NF10
BLYTHE'S
Super may hang-over kami! Late na kaming nagising e. Wala nang breakfast-breakfast. Kasama ko ngayon ang mga "Bugoys", tawag ni Chen sa kanila yan, sa LBC. Ipapadala namin ang mga nabili naming pasalubong sa mga pamiliya nila. Yung mga nabili namin ni Chen sa daddy niya naming ia-address.
"Matutuwa si ermat ko nito. May ididisplay na naman siya sa cabinet niya." Masayang sabi ni Lucas.
Yung mga shells na ginawang decorations ang karamihang binili nila. Iisang address lang din ang pinagpadalhan nila para makatipid daw.
Pagkatapos ng transaction namin nagtungo kami sa Jollibee para sa lunch. Umorder kami ng sundae para may mapag-abalahan habang hinihintay ang take-out namin.
"Nakapagpaalam ba kayo sa mga pamilya niyo na matagal-tagal kayong mawawala talaga?"
"Oo naman boss. Natuwa nga sila kasi nakakasawa na daw mukha namin." Tatawa-tawang sagot ni Lucas. "Biro lang. Okay naman sila. Matatanda na kami. Baka nga sabihan pa kaming mag-uwi ng mapapangasawa e."
"Lalo naman ako." Sabad ni Derek. "Yung nanay ko ayaw na akong makita. Siguro naman mamimiss niya ako pag matagal akong nawala. Subok lang."
"Grabe ka naman sa ayaw kang makita."
"Totoo boss." Sabi pa nito sabay subo ng sundae. "Madalas nga ako kena Denmark tumutuloy pag pinapalayas ako ng nanay ko e. Anak kasi ako hindi magandang karanasan. Kaya hindi ako peyