NF 22 @Red Doorz Hotel BLYTHE Anggara ng hotel na to. Tunog alak. Dapat kanina pa kami dito pero natagalan kami dahil hinintay namin yung ate ni Resty sa terminal. Room for two ang kinuha niya. Tsk tsk. Humiga ako sa kama. Sakit ng binti ko. "Hay! Sarap! Bakit hindi na lang tayo kena Resty tumuloy? Libre pa." "Mang-aabala ka pa ng iba." Sagot ni Chen habang nagtatanggal siya ng sapatos. "Isipin mo na kung saan tayo magdidinner." "Tawag na lang tayo sa intercom. Pagod na ako para lumabas e. I'll have anything they can offer." Dumapa ako pero nakabaling pa rin ako sa kanya. Busy siya sa phone niya. "Start ko na bang mag-film?" Hindi siya umimik. Aww! Focus naman sa work agad. Sa ganitong oras? Mag-6:00 na. "Chen..." Tinaas niya ang isang kamay niya kaya tumahimik na ako. "Yes atto

