BELLA POV Tatlong araw matapos ang walang kwenta naming honeymoon ay napagkasunduan ng mga magulang namin na bilhan kami ng bagong bahay, mahirap naman kasi na titira kaming dalawa sa puder ng isa sa kanila. Against man ako rito ay wala naman kaming magagawa ni Xander. Subalit unang araw namin sa aming maliit na bahay sa Laguna, nag usap kaming dalawa sa sala kung saan tambak ang mga gamit. "So dahil wala na talaga tayong atrasan, I guess na kailangan nating magkaroon ng bagong patakaran sa bahay," seryosong sabi ko kay Xander na nakatunganga lang sa akin. Tila ay wala siyang interes na makipag usap sa akin. Sumandal siya sa upuan at sumimangot, "At ano naman ang gusto mong mangyari panget?" "Makapanget ka wagas! Hoy, buntis ako at maselan pa! Wag kang makalait lait diyan dahil ikaw

