"lets go kids" tawag ni Faye sa kanyang tatlong anak.
habang nag mamaniho si Faye ng sasakyan ay nakikinig siya sa tatlo niyang anak na kumakanta.
ganito sila lagi sa tuwing magkasama silang lahat.
at ito ang dahilan kong bakit hindi mawawala ang mga ngite ni Faye sa kanyang mukha.
"hmm..kida tama na yan, andito na tayo."
"mommy gusto ko ng maraming barbie" sabi ni Thea sa ina nito
"Thea anong sabi ni mommy?" tanong ni Thaddeus sa kapatid at ng dahilang kina simangot nito.
"hindi bibili ng maraming laruan" sagot nito habang naka yuko.
at napansin naman ito ni Faye, na biglang nalungkot ang kanyang anak. at ayaw niya itong makitang malungkot ng dahil lang sa laruan na hindi niya mabili lahat ng magugustuhan nito.
"it's ok baby, basta ngayon lang pwede hmm..next time bawal na" sabi nito sa anak " talaga mommy?" tanong naman nito pero hindi parin ito ngumite dahil hinintay ang kanyang sagot at tumango na lamang siya at siya namang kina ngite ng malawak ng anak nito.
"tara na, pasok na tayo sa mall, wag kayong humiwalay sa akin ahh.." bilin nito sa mga anak niya at agad naman siya nitong tinanguan
habang pinag masdan ni Faye ang kanyang tatlong anak na masayang pumili ng mga laruan na gusto nila ay siya namang pag tunog ng phone niya.
(Dave)
"boss naka pasok na ako sa company ng tatay mo" text sa kanya ng isa sa mga right hand niyang tauhan. siya ang inatasan ni Faye sa pag invest ng malaking halaga sa company ng kanyang ama.
"good, patuloy mo lang yan gaya ng napag usapan nating plano ang gagawin mo."
"yes boss"
hmm....ngayong naka pasok na ako sa kanila sisiguraduhin kong lahat sila luluhod sa akin
ayaw ko sanang gawin ito sa inyo, pero sa ginawa niyo sa akin hindi ko kayo mapapa tawad lalo kana Stella.
sinira mo lahat, inagaw mo sa akin lahat. kaya babawiin ko lahat ba dapat ay sakin.
"mommy why are you crying?" biglang sabi ng kanyang anak na si Thunder.
"tears of joy anak. masaya lang si mommy na makita kayong masaya" yakap niya sa kanyang anak.
pero ang totoong dahilan kong bat siya umiyak ay na alala na naman niya ang kanyang karanasan sa kamay ng kanyang pamilya.
_____________
"Andrew did you find her?" tanong naman ni Tyron sa kanyang PA.
"hindi pa boss pero may lead narin kami sa babae na nakasama mo 3 years ago."
"good, sabihan mo lang ako pag malaman mong saan siya naka tira."
kailangan kong makita sa lalong madaling panahon ang babae na iyon, hindi na ako makapag hintay pa nang matagal lalo na ngayong gusto ng pamilya ko na ikasal ako sa ex-gf ko.
simula ng may mangyari sa amin sa gabing iyon, siya nalang lagi ang hinahanap ng katawan ko.
kahit sinong babae na sinubukan ko, hindi man lang nag react ang katawan ko sa kanila.
hindi katulad sa babaing naikama ko 3 years ago.. ang bilis uminit. iisipin ko palang ang lahat ng nangyari sa amin agad na namang iinit ang katawan ko.
ganon ba talaga ako ka affected sa kanya?
malalim iniisip ni Tyron, hindi nga niya namalayang lumamig na ang coffee na binigay sa kanya ni Andrew.
sa kabilang banda naman natapos naring mag shopping sina Faye at ang kanyang mga anak.
nag enjoy ang lahat at pagod narin itong dumating sa kanyang bahay.
gabi narin silang naka uwi, sinulit lang naman nila ang pamamasyal, kaya ayon tulog ang tatlo.
habang siya naman busy sa kanyang laptop.
marami pa siyang asikasuhin isa na doon ang kanyang negosyo.
Oo may sarili na siyang Negosyo at andon sa ibang bansa at inasa niya ang pamamahala sa kanyang PA.
dahil nga andito siya sa canada, kahit malayo siya hindi naman rin niya ito na pabayaan, lalo nat sa mga meetings.
marami naring mga investors ang pumapasok sa kanya. at ngayon aalis siya para makipag meeting sa iba niyang investor's na andito sa canada.
"manang aalis muna ako ulit" paalam niya sa kanyang katulong
"sige po ma'am mag ingat po kayo" tumango lang siya bilang pag sagot nito
at nag mamadali ng lumabas at nag bayhi patungo sa isang restaurant kong saan gaganapin ang meeting.
"good evening ma'am" bati sa kanya isa sa mga waiter
"hmm excuse me can i ask, kong saan banda ang table 35?" tanong nito sa counter.
"name niyo po ma'am?" tanong sa kanya ulit.
