Bria Samantha pov
Simula ng araw na yon naging maayos ang pakikitungo sa akin ni vera at nica maging ang ibang studyante ay ganon din, hindi na nila ako binubully kasabay nila ako sa lunch pero madalas sinasabi ni ann na wag daw ako basta basta mag titiwala sa pinapakita nila sa akin dahil masama daw ang kutob nya
Na iintindihan ko naman sya concern lang sya sa akin ayaw nya lang akong mapahamak si step naman palagi pa rin akong dinadalaw sa room! Ginawa akong bata! Mas bata pa nga sya sa akin tsk
Habang nag lalakad ako sa hallway nakita ko si vera at nica na papalapit sa akin nang makalapit sila sa gawi ko nag salita si nica habang malawak ang pag kakangiti
"Bria hindi mo man lang sinabi sa amin na malapit ka na palang mag debut tsk!" Anito na mahihimigan mo sa boses ang pag tatampo habang nakanguso, natawa ako dahil don
"Oo nga kong hindi pa nabanggit ni ann hindi pa namin malalaman!" Ngusong sabi ni nica
Hindi ko naman alam ang gagawin oh sasabihin ko. Kasi naman wala talaga akong balak na sabihin sa kanila! Napapakamot ako sa ulo habang nag iisip ng sasabihin, baka masaktan sila
"Hindi ko kasi alam kong anong ganap alam nyo na sayang pera haha!" Aniko sa natatawang boses habang napapailing napakunot naman sila ng sabay bago nag salita
"Sus sabi ni ann may ganap daw ayaw mo lang yata kaming imbitahan sa debut mo!" Nag tatampong sabi ni vera
Ang daldal talaga ng babaeng yon, malamang si step ang nag sabi na may ganap sa debut ko tsk
"Oh sige na nga para hindi na kayo mag tampo punta nalang kayo sa makalawa January 25 yon ha wag nyong kakalimutan" aniko sa masayang boses
Sabay naman silang napapalakpak sa ere bago napasigaw sa tuwa haha mga sira ulo
"Talaga? Wala ng bawian yan kyaahh!" Ani vera
"Sya sya tara na baka ma-late pa tayo!" Aya ko sa kanila
Naging maayos ang trato nila sa akin mag mula ng araw na makipag ayos sila nag papasalamat ako sa kanila
Habang nag lalakad ako nag tanong si nica na syang kinakunot ng noo ko
"Nga pala bria sino sino nga pala ang 18 roses mo?" Aniya kaya naman biglang nag salubong ang kilay ko
"Kailangan pa ba non?" Aniko
Napaisip tuloy ako gusto ko sana ang last dance ko si melvin yong crush ko sa kabilang building haha 4th year college na si melvin samantalang ako 2nd year college palang. Sigurado kasi ako na si dad ang 1st dance ko
"Hindi ko alam ee!" Sabi ko nalang
"Kong wala pa gusto mo tulungan ka namin!" Aniya kaya naman parang natuwa ako
Sabay silang tumango
"Sige after lunch pag usapan natin lahat para maayos okay!" Ani nica kaya napatango nalang ako
Hindi ko namalayan nasa tapat na kami ng pinto bumungad sa harap ko si ann na masama ang tingin sa akin
Hinila ako nito at masamang tinitigan bago nag salita
"Binalaan na kita sabi ko sayo wag kang mag titiwala ng lubos sa dalawang yon!" May halong inis na sabi ni ann kaya natawa nalang ako
"Mababait naman sila nakikita ko yon!" Aniko alam kong totoo ang pinapakita nila sa akin kaya kampante ako at ramdam ko yon. Naayos na ang lahat ng kailangang ayusin sa debut ko tinulungan ako ni step, vera, nica at syempre si ann haha
Ang nakalagay sa last dance ay si melvin, wahh kinikilig tuloy ako ng pumayag sya
***
Papunta kami sa building ni melvin sinamahan ako ni step sya kasi talaga ang gusto kong last dance huhu
Pag karating namin sa room ni melvin agad sinabi ni step ang pakay namin ng walang paligoy ligoy kaya parang nahiya ako
Ng masabi nya yon agad napakunot ang kilay ni melvin bago nag salita
"Really?" Ngiting sabi nito lumabas tuloy ang pantay pantay at mapuputi nyang ngipin. Shocks ang pogi mo talaga
"Im lucky na ako ang napili mong last dance mo!" Anito
"Im melvin!" Aniya sabay lahad ng kamay hindi ko agad napag handaan ang kanyang ginawa kaya napatulala ako wahh
Ilang sigundo bago ako nakabawi, kong hindi pa ako siniko ni step baka nakatulala parin ako haha
Akmang babawiin nya ang kanyang kamay ng agad ko itong inabot at nakipag shake hands
"Bria!" Aniko nag katitigan kami lalo tuloy akong natuwa, ang lambot ng kamay nya kyaah huhu ang landi ko na ba haha paki nyo ba
Ayaw nyang bitawan ang kamay ko, kaya lalo akong kinilig, nahalata nya yata na namumula ako sh*t nakakahiya huhu
Ang buong akala ko bibitawan nya na ang aking kamay pero nag kamali ako, unti unti nya itong inangat bago hinalikan. Hindi ko alam kong paano ko itatago ang kilig na nararamdaman ko
Napansin siguro ni step na ayaw bitawan ni Melvin ang aking kamay kaya napa fake cought ito upang maagaw ang aming attention, hindi naman sya nabigo dahil binitawan ni Melvin ang aking kamay bago nag tanong
"Do you have a boyfriend?" Tanong nito na kinalaki ng mata ko damn! Kinikilig ako
Umiling lang ako ng ilang ulit then nag salita ulit sya
"Can i court you?" Tanong nyang muli. Para akong nabingi hindi ko alam ang isasagot ko
"Our mom said hindi pwedeng mag paligaw tsk!" Masungit na sabi ni step
"I can wait, hanggang sa pwede na!" Sabi nya kaya lalo akong kinilig
Kong pwede lang tumili dito ginawa kona kaso baka isipin nyang loka loka ako haha
***
Mas excited pa yata si nica at vera sa akin, ako naman walang ideya sa isusuot ko sabi kasi ni mom sya na ang bahala,
Si step naman ang mag aayos sa akin, sabi ko nga liptint at polbo lang ayos na sa akin! Hindi daw pwede yon tss
Gusto pa nga ni mom na iba ang mag ayos sa akin kaso ako nalang ang tumanggi kaya naman ni step easy lang sa kanya amg mag ayos kahit nga nakapikit kayang kaya nya haha
Sa isang araw debut kona sana nandito ang tunay kong magulang