Kabanata 1
"Gumising na nga Kayo tanghali na mga tulog pa Kayo". Sabi nag mama ko,na ka aga-aga talak nag talak,para machine gun Ang bunganga,Wala eh Wala Tayo magagawa ganyan talaga bunganga nag mama ko.
siguro kahit kapitbahay namin.nagising sa bunganga nag nanay.ko hay naka bagon na nga baka mamaya bombahin na kami dito.
"opo gising na nakatayo na Po".sigaw ko sa baba kahit papikit-pikit pa hanggang tumatayo.
syempre kailangan may bumangon Isa sa aming mag kapatid,syempre ako Lang Naman hindi.manhid sa aming tatlo eh,pag baba ko nag handan Nakita ko si mama na kakagaling Lang sa palengke at mag luluto ata nag sinigang na baboy.
"pag katapos mo mag mumog at mag hilamos nag mukha tulogan mo ako dito,para makapag luto na ako nag ulam natin." Sabi ni mama.
nag hilamos at nag mumog na nga ako para Hindi ma badtrip si mama sa Amin,Kasi kapag nabadtrip si mama,parang tigre at dragon na pinagsanib Yun eh,
"Ma,ano ba hihimayin dito itong kangkong?". tanong ko Kay mama.
"Malamang Kaya nga sinigang lulutoin ko eh, syempre kailangan nag kangkong". hay,naku pilosopo din Yung nanay ko eh,saan ba kami mag mamana edi sa kanya din.
"at paki gising na mga kapatid mo dahil papasok pa Kayo mamaya".
"Opo.Ma". Kaya hinimay ko nang kangkong na pinapahimay ni mama at pagkatapos umakyat na ako sa taas para gising na yung dalawang Kong kapatid
"kuya at cyriel gumising na Kayo kakain na sa baba" .iba talaga kapag mga Hari at Reyna sa mga bahay dahil parehas Kasi tamad itong dalawang Ito.
"oy,gumising na Kayo dyan Kung ayaw si mama papapuntahin ko dito.kaya bumagon na Kayo dyan". bumaba na ako para matulogan ko si mama pag hahain nag umagahan.Kasi mayamaya papasok na Rin kami
si kuya grade 6, ako grade 5,Ang bunso namin si cyriel ay grade 3,pa Lang. kami ni kuya isang taon Lang agawat namin sa isa't -isa sa edad,Yung bunso Lang namin Ang malayo agwat sa Amin.
"Ano gising na ba mga kapatid mo". tanong ni mama,pag kababa ko.
"Pabangon na Yung dalawa Ma". ayon na Lang sinabi ko Kay mama kesa bunganga Niya Yung dalawa.
"Sige-sige,bili ka muna nag yelo,hanggang Hindi pa bumaba Yung dalawa" inabot sa akin ni mama Yung 3pesos nag pangbili nag yelo lumabas na ako Sana Naman may tindang yelo,
dyan sa kapit bahay namin Kay aling sita ayoko Kasi Doon Kay aling Nita Ang daming alagang mga pusa,may mga kuting pa.ang sasama pa makatingin nag mga pusa sa.akin Doon tapos mga kuting naghahabol pa.may truma Kasi ako sa mga pusa eh,Kaya takot na takot kapag may mga pusa lumalapit sa akin.
"Pabili Po nag yelo" sigaw ko sa bahay nila aling sita,lumabas si aling sita.
"Hay,nako Jo.wala na kaming yelo pasensiya na Kasi naubos Kasi Ang daming nag inoman Ka kagabi bili sila nag bili Kaya naubos". Ang dami Naman sinasabi ni aling sita,hindi na Lang sabihan Wala.
"Ah,ganun Po ba sige Po,salamat na Lang Po". Ang daldal talaga nun,iba talaga tropa nag Mama ko Ang daldal.kaya no choice ako nito Kung Hindi Kay aling Nita ako bibili kahit maraming pusa hay,nako buhay na ito
"Jo,sabay Tayo pasok mamaya" Sabi ni Mark nakakabata ko at naging Bff ko na din.
"Paano Tayo mag sasabay eh,iba ka nag school diba". palibhasa medyo nakakaangat sila sa buhay nila Kaya sa isang private na school sya nag aaral samantala kami sa publikong paaralan lang.gusto pa sumabay,Wala Kasi sya schoolmate dito sa Lugar namin.
"sabay na Lang ako sa service niyo,Ang boring kasing pumunta mag Isa Doon sa school buti pa kayo parehas-parehas nag school nag pinapasokan,samantala ako mag Isa Lang Doon". aba kasalanan ba namin na Doon siya pinag aral nag magulang Niya,bakit sa Amin siya nag rereklamo Hindi sa magulang Niya mag reklamo.
"Mayaman Kasi kayo,Kaya Doon ka pinag aral". Loko ko sa kanya,bahala sya mag dusa sya Doon.
"Saan ka pupunta Jo". Ang dami Naman nitong tanong.
"diyan bibili nag yelo,sige una na ako". nag paalam na ako baka makipag kwentuhan pa sa akin Ito,pagalitan pa ako ni mama.
"Basta pasabay ako.mamaya". sigaw Niya pa Kasi nakalayo na ako sa kanya,bahala siya sa buhay Niya.
nag lakad na ako papunta Doon kala aling nita,NASA malayo pa Lang Kita ko na agad mga pusa mga naka abang agad,sa gate nila Kung sinuswerte ka nga naman makikikita mo agad mga kaaway mong pusa.paano ba ako makakalapit sa gate nila aling Nita Kung nandoon na agad mga pusa sa labas nag gate nila Ang sasama.pa Naman tingin nila sa akin palapit ako nag palapit pero Yung kaba,para na ako aatakihin sa puso.
pinag iisipan ko Kung aalis na Lang ba at sabihin ko sa mama ko na walang tindang yelo,sigurado magalit sa akin Yun at ma bunganga ako nun.sana sinama ko si mark para siya mauutosan ko bumili.
nasa tapat na akong nag gate pero Hindi ako makasigaw sa sobrang takot Kasi naka palibot na sila agad sa akin.may mga kuting
"Meow,meow...". anoba Yan ayaw ako tigilan nag mga Ito.
"Shoo.. shoo". saway ko sa mga kuting.
na ayaw parin tumigil uuwi na Lang nga ako bago pa lumapit mga inahin na mga Ito,tumalikod at nag lakad na Lang ako pauwi sa bahay sabihin ko na Lang Kay mama walang yelo,bahala sila Kung gusto nila nag yelo utusan Niya mga kapatid ko,talaga Hindi na ako babalik Doon.
"Naka bili ka na nag yelo Jo". tanong sa akin ni Mark na hanggang ngayon nakatambay parin sa Kanto Wala ata to.balak pumasok eh,
"ah,Hindi walang tindang yelo sila aling Nita,sge uwi na ako Kasi papasok pa ako mamaya ikaw Hindi ka ba papasok?". tanong ko kay mark.
"papasok syempre inspired ako ngayon eh,Kasi may bago akong crush sa school siya Yung bagong transferred Doon sa Amin Alam mo ba crush nag buong campus namin.". Sabi sa akin Ng bff ko eh,Wala Naman bago sa sinasabi Niya tuwing pasokan na Lang lagi tong may bagong crush Kung Sino maganda sa school nila ayun crush niya.
"Wala naman bago diyan sa sinasabi mo mark,lagi ka na Lang may crush sa school pati nga teacher mo crush mo eh". Sabi ko sa bff ko.
"Sge.una na ako mag aasikaso pa.ako nag gamit ko". paalam ko sa kanya.
"sge,ako Rin mag aasikaso natin,sabay ako sa service niyo ha!". sigaw Niya sa akin hanggang papalayo na ako sa kanya.bahala siya buhay niya.nakarating na ako sa bahay.
"oh, nandyan kana pala.tamang-tama nag hahain na kami nag pagkain yelo nag hinihitay namin at ikaw para mag umpisa na Tayo makakain". Sabi ni mama pagpasok.ko,bigla lumukot mukha Niya nakita Niya akong walang dalang yelo.
"Nasaan pinapabili Kong yelo sayo Jo,at baki Wala kang dala". Sabi nag mama ko,at umupo.na Rin ako sa upoan nag sasandok na ako nag pagkain ko.
"Walang tindang yelo sa lahat nag bilihan nag yelo ma". Sabi ko sa mama ko,
"Sigurado ka ba diyan?".nag dudang tanong nag mama ko sa akin.
"Oo nga Po ma!". Hindi tumingin sa mga Mata nag mama ko Kasi makikita Niya na nag sisinunggaling Ako sa kanya.kasi nga Sabi nila kapag nag sisinunggaling Ang isang tao.makikita mo agad sa mga Mata Niya.basta narinig ko Lang kasabihan Yun sa mga matatandang chismosa sa Lugar namin.
"sge hayaan mo na kahit walang yelo malalate na Kayo.sa.pag.pasok niyo". Sabi ni mama Kasi maliligo pa kami at isang Lang Naman banyo sa bahay namin Ang Mauna katapos kumain siya unag maliligo sa amin.
nag umpisa na nga kami kumain at hanggang kumakain kami panay bilin sa Amin ni mama kapag sa school.
"ikaw cyriel pagkatapos mo sa klase hintayin mo mga kapatid mo sa labas nag classroom nila.para sabay-sabay.kayo pag labas nag school naghihintay Doon si Mang jun.yung service niyo,Alam niyo naman uso ngayon nag ngunguha nag mga bata". hay naku parang Wala Naman bago dyan lagi ko naman naririnig Yan tuwing pasokan.
"tapos na ako,mauuna na rin ako maligo sa inyo". Sabi ko,Kasi unti Lang kinakain ko kapag papasok. nag school Kasi mahirap na baka Doon ka abutan kalikasan sa school Ang tagal pa Naman klase namin 12:00 pm. to 6:00 pm.tumayo na ako at naligo na.pag katapos ko nakaligo.
sumunod na si kuya, hanggang naliligo sila ako Naman nagbibihis na nag uniform at inaasikaso ko na mga gamit ko,Kasi ayaw ko na may nakalimutan Kasi Ang gusto ayos na Ang lahat Wala na akong maiiwan para hindi na akong maghingi or maghiram
Nag gamit sa kaklase ko at sinilip ko din Yung gamit ni cyriel tignan ko Kung kompleto na Rin Ang mga gamit Niya.
yung Kay kuya na gamit bahala siya.kasi ayaw niya na pinapakilaman gamit Niya medyo suplado pa Naman yun.nag matapos na sila maligo at pag bihis sabay sabay na rin kami pumunta Kay mama para maghingi nag baon.
"oh,Ito mga baon niyo sayo Anthony 20pesos at sayo Naman 15pesos jo.at sayo cyriel 10 pesos,may mga biscuit at tubig dyan nakahanda ilagay niyo Lang sa mga bag niyo". Sabi ni mama sa Amin,hanep talaga mga baon namin pera parang sunod-sunod Lang paano pa Naman Kasi Kung Sino na higher sa Amin sya Malaki baon,sa susunod kapag grade 6 na ako magiging bente na Rin Ang baon ko.ganun talaga taon-taon Kung nag increase namin sa eskwelahan nag increase din baon namin,buti na Lang mura pa bilihin sa canteen at mabibilan ka nag supas sa school nag limang pesos Lang.
"Magandang tanghali mo aling liza,ready na Po sila Jo Kasi nag hihintay na Po si Mang jun sa labas".Sabi ni Nick sa labas na naghihintay sa Amin kasama Kasi namin siya sa service na van sa Amin Kasi madami-dami kami nag aaral sa public school.iilan Lang Ang sa private school nag aaral.
" Ah, ready na sila palabas na nga dapat nag bahay eh". Sabi ni mama Kay Nick."sige Po una Po kami aling liza".lumabas na kami at nag lakad na papunta sa van nag service namin papasok na Sana ako nag Makita ko si mark sa van namin lintek talaga gagong to makiki service na Naman siya eh,may kotse Naman sila sa Kanila pwede Naman sya mag pahatid sa daddy Niya nakikisiksik pa.
"oh,bakit may impostor dito sa van,Hindi Naman natin to parehas nag school" puna ko nag Makita ko si mark naka upo na agad.naunahan pa kami makaupo dito.
"grabe ka Naman sa akin makikisabay Lang namin sa inyo".maktol Niya sa akin.
"Makikisabay eh,mas na una ka pa sa Amin naka pwesto diyan".ganti ko sa kanya.syempre asar ko Lang sa kanya Yun.
"haha..ha!..,mayaman Kasi kayo mark Kaya hndi ka pwede dito sa Amin".asar din Nick Kay mark. "Ang sama niyo Naman sa akin parang Hindi Kayo mga kaibigan".nag mamaktol na pag kasabi ni Mark parang maiiyak na.
kaya nailing na Lang ako hanggang naka ngisi.at bumiyahe na nga kami papuntang school namin Kasi Yung kala mark na school medyo malayo pa kaya huli sya baba sa amin.ng makarating kami school namin malungkot na si mark,paano maiiwan sya mag Isa dito.
"Paano mauuna na kami bumaba mark" pag aasar ko sa kanya.
"Oo, na ganyan Naman Kayo eh lagi nag iiwan".pag mamaktol na nya parin pag Sabi sa Amin.
"At bakit kasalanan namin na sa Private ka nag aaral at malayo sa school namin".sumbat na nag aasar nag pakasabi ni Nick.
"Bye sad boy". paalam na asar namin ni Nick sa kanya,bumaba na kami at pumasok na sa gate Ng school namin.
"Sge Jo Kita na Lang tayo.mamayang uwian".
"Sige Nick".papaunta na kami sa kanyang-kanya classroom