"Faye Gray" sagot naman niya
"ok, hmm sumunod po kayo sa akin ma'am"
agad namang tumango si Faye at nagtungo sila sa isang VIP area.
"dito na po tayo ma'am"sabi naman ng babae sa kanya.
"ok, thank you sa pag hatid"
"walang anuman."
pumasok na si Faye sa loob at nakita niya ang mga iilang tao na naka upo don.
ngumite naman siya nakipag kamustahan sa lahat.
hindi naman nag tagal ay natapos rin ang kanilang pinag usapan na tungkol sa kanilang partnership sa negosyo.
nang palabas si Faye sa restaurant ay tumunog naman ang kanyang phone at ang tumawag nito ay ang kanyang bestfriend.
"hello"
"girl!.." tili nito sa kabilang linya at nailayo niya ang kanyang phone sa tenga dahil sa subrang lakas ng pag tili nito.
"may balak kabang gawin akong bingi?" tanong nito sa kaibigan
"hahaha...sorry girl, hindi kapa ba sanay sa akin?" sumbat naman nito sa kanya
"hyst..anong atin? napa tawag ka?" tanong nito
"girl relax ok? hmm samahan mo ako mamaya sa Bar." sabi pa nito sa kaibigan
"hmm..pag isipan ko pa" sabi niya saibigan
"girl, wag mo ng pag isipan. hintayin kita ngayon dito sa Diamond bar" sabi pa nito at agad nag call ended.
wala talaga tong babaing to, ano pabang magagawa ko? kong hindi ko naman puntahan ang gaga doon baka mapaano pa siya.
sabagay ngayon lang naman kami ulit papasok sa Bar, simula nong may nangyari sa akin.
_________________________
"hey, Tyron bro"
"yes, anong atin?"
"bro, punta ka naman dito sa Bar ko, inuman tayo. wagka namang puro trabaho ina atupag diyan"
sabi pa nito sa katawag niyang kaibigan.
"France alam mo namang busy ako" alibi pa nito sa kaibigan
"bro minsan lang naman ako nang-aya sayo diba?" kulit pa nito sa kanya
"ok, i'll be there in 20 minutes. tapusin ko muna tong pag sign ng papers."
"good, babye"
hyst..wala talaga akong balak uminom ngayon pero ang kulit talaga ng mga kaibigan kong to
"girl, atlast andito kana, kanina pa ako nag hihintay sayo" reklamo ng kaibigan ni Faye
"sorry na stock ako sa traffic"
"lets go!"
sumunod naman si Faye sa kaibigan papasok sa Bar.
pag pasok palang nila ay marami ng mga taong sumasayaw.
"Girl, sandali lang tayo dito ahh" sabi pa niya sa kaibigan pero hindi siya nito narinig
"isang Caesar " sabi pa ni Faye sa Bartender
at binigay naman ito sa kanya ka agad.
"girl sayaw tayo" aya sa kanya ng kaibigan
"ikaw na nahihiya pa ako" tanggi niya
"girl sayang ang suot mo kong di mo ma display" sabi pa nito habang naka ngisi
"nakakahiya girl alam mo ba yan?" todo tanggi niya sa kaibigan
hindi na siya kinulit nito at iniwan nalang siyang mag isa.
mga ilang drinks narin na ubos ko mukhang tumama na sa akin ang ininom ko ahh..
haha, nakaka tawa talaga tong sarili ko subrang baba ng Alcohol tolerance ko..
saan naba yong babaing yon? hindi pa bumalik dito.
"kuya isa pang shot" sabi pa niya sa Bartender
"girl, ang daming yummy doon ahh. sayang hindi mo nakita" sabi pa ng malanding kaibigan ko
"ehh..ano ngayon? wag mo nga akong idadamay sa kalukuhan mo girl."
"naku! tatanda kang walang asawa niyan girl" sabi pa nito habang tumatawa
"duhh..what ever, wala akong balak mag hanap girl. unahin ko muna ang mga anak ko." sagot pa nito
"fine! ikaw na ang may pusong bato. sige balik na ako. gusto ko pang sumayaw at ikaw bahala ka diyan basta wag mo akong iwan" sabi pa nito at sabay alis
"are you gay?" sigaw ng babae sa kabilang silid
at nilingon naman ito ni Faye, at ang unang nakita niya ay ang isang matipunong lalaki.
tsk..sayang ang gwapo niya pero bakla nga lang.
sa isip ni Faye habang umiinom
at nakikinig lang sa pinag uusapan ng dalawang tao sa gilid na nag tatalo.
hindi gaano ka raming tao banda kay Faye kaya naririnig niya ang mga pag-uusap ng dalawa.
"hey,, listen to me! kong hindi ka gay bat ayaw mo akong halikan?"
"shut up! b***h" galit na sabi ng lalaki sa babae
"prove it! kong hindi ka bakla, ikama mo ako" pang akit pa nito sa lalaki pero iniwanan lang siya nito
tsk..sayang lahi ng lalaking iyon kong lalaki rin pala hanap niya.
sa isip ni Faye habang umiinom
"ouch!" sigaw ni Faye ng may biglang bumangga sa kanya at ang kanyang ininom ay natapon lahat sa kanyang damit.
at nag marka nito ang kanyang dalawang mabusog na bundok.
"hey! are you blind?" sigaw niya sa lalaki pero hindi siya nito nilingon man lang.
gago kang lalaki ka ahh..ang bastos mo ni hindi man lang humingi ng sorry sa akin
galit na sabi ni Faye, at agad naman siyang tumayo patungo sa group ng mga lalaki kong saan ang lalaking naka bangga sa kanya.
"hoy! ikaw" sigaw pa niya sa lalaki
samantala ang mga kaibigan naman ni Tyron ang nagtinginan kong bakit sinigawan ng babae ang kanilang kaibigan.
"what?" malamig na sagot ni Tyron
"anong, ma what-what ka diyan? ma what yang pag mumukha mo pag masuntok kitang bakla ka!" galit na sabi Faye kay Tyron di lang niya sinigawan dinuro-duro pa niya ito.
"what's wrong with you miss?" tanong pa ni Tyron kay Faye
"aba, patay malisya kapang bakla ka!"
"wag na wag mo ako g matatawag na bakla" galit ba sabi at sabay tayo ni Tyron kay Faye
"wow, ayaw mo pang umamin na bakla ka ano?" sagot pa niya
namula ang mukha ni Tyron sa galit, ikaw pa namang sabihang bakla at hindi lang ito pang isang beses ahh.. kundi maraming beses na.
kanina ang babaing malanding iyon ang tumawag sa kanya ng bakla dahil ayaw niyang makipag s*x nito.
tapos ngayon itong babae na halatang lasing na ang agad tumawag sa kanya ng bakla at oa ulit- ulit pa nitong ginawa sa harap pa ng mga kaibigan niya.
" hoy! bat ka tumahimik dahil ba ay totoo na isa kang bakla?" sabi pa ni Faye sa lalaki
"miss, hindi ako bakla. unang una hindi ko alam bat mo ako tinatawag niyan" pag pipigil ni Tyron sa sarili baka masaktan pa niya tong babaing to
"bakla,bakla, bakla ka!"
"ahhh..ganon huh, bakla pala" nilapitan ni Tyron si Faye at hinalikan ito sa labi
"grr..bitawan mo akong manyak ka!" galit na sabi ni Faye kay Tyron habang pinag hahampas ito
ngumisi lang ng nakaka luko si Tyron sa babae na mas lalo nitong kina galit
at pinag hampas-hampas pa niya ito.
"girl, tama na" sabi pa ng kaibigan niya at sabay hila sa kanya
"wait papatayin ko tong manyak na to" galit na sabi ni Faye
"tama na girl uwi na tayo" at nakinig naman si Faye sa kaibigan
"hindi pa tayo tapos, wag na wag mong papakita yang pag mumukha mo ulit sa akin" turo niya sa lalaki sabay alis
"girl lasing kana, at sa ginawa mo baka hindi na tayo maka balik dito." sabi ng kaibigan niya
"tara uwi na tayo, inaantok narin ako"
"wait mag bayad muna tayo"
"wagna"
"bakit? girl wag mong sabihin tatakasan mo?"
"hindi ahh, wait kalang dito" lumapit si Faye sa isang waiter at may binulong agad naman itong tumango-tango.
"tara na girl" masaya nitong sabi sabay labas ng Bar.
"wait, yon lang?" pag tatakang tanong nito
"oo naman ako paba, wala kang tiwala sa akin?"
habang sa kabilang banda naman ay nagulat si Tyron kong bakit siya nilapitan ng waiter at siningil.
"anong ako mag babayad?" gulat na sabi ni Tyron sa waiter
"ehh..sr sabi kasi ng girlfriend niyo kayo ho raw mag babayad" paliwanag pa nito sa kanya
"anong girlfriend? kong may girlfriend pa ako ehh di kasama ko sana dito" pikon na sabi ni Tyron
"ehh.. sr sabi po kasi ng babaing kahalikan mo kanina girlfriend mo siya, kaya ikaw raw ang mag babayad" takot na sabi ng isang waiter
"bro bayaran muna, girlfriend mo naman pala iyon, at wag mong tatakasan baka ma lugi pang Bar ko" sabi pa ni France at humahalakhak pa ito ng tawa
walang nagawa si Tyron kundi bayaran ang nainom ng babae
hindi pa kami tapos, pag makita ko iyon ulit maghanda siya sa akin.
"oh, uwi na muna ako, nawalan ako ng gana uminom ngayon"
tumango naman ang kaibigan niya at may halong nakaka lukong ngite
Dear: Readers pasinsya na kong subrang late ako nakapag update, masyado lang po akong busy at walang oras makapag update..again pasinsya na po...
Love you guys!!!!muaahhh