GG SIMULA
"PEACE BE WITH YOU." Malawak ang ngiti kong ngumiti sa aking mga kapatid. "Peace be with you, Sister," bati rin sa akin, habang siyang yumuko.
Agad akong tumalikod, at nakita ang ilang naglalakihang lalaki. "Peace... be with you." Hindi ko alam kung bakit hindi ko mabigkas iyon ng buo. Ngunit sa loob-loob ko, ay may kakaiba sa mga ginoong ito.
Ang iitim ng aura nila, na parang hindi naman nalinis ang kalooban nila, matapos ang misa ni father.
"Peace be with you, Sister Elodie Garcia." Kumunot ang noo ko, hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko.
Natapos ang misa, nang mayroong kaba ang dibdib ko. Hindi pa rin maalis sa akin ang tingin ng apat na lalaki. Malalaki ang kanilang katawan, at hindi ko rin maiwasan na mag-isip. Pasensiya na talaga, Panginoon.
"Nakatutuwa po at nakadalaw kayo sa simbahan. Masaya akong matawag na sister, gayoong iyon ang pangarap ko. Novice pa lang ako—kaya sa ngayon ay huwag niyo muna akong tawaging sister." Nang ang daan na tatahakin ko, ay silang naroong apat. Lumapit si Sister Joan sa aking tabi.
"Elodie, lumapit sila sa akin kanina. Kailangan ka raw nila makausap tungkol sa nakatatanda mong kapatid." Umangat ang dalawa kong kilay sa narinig mula kay Sister Joan. Hinarap ko ang apat na lalaki na may kaba sa aking dibdib.
"May nangyari ba sa aking kapatid?" Hindi mapigilan ng aking puso ang hindi maghunos-dili, sapagka't matagal na akong nawalay kay Eliot; ang aking nag-iisang kapatid.
"Maari ka ba naming makausap ng personal? Kakailangan ka ng iyong kapatid. Maari ka bang sumama?" Tanong sa akin ng isang lalaking matangkad. Hindi ko napansin na siya lamang ang naiiba sa apat. Mukha siyang banyaga, ngunit sa pagtatagalog ay bihasa siya.
"Baka kayo'y nagkakamali lamang. Hindi ako maaring sumama sa hindi ko naman ganap na kakilala—" Hindi ko iyon natapos, nang may ilahad ang tsinito ang isang litrato.
"Eliot Gabriel Garcia." Bigkas niya sa pangalan ng aking kapatid.
Tumanda ang itsura ni Eliot sa litrato at para bang pagod na pagod. Ipinakita ko ang hawak kong papel na pang litrato kay Sister Joan. "Si Eliot nga ito," wika niya.
"Elodie Gabriela Garcia, kailangan mo puntahan ang kapatid mo. Nanganganib buhay niya." Bumagsak ang aking braso at animo'y nagpintig ang aking tainga. Sa araw-araw na ibinigay ng D'yos Ama sa akin, ay hindi ako nagkulang na ipagdasal siya.
"Elodie, puntahan mo si Eliot. Mukhang kailangan ka ng kapatid mo ngayon." Naghahalo ang mga boses nila sa aking tainga, ngunit ang tanging t***k lamang ng puso ko ang nangunguna.
"Elodie?" Bumalik ako sa aking ulirat, matapos muling bigkasin ni Sister Joan ang pangalan ko. Tumungo naman ako't humarap na muli sa apat na ginoo sa harap ko.
"Dalhin niyo ako sa kapatid ko."
Binigyan nila ako ng daan at doon bumungad sa akin ang itim na magarang kotse. May kung ano sa aking loob ang kinabahan at tila nakaramdam ng hindi magandang dahilan para hindi na ako tumuloy pa sa pagtayo mula sa harapan nang makita ko ang isang lalaki na nagbato ng kaniyang isang sigarilyo sa harap ng simbahan.
Ang pagbuga niya ng usok mula sa hinithit nitong sigarilyo ang nagbigay sa akin lalo ng kaba.
“Sister Elodie Garcia…” sa pagbigkas pa lamang niya ng aking pangalan ay mas lalo akong kinilabutan. May kung ano sa kaniya na hindi mabigyan ng aking sarili na siya ay mapagkakatiwalaan.
Binuksan niya ang pintuan ng kaniyang kotse at ngumiti naman sa akin. Ang mga ngiti niya’y tila kakaiba, hindi nakakatuwa at mas lalong hindi ka mapapangiti rin.
“Nasaan ang kapatid ko?” Mahina man ang boses kong itanong iyon sa kaniya ay pakiramdam ko’y rinig na rinig niya ang t***k ng puso ko. Ang mga tingin niyang binabasa ang isip ko.
Sandali lamang nang nawala na sa likod ang ilang mga lalaki at ang lalaki naman na nasa harapan ko ay siyang inilok ang pagpasok ko mula sa kaniyang magarbong kotse.
“Get in the car, sister. We don’t have much time.” Para sa kapatid ko ay agad na lamang akong pumasok. Pag-upo ko pa lang sa shotgun seat ng kaniyang kotse, ay agad naman niyang isinara ang pintuan. Pinagmamasdan ko lamang siyang dumaan sa harapan ng kotse nito at tumingin pa sa kaniyang paligid.
Nang makasakay na siya sa driver’s sit ay hinarap naman niya ako. Ang malawak niyang ngiti ay sandaling nawala nang paharurot niya ang sasakyan nito.
Agad akong napahawak sa aking seatbelt na madali ko pang ikabit. Ano ba ang mayroon sa taong ito at hindi man lang niya ako hinintay na mag-seatbelt!
“Is this fun?” Tanong niya pa sa akin.
Halos lagabog ang dibdib ko, matapos niyang lampasan ang isang kotse sa highway. Para siyang hinahabol ng polisya sa kaniyang pagda-drive, pero narito ako’t nagdadasal sa Panginoon.
Sa mahinang pagdadasal ko ay para akong maiiyak. Natatakot ako na baka mawala ako agad bago ko pa makita ang kapatid ko.
“You’re no fun, sister.” Humina ang pag-drive niya. “Are you about to cry? Ang bilis naman…” sunod niya pa sa akin.
“Kung… kung maari lang ay magmaneho ka nang hindi mabilis?” Hindi niya ako nilingon, pero kitang-kita ko pa rin ang ngisi nito sa akin. Hindi rin nagtagal nang lumiko siya at doon bumungad sa akin ang mahabang daan. Bago pa ako makapagtanong ay lumitaw na sa akin ang port at ang dagat.
“Saan… saan tayo pupunta, Sir?”
Hindi niya ako sinagot kaya nang ang kotse niya’y nakapasok na sa malaking barko ay binalot na ako lalo ng kaba. Kahit gusto kong umalis, hindi ko magawa at gayoong si Eliot na ang usapan dito.
Halos natakpan ko ang aking bibig nang sa dilim ng loob ng barko ay tanging isang lalaki lamang na nakaupo’t nakatali sa silya’t duguan ang nahagip ng ilaw ng sasakyan ng lalaking kasama ko.
“Panginoon ko!” Dali-dali kong binuksan ang kotse’t tumakbo sa lalaking sugatan. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan pero wala na atang silbi ang magiging luha ko sa kaniyang itsura. Puno ng dugo at maga na ang mata.
Sa pagliwanag ng loob ng barko sa ilalim ay bumungad sa akin ang ilang armas na nakadikit pa sa dingding ng barko. Marami mga kahoy na nagmistulang kahon at may nakasulat na Graziani.
“Ano ang nangyari sa ‘yo?” Sa pag-aalaa kong tanong ay nakita ko ang mukha ng lalaki’t nakumpira na hindi ito ang kapatid ko. Narinig ko ang pagsara ng sasakyan mula sa likod ko. Sa paglingon ko n’yon ay kitang-kita ang nakakatakot niyang aura.
“Sister, baka masaksak ka ng lalaking ‘yan nang hindi mo alam.” Agad akong napalayo sa lalaki na binugbog.
