9:59 a.m.
Napahilot ako sa sentido matapos ibaba ang tingin ko sa orasang nakasabit sa dingding ng kwarto kong may gray and pink accent. Mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa bahay. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang usapan namin kahapon na alas-nuebe ng umaga kami magkikita-kita rito sa bahay upang gawin ang project namin sa Integrated Science.
Halos sumabog na rin ang group chat namin sa mga messages ko.
Merin: Guys?
Merin: Where are you?
Merin: Nasan na kayo?
Merin: ANUNA?
Merin: HOOOY
Merin: WHERE THE HELL ARE YOU ALL???
Tadtad na ng messages ko ang group chat namin pero walang ni isa man ang pumapansin. Ni walang nagsi-seen. Mukhang wala ring online.
Padabog akong tumayo at dali-daling lumabas ng bahay. The sky was clear and the lovely green surrounding was highlighted by the bright rays of the sun. Though the sun was intense, I was still wearing a sweater since it feels a little chilly outside. Thanks to Baguio’s awesome geographical location.
We live in a townhouse. The three houses closest to ours belong to my bestfriends. Una akong nagdoorbell sa katabi naming bahay.
“Naliligo pa si Adam, hija,” wika ng mama ni Adam nang pagbuksan ako ng gate. “Hintayin mo nalang sa loob at magsasampay pa ako ng mga damit.”
Tumango-tango ako at pumasok saka prenteng naupo sa sofa. Bukas ang flatscreen tv pero wala namang nanonood. Dinampot ko ang remote sa center table at nilipat ang channel.
“Uy, Merin, ba’t ka nandito?”
Napalingon ako sa lalaking mukhang kalalabas lang ng bathroom. Pinupunasan niya ng towel ang buhok niyang basang-basa pa. Tumutulo pa rin ang mga patak ng tubig sa katawan niyang nakatapis lang ng puting tuwalya ang ibabang bahagi.
Dinampot ko ang cushion sa sofa at binato ito sa kaniya pero agad naman niyang nasalo. “Gross! Are you even wearing an underwear?”
Binato niya pabalik sa akin ang cushion. “And why are you asking?”
I pursed my lips. “Magbihis ka na nga. Bilis! Alam mo ba kung anong oras na, Adam?”
“Aba, malay ko. Wala ka bang relo?” He went to te kitchen, grinning.
I rolled my eyes and leaned back on the couch. “Bilisan mo na. Susunduin pa natin ‘yong dalawa.”
“Nag-almusal ka na ba?” tanong niya pagkagaling sa kusina, dala-dala ang isang plato na may lamang fried rice, hotdog, at scrambled egg.
“Hindi pa,” sagot ko. It’s a lie. Actually kumain na ako kaninang alas-sais pero nagugutom na ulit ako dahil ang aga kong kumain. It’s almost lunch time.
“Gano’n? Uwi ka sa inyo, kain ka.” Naupo siya sa tabi ko at siniksik ako kahit na napakaluwang pa naman ng pwesto sa kabilang side.
“Ano ba!” Naiirita ko siyang hinampas sa braso. Mula sa direksyon ko ay sinulyapan ko siya mula ulo hanggang paa. “Uso magbihis muna.”
“Uso magbihis muna,” panggagaya niya sa sinabi ko. Tumawa lang siya habang nginunguya ang kapirasong itlog. Hawak niya sa kaliwang kamay ang plato at ang kutsara ay sa kanan naman. May dining area naman sila pero mas hilig niya talagang kumain sa sala.
Mabilis kong dinampot ang isang buong hotdog na nasa plato niya at sinubo ito ng buo. Muntik pa akong masuka dahil punong-puno ang bibig ko.
“Hotdog ko ‘yan!” Nilapag niya sa center table ang plato at akmang sasabunutan ako pero hindi naman niya tinuloy. “Sarap mong kalbuhin!”
Siya si John Adam Caballero, isa sa mga matalik kong kaibigan dito sa village. Siya rin ang may pinakamalapit na bahay sa amin. Hindi ko eksaktong alam kung kailan at paano kami naging magkaibigan. Siguro dahil magkapit-bahay na kami mula pagkabata. Hindi pa man kami pinapanganak ay dito na nakatira ang mga magulang namin. Kaya mula nang magkaisip kami ay kilala na namin ang isa’t isa. Pero hindi sa lahat ng oras ay magkasundo kami. Sa katunayan, mas madalas pa kaming iritable sa isa’t isa.
Nang matapos siyang kumain ay umakyat siya sa kwarto niya at nagbihis ng navy blue shirt at jersey shorts.
Pinuntahan namin ang sumunod na bahay.
“Pasok kayo. Nasa kwarto si Harry.” Nakangiting kaming sinalubong ng mama ni Harry nang makarating kami sa kanila. Nakasuot pa siya ng apron at may hawak na sandok. Mula rito sa sala ay amoy na amoy ko na ang mabangong niluluto niya. Kilala namin ang mama ni Harry na masipag at masarap magluto. Sa tuwing pupunta kami rito ay tiyak na hindi kami uuwing gutom.
“Dalhin n’yo na sa taas ‘tong peach float.” Inabot niya sa akin ang isang tub ng float na kinuha niya mula sa ref nila.
“Thank you, Tita.”
Umakyat kami ni Adam sa kwarto ng kaibigan naming si Harry. Sa hagdan palang ay nilalantakan na namin ang float. Nag-aagawan pa kami sa tub at halos magkandadapa-dapa kami sa hagdan.
“Ang baboy mong kumain, Merin,” pabulong niyang puna sa akin. Hindi ako nakasagot dahil punung-puno ang bibig ko kaya tinapunan ko nalang siya ng masamang tingin. Akala mo kung sinong elegante kumain.
Pagpasok namin sa kwarto ni Harry ay nadatnan namin siyang nakaupo sa gaming chair niya kaharap ang computer. Sabi na nga ba, eh. Kaya hindi maistorbo dahil busy na naman kakalaro ng online games.
“Magaling, magaling!” Marahan akong pumalakpak sa tapat ng mukha niya. Ni hindi niya namalayan ang pagpasok namin. Kung may magnanakaw lang baka nakuha na ang buong bahay nila hindi pa niya alam.
Umilag-ilag siya at pilit na nagfocus sa screen. “Wag kang magulo. Matatalo ako.”
“May usapan tayo kahapon ‘di ba?” Pinamaywangan ko siya. “You choose, that freaking game or our project?”
Hindi siya sumagot na parang hindi ako naririnig. Humihiyaw lang siya habang nakatutok sa screen at halos hindi ko masundan ang malikot niyang mga daliri sa keyboard.
“Ah, gano’n? No participation, no grades. Madali naman akong kausap.” Rumampa ako patungo sa pintuan pero narinig ko nalang ang pagkalampag ng mga gamit sa table niya. He grabbed my arm and that made me stop.
“Ito na nga, tutulong na.” Napakamot siya ng ulo. “Si Gavin?”
I sighed. Isa pa iyon sa hindi sumasagot sa mga chats ko. “Susunduin pa natin.”
Ang lalaking kaharap ko na kulang nalang pumasok na sa loob ng computer ay si Harrison Valler. Sobrang adik sa online games. Ewan ko ba kung anong napapala niya roon. Iba’t iba nga talaga siguro ang hilig ng tao.
“Dito na kayo mag-lunch mamaya,” ani mama ni Harry pagkababa naming tatlo sa second floor.
“Sure, tita.” Kinawayan namin siya bago kami lumabas ng bahay.
Huli naming sinugod ang bahay nina Gavin.
“May gagawin kayong project?” tanong ng papa ni Gavin na puro grasa ang katawan. Nakakalat din sa garahe ang mga automotive tools. “Baka tulog pa. Gisingin n’yo nalang,” aniya’t bumalik sa pagkukumpuni ng ilalim ng kanilang pickup truck.
Mabilis kaming pumasok nina Adam at Harry sa loob ng bahay at patakbong umakyat sa kwarto ni Gavin. Siya talaga ang pinakamatakaw matulog sa amin. Kaya siguro napakatangkad niya. Ako kasi ang tamad ko matulog lalo na noong bata pa ako. Lagi akong tumatakas kay mama sa tanghali dahil ayokong matulog kaya hindi ako lumaking matangkad.
“Stop pushing me! Ututan kita d’yan!” I yelled at Adam who was childishly pushing my back as we climbed upstairs, behind him was Harry.
“Ang kupad mo kasi. Tabi nga!” Tinulak niya ako patagilid at nag-overtake paakyat. Muntik pa akong mahulog kung hindi lang ako nakakapit sa handrail.
“Bwiset ka!” Dinig na dinig ang kalampag ng mga paa namin paakyat. Mabuti nalang at walang ibang kasama si Gavin dito sa bahay kundi silang dalawa lang ng papa niya.
Tinulak ni Adam ang pinto. As usual, hindi ito naka-lock. Maayos ang kwarto ni Gavin kahit na walang nanay na nag-aasikaso sa kaniya. Siguro dahil natuto na siyang maging independent at alam niya kung paano alagaan ang sarili.
Masipag siya mag-aral. Halata naman iyon dahil sa tabi ng study table niya ay may isang shelf na puno ng iba’t ibang libro. In fact, he always got the highest grade among us.
As expected, Gavin was asleep in his bed. Tumabi si Adam sa kama at niyakap si Gavin. “Baby boy, gising na.”
Napatakip ako ng bibig at umaktong nasuka. Si Harry naman ay patalong humiga sa kabilang side ng kama. Tumama pa ang pwet niya sa mukha ni Gavin pero hindi pa rin ito nagising. Gumalaw lang siya ng kaunti at nagpalit ng posisyon. Patay na yata ang kumag.
Kinuha ko ang stool sa ilalim ng kama niya at tumuntong doon.
“Hep! Anong gagawin mo?” Adam’s sharp eyes narrowed and his brows knitted in a frown.
“Teka, wag! Please lang, wag!” Dali-daling bumangon si Harry at sinenyasan ako ng ‘stop’.
“Wag na wag mong itutuloy ‘yang binabalak mo—”
Hindi na nila natapos ang sasabihin at napatakip nalang ng tenga nang magsimula akong kantahin ang chorus ng Sayang na Sayang ng Aegis.
“SAYANG NA SAYANG TALAGA…” umalingawngaw ang boses ko sa kwarto ni Gavin dahil todo-bigay pa ang pagkanta ko. Ang mga ibon sa labas ng bintana ay nagliparan. Hindi ko rin alam kung namamalik-mata lang ba ako pero bigla yatang dumilim ang langit.
“What the f**k!” Nakatakip ang tengang lumabas ng kwarto ang dalawa habang ako ay patuloy sa pagkanta. Hindi ako hihinto hangga’t hindi gumigising ang tulog-mantikang ito.
“SAYANG NA SAYANG TALAG—aray!” Nahulog ako sa stool at lumagapak sa sahig nang lumipad sa mukha ko ang isang unan.
Magulo ang buhok na bumangon si Gavin at sinuot ang eyeglasses na dinampot niya sa bedside table. “For Pete’s sake, Merin! Mas maganda pa ang tunog ng nalaglag na kaldero kaysa boses mo.”
My lips curled. Bakit ba lagi silang ganyan?
“Help…” Inabot ko ang kamay ko upang tulungan niya akong tumayo dahil ang sakit ng pwet ko pero nilagpasan niya lang ako. Heartless!
He is Gavin Martillano. Sa aming apat, siya ang huli naming naging kaibigan. Noong bata pa kami, bago kami pumasok sa pre-school, mula sa Manila ay umuwi sila rito sa Baguio at inokupa ang bakanteng bahay. Mayroong children’s park na katapat lang noon ng townhouse. Ngayon kasi ay wala na iyon at napalitan na ng mga bahay.
“Hoy, Adam! Ang daya-daya mo! Wala pang ten ‘yong tulak mo sa’kin,” protested the five-year old me. Inis akong bumaba sa swing at hinabol si Adam na tumakbo na papuntang slide kung saan naroon na rin si Harry. Binelatan niya lang ako nang nandoon na siya sa tuktok ng padulasan.
Naluluha na ako kasi napakadaya niya. Matapos kong itulak ang swing niya ng ten times—ay hindi—sinobrahan ko pa iyon ng isa. Bale eleven iyong tulak ko sa kaniya tapos pagdating sa akin nine lang?
