subrang excited talaga sila sa pag punta ng mall ngayong araw kasama si Luke.
minsan lang sila maka labas na kasama ako at si Luke, kaya sa tuwing mag aya sa amin si Luke , na lalabas ay ang tatlo kong anak. tuwang-tuwa.
hyst...matagal narin na hindi ko sila na samahan mag mall, dahil sa subrang busy ko. babawi lang ako sa mga anak ko pag matapos na lahat ang pakay ko.
mamaya ko na tapusin ang ginagawa ko ngayon, sino ba itong tumawag ang aga-aga.
nang kinuha ko ang phone ko at nakita ang caller I'D ay agad kong tinigil muna ang pag huhugas ng mga pinagkainan namin at pumasok sa kwarto.
"hello, anong balita?" sagot at tanong ko sa tauhan ko sa ibang linya.
"madam, maari po tayong maka pasok sa company ng tatay mo, kailangan nila ng malaking halaga para ma isalba ang company nila." update sa akin ng isa sa mga tauhan sa company ng ama ko, na ginawa kong spy.
para malaman ko lahat ang mga pangyayari.
"tsk..sige! ibigay mo sakin lahat ng details, at para bukas na bukas may tauhan akong pa puntahin diyan."
"yes, madam. hmmm madam na rinig ko pala na pupunta si Mr. Gray, sa company niyo. para alukin kayong mag invest sa palagay ko lang."
"hmm..wala nang iba, ano paba gagawin niya kundi ang alukin ako na mag invest sa company niya"
ito na ang simula sa lahat ng mga plano ko para sa inyong lahat. ipapakita ko sa inyo kong paano niyo tinapon na parang basura ang taong minsan na naging part ng inyong pamilya 3 years ago..
3 years ago..hindi ko parin malilimutan ang lahat ng ginawa niyo sa akin.
ngayon umpisahan ko na kong paano ko kayong lahat pabagsakin.
lahat ng ari-arian na kinuha niyo sa akin, babawiin ko ang lahat. wala kayong karapatang makinabang sa company ng ina ko.
"madam, andiyan kapa ba?" tanong ng taong kausap ni Faye dahil matagal din siyang tumahik.
"hmm...basta bantayan mo lahat ang pang yayari diyan, at sabihin mo bawat detalye. gaya ng sabi ko sayo wala dapat maiiwan na kahit maliit na impormasyon."
"Yes, madam"
sabay call ended ni Faye sa tawag.
hyst...mommy makukuha ko narin ang matagal mo ng pinaghirapan na company, kaunting tiis nalang.
gusto ko iparamdam sa kanila ang lahat, ng pag hihirap na ginawa nila sa akin.
hindi na namalayan ni Faye na tumulo na ang kanyang mga luha sa pag-iisip niya sa nakaraan.
"mommy.." isa sa anak ni Faye ang kumatok sa pinto.
at agad naman siyang bumangon dahil naka higa ito sa kama niya.
"yes, darling?" tanong nito
"mommy, hindi ka parin ready? anong oras na? papunta na raw dito si daddy susunduin tayo" reklamo ni Thea, habang naka nguso ito
"ok, sige na mag bihis muna si mommy, antayin niyo nalang ako sa sasakyan kong sakali darating na ang tito Luke, niyo."
sabi pa nito sa anak sabay talikod.
hyst..si manang Nella nalang ang bahala sa mga hugasin doon, balak ko pa sana ako nalang mag hugas non. pero hindi na matuloy dahil papunta na si Luke dito nakaka hiya namang hintayin pa niya ako.
si manang Nella, isa siya sa mga nag aalaga ng mga anak ko. hindi narin siya naiiba sa amin, tinuring na namin siyang pamilya. kaya kong may free time ako. ako na mismo ang gagawa sa ibang gawain sa bahay, para magawa na niya ang iba niyang gagawin para maaga matapos at makapag pahinga na.
"Daddy.." tawag ng tatlong bata ng pagka baba nito.
"hey..ipang beses ko bang sinabi sa inyo na, wag kayong tumakbo"
remind niya sa mga batang makukulit.
"Sorry daddy, na excite lang kami" sagot ni Thea. siya talaga ang mahilig sumagot unlike sa dalawa na tatahimik agad pag pinagsabihan.
"it's ok baby, hmmm... saan ang mommy niyo?" tanong niya sa mga bata.
"nag bibihis pa dad, sabi niya mauna nalang kami sa, sasakyan at doon nalang natin siya hintayin" paliwanag pa ni Thea.
"ok, let's go" sabay buhat ni Luke kay Faye at hawak si Thatcher sa kabilang kamay.
habang si Thaddeus ay naka sunod lang. siya kasi ang tipo sa bata na ayaw niyang hinahawakan siya.
dahil hindi na raw siya bata, ganyan palagi ang kanyang mindset kaya pinapabayaan nalang sa gusto niyang maging independent son.
"manang alis na po kami." tawag ko sa kasama namin sa bahay
"oh, sige madam. mag ingat kayong lahat" ngeting sagot naman ni manang sa akin
"mommy.." tawag sa akin ni Thaddeus
"yes, anak?"
"dito ka po, umupo sa katabi namin ni Thea" sabi pa nito sa akin
at sumonod nalang ako sa kagustuhan ng anak ko at ang sa frontset naman ay si Thatcher na nag lalaro lang ng kanyang phone.
mga ilang minute lang ay dumating na kami sa mall, habang paikot-ikot pa sila Luke sa toy store, ay nagpa alam muna akong daanan ko muna ang isa sa mga shop ko dito sa mall.
pagka rating ko naman sa shop ko ay ang dalawang babae na nag-aaway at parang nag-aagawan ng damit, pamilyar sa akin ang isang babae.
"ako ang naunang kumuha nito" sabi pa ng isang babae
"well, kahit ikaw pa ang nauna nito ay wala ka paring magagawa b***h!" sigaw naman ng isang babae na familiar, sa akin.
"Miss, wala naba talaga kayo, ibang ganito na klasing damit?" tanong nito isa sa mga sales lady ko.
"sorry, ma'am Out of stock, na kasi ang mga kagaya niyan na design."
"excuse me?" sabi ko sa dalawang nag tatalo at agad naman silang lumingon sa akin.
at hindi nga ako nagka mali, kaya pala parang familiar sa akin ang isang babae, walang iba kundi si Stella pala ito. ang half sister ko.
isipin mo nga naman, hindi ko akalain na darating ang araw isa siya sa mga taong nag-aagawan ng mga designs ko. hmm..interesting...
"oh?..Faye! ikaw pala yan? at anong ginagawa mo dito?" biglang sabi ni Stella sa kanya
"hmm..napa daan lang, nakita ko kasi na may asong ulol palang napunta dito, kaya tiningnan ko kong sino? ikaw pala."
"shut up b***h! kong may ulol man na Aso, dito ikaw yon." galit na sabi sa akin ni Stella
"excuse me? pwede mo ng bitawan ang damit? babayaran ko na" biglang sabi naman ng isang babae
"no wee...at sino ka naman oara pag bigyan?" inis na sagot ni stella.
"ako yong nauna, bakit mo aagawin ang sa akin?"
"b***h! hindi mo ba kilala ang fiancee ko? isa siya sa mga nag mamay-ari sa mall na ito. kaya bawat gamit na magustuhan ko ay akin" sabi naman ni Stella.
tumahimik ang babae, at saka umalis nalang. buti nalang wala naman talaga siyang mapapala sa katulad ni Stella.
mahilig mang agaw. yan ang gawain niya. palibhasa pinalaking spoild. kaya ganyan.
"hey..Faye mukhang umaangat kana ngayon ahh..look the way you dress up, at yang suot mo limited edition na mga gamit. mula ulo hanggang paa, hmm hulaan ko. naka hanap ka ata ng matandang mayaman ano?"
"none of your Business, Ms. Stella Gray"
"wow, arogante kana ngayon ahh,"
"mommy.." biglang tawag ng anak ko sa akin at nilingon ko naman ito at si Stella naman ay parang nagulat sa nakita niya.
"ma-may..a-anak kana?" gulat niyang tanong sa akin.
"yes, meron na"
"oh, my god Faye. yan naba anak niyo ng matandang mayaman na asawa mo ngayon? And fairness ang gwapo ahh"
"Sino ang sinasabi mong matanda?" malamig na boses ang sumagot at boses ito ni Luke,
"Honey, diba sabi ko sayo hintayin mo muna kami ng mga anak natin?" tanong pa ni Luke sa akin
"hmm,, diba sabi ko naman sayo na dito ako pupunta, hindi ko naman akalain na makikita ko ang aso dito" sagot ni Faye kay Luke.
"Y-You..turo sa kanilang dalawa ni Stella"
"mommy..." tawag sa akin ni Stella habang tumatakbo pa palapit sa akin, habang naka sunod lang nito sa kanya si Thaddeus.
"triplets?" wala sa sariling sabi ni Stella habang pa lipat-lipat ang kanyang mga tingin sa tatlo.
"Yes, triplets ang anak namin" tinuldukan talaga ni Luke ang salitang namin. kong makapag salita parang sa kanya talaga ang tatlong bata.
"wait, ikaw si Luke Willam kong hindi ako nagka mali?" malanding tanong ni Stella kay Luke.
"Yes, i am." malamig na sabi nito sabay kuha sa mga mga bata "Lets go" sabi pa niya kay Thaddeus
"Honey, we're hungry na, ng mga anak natin" sabi pa nito sabay pa cute.
"tara hanap muna tayo ng makainan."
umalis na kami at imiwanan naming naka tulala.si stella, sa ka titig niya kay Luke.
Damn! ang hot ni Luke Willam sa personal, at yong impaktang Faye na iyon napaka swerte niyang naging asawa ang isa sa mga pinaka mayaman at gwapo dito sa buong bansa.
pagka alam ko, mag pinsan sila ni Tyron Black. s**t! Faye, bakit lagi ikaw ang swerte? samantala ako ang laging malas.
nakaka inis, nawalan na ako ng ganang bumili sa damit na to. wait? kilan si Faye naka balik sa Canada?
hmmm...since mayaman ang napangasawa niya sasabihin ko ito kina dad at mom.
Faye-faye...darating rin ang araw na ma aagaw ko sayo si Luke Willam. sa isip pa ni Stella