“B-boss…” mahinang tawag ng lalaking nabugbog sa harapan naming dalawa. “Uhmm… bakit?” tanong naman ng lalaking katabi ko.
“H-hindi ko po alam kung nasaan si… Eliot.” Sabay tingin ng lalaking duguan sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko, gayoong ang dahilan nang aking pagpunta rito ay nang dahilan sa kapatid kong si Eliot, pero wala siya rito?
Magsasalita na sana ako nang ilabas ng lalaking katabi ko ang isang maliit na baril.
Walang pumasok sa isip ko kung ano ang gagawin ko, kaya’t humarang na lamang ako upang hindi niya mabaril ang lalaking duguan.
“Pakiusap! Huwag mong gagawin ‘yan! Sala iyan sa D’yos!” Mas lalo siyang humalakhak nang sabihin ko iyon. Dinilaan niya ang kaniyang mapupulang labi, habang ang itim niyang buhok niyang naka-brush back. Ang itim niyang coat at ang panloob naman niya’y puti na longsleeve.
Bakit na nila ito ginagawa sa kanilang sarili? Ginagawa nilang nakakasuklan ang Templo ng D’yos!
“Cinco:Vientidos ng Matteo, Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang sinumang nagagalit sa kaniyang kapatid ng walang dahilan ay mapapasapanganib ng kahatulan. Ang sinumang magsabi sa kaniyang kapatid: Hangal ka, siya ay mapapasapanganib sa Sanhedrin. Ngunit ang sinumang magsabi: Wala kang kabuluhan, siya ay mapapasapanganib sa apoy ng impiyerno.” Nanginginig pa ang aking bibig kung bigkasin iyon, ngunit hindi ako matatakot na paalalahanan siya gayoong siya ay nawawala sa mabuting landas.
“Huwag kang papatay,” sunod ko pa.
Ngunit ang malakas niyang tawa ang naging sagot nito sa akin. “Sister, huwag kayong mag-alala. I don’t want him dead? I want him to tell me the truth. Alam niya kung nasaan ang kapatid mo, alam naman ng kapatid mo kung ano ang kapalit ng kaniyang pagtraydor sa akin.” Sa malawak niyang ngiti ay mas lalo akong natakot.
“A-ano ang ginawa sa ‘yo ni Eliot? Maari mo naman siyang patawarin. Baka gusto niya lamang magbago ng buhay! Labanan mo ang sarili mo!”
“Ganito ba, Sister?” Saka niya itinutok ang baril nito sa kaniyang ulo. Mabilis akong umiling at akmang lalapit na sa kaniya, nang may isang boses ng lalaki kaming narinig.
“Tama na ‘yan, Vago. Don’t scare our little angel here.” Lumingon ako at doon nakita ang isang lalaki. Ang itsura nila’y may pagkakahawig, pero sa asta at laki ng katawan ay naayon sa taas ng puntos ang lalaking tinawag niyang Vago.
Lumapit sa akin ang lalaki at pinunasan naman nito ang luha sa aking pisngi.
“Pasensiya ka na sa inasta ng aking pinsan. Ako nga pala si Trevano Rasgild.” Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin.
Hindi ko iyon tinanggap, pero mas maaliwalas ang mukha nito kaysa sa lalaking tinawag niyang Vago. Malaki rin siyang tao tulad ng lalaking nasa harapan namin.
Kung ganoon ay pinsan niya si Vago? Ang pangalan niya ay Trevano? May pakay din ba siya sa aking kapatid?
“Siya nga pala si Ragago Graziani…”
“Kung paputukin ko ‘yang ulo mo sa harap ng anghel mo?” Natakot nanaman ako muli sa boses ni Vago na siyang nagbigay ng isang salita sa kaniyang pinsan.
Hindi ako makapaniwala na kahit ang kaniyang kadugo’t pinsan ay siyang kayang paslangin ng sarili nitong kamay! Wala ba siyang natitirang awa sa sarili nito’t napupuno na lamang siya ng galit at poot?
“Alam kong hindi mo gugustuhin na gawin ‘yan, Vago.” Sumeryoso ang itsura ni Trevano’t humarap naman sa kaniyang pinsan. Tinapik nito ang kaniyang balikat at agad naman na may ibinulong sa pinsan nito.
“Sister Elodie?” Tawag sa akin ni Trevano. “Kung gusto mo siya pakawalan ay pakawalan mo na. Ako na ang bahala kay Vago.” Ngumiti pa ito sa akin at doon ay mabilis akong kumilos. Inalis ko ang kaniyang tali at doon naman siya inakay sa aking braso.
Parehas pa kaming nahulog sa bigat ng kaniyang katawan. “S-sister… hu…huwag kang maniwala. W-wala na akong pag-asa na makakaalis dito,” hirap na hirap niyang bigkasin iyon sa akin pero umiling ako.
“Ako ang bahala sa ‘yo. Tumakas ka rito at sabihin mo sa kapatid ko na narito ako.” Napapikit lamang siya sa akin at tila ang pagtulo ng kaniyang luha ang nakita ko.
“Gi…ginawa kang pain, sister. Kin…kinuha ka nila para makuha ang… kapatid mo.” Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin.
“’Wag mong papapuntahin ang kapatid ko rito. Magtago siya… magtago ka. Gawin mo ang lahat para makatakas ka rito,” saad ko pa sa kaniya nang tignan lang kami ng ilang mga armadong lalaki.
Ang isa ay tinulungan pang buksan ang pintuan ng barko. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang malayo-layo na kami sa dalampasigan.
Hindi ako nawalan ng pag-asa at isinuot sa kaniya ang isang lifevest. Tumungo ako sa kaniya’t ganoon na rin ang ginawa nito sa akin.
“S-salamat, Sister.” Saka na ito tumalon sa dagat.
Halos napahawak ako sa aking tainga nang makita ko ang isang tagos ng bala malapit sa kinakatayuan ko mula sa dingding.
“Elodie…” tawag niya sa pangalan ko. Alam ko na kung sino agad iyon.
Sa paglingon ko ay nakita ko si Vago na nakapaloob pa ang kaniyang kamay sa bulsa nito.
“Is my little angel trying to escape, too?” Lumapit siya sa akin at ako naman itong napaatras pero huli na ang lahat nang dingding na iyon. Ang isang lalaki naman ay isinara ang pinagtalunan ng lalaki.
Wala pang saglit nang hawakan ni Vago ang magkabilang pisngi ko gamit ang kaniyang isang malaking palad. Sa ginawa niyang iyon ay halos mag-pout na ang labi ko.
“You’re not serving your God from now on.” Bumungad sa akin ang kaniyang asul na mata. Ang kaba sa dibdib ko’y tila nagmistulang tambol, lalo na nang ngumiti ito sa akin sa paraan na para bang hindi makatao.
“Oh… stop praying. He won’t hear you, he won’t listen. He never did.” Kumunot pa ang noo niya habang pinagsasabi iyon, ngunit alam kong hindi naman iyon totoo. Tanging demonyo lamang ang mga nagsasalita n’yan!
At doon ko napagtanto…
Dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang pisngi gamit ang aking kaliwang palad. Ang pagkunot ng kaniyang noo ay tila nagdiretso ang linya.
“Sino ang nanakit sa ‘yo, upang maging ganiyan ka?” Ang mga nalalayo sa Panginoon ay siyang mga pinanghinaan na ng loob. Mga taong nasaktan at inakala’y hindi narinig ang kanilang hiling.
Alam ko na kung bakit ako narito… alam ko kung bakit ako nakarating sa ‘yo, Ravago Graziani.
Catorce:Dieciseis ng Juan- At hihiling ako sa Ama, at bibigyan niya kayo ng isa pang Kaagapay na makakasama ninyo magpakailanman.
“Narito na ako, Vago…” Ngiti kong sambit sa kaniya na ikinaluwag ng kaniyang hawak sa aking pisngi.