Paulit-ulit akong binelatan ni Adam sa bawat padulas niya sa slide. Bata palang kami ay malakas na talaga siya mang-asar. Hanggang sa naiyak na ako dahil sa inis.
“Mama!” Humagulgol ako ng iyak, pati sipon ko tumutulo na. Basang-basa na rin ang damit kong napakadungis na kakapunas ng mukha ko.
May kumalabit sa likuran ko. Humihikbi akong lumingon at bumungad ang isang batang lalaking sa tingin ko ay kasing-edad ko lang din. “Ikaw ‘yong bagong kapit-bahay, ‘di ba?”
Marahan siyang tumango at tinuro ang maraming makukulay na laruan sa may seasaw. Umurong ang luha ko pagkakita sa mga iyon at nauna pang tumakbo papunta roon. May mga robot at iba’t ibang toy cars. Dinampot niya ang isang pulang kotse at nilagay sa gitna. Gamit ang controller ay pinaandar niya ito.
“Wow! Ang galing! Ang galing!” Napapalakpak ako sa tuwa pagkakita sa laruang kotseng umaandar mag-isa. Wala kasi kaming ganoong laruan kasi sabi ni mama mahirap lang daw kami.
“What's your name?” tanong ko sa bata.
“My name iss Gabin Maytiyano. I’m shix yeays old.” bulol niyang sabi dahil sa bungi niyang ngipin. Later on, I learned that it was Gavin Martillano.
Pinahiram niya ako ng laruang iyon na labis kong ikinatuwa. Patakbo namang lumapit sina Adam at Harry na manghang-mangha rin sa laruan.
“Ano ‘yan? Peram din ako.” tanong ni Adam. Hindi ko siya pinansin kasi galit pa rin ako sa kaniya. Kaya naman ininggit ko siya habang pinapaandar ko ang laruan.
“No way! Sa kaniya ‘to at ‘di ka papahiramin kasi hindi tayo bati!” Binelatan ko siya gaya nang ginawa niya sa akin kanina.
Binalingan niya si Gavin. “Peram din ako. Pahiramin din kita ng kotse-kotse ko.” Pinagyabang pa niya ang laruan niyang yari sa kahoy at gawa sa lumang tsinelas ang gulong. Agad namang tumango si Gavin na mukhang natuwa sa offer ni Adam.
Tinangka niyang agawin sa akin ang controller pero mabilis ko naman itong nailayo.
“Peram daw ako sabi niya,” he pouted.
Tinago ko sa likuran ko ang controller. “Ayoko nga!”
“Peram daw ako. Hindi naman 'yan sa'yo!” Pilit niyang inagaw iyon sa akin na hindi ko naman hinayaang makuha niya. Hanggang sa nag-agawan kaming dalawa at sa kakahila namin ay naputol ang joystick. Natahimik kami at pareho naming nabitawan ang magkapirasong parte.
“Hala!” bulalas ni Harry. Pinulot niya ang naputol na controller at sinubukang pagdugtungin ulit ito.
Ilang saglit namayani ang katahimikan. Tanging mga huni lang ng kuliglig ang maririnig. Hanggang sa unti-unting lumukot ang mukha ni Gavin at humagulgol. Tumakbo siya pauwi habang sumisigaw ng “Papa!”
Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako kapag naaalala ko iyon.
Paika-ika akong tumayo dahil napakasakit pa rin ng pwetan ko. Ako nalang mag-isa ang naiwan sa kwarto ni Gavin.
Palabas na ako nang mahagip ko ng tingin ang isa sa mga frames na nasa bookshelf. Litrato naming apat iyon noong graduation sa pre-school. Mula sa kaliwa pakanan ay si Gavin, Ako, Adam, at Harry, suot ang puting toga habang nakangiti.
Lahat kami ay may nakasabit na medal sa leeg. Valedictorian si Gavin, salutatorian ako, first honorable mention si Adam, at second honorable mention naman si Harry. Pero hindi ibig sabihin noon ay matatalino kami. Apat lang kasi kaming magkakaklase noon kaya lahat kami with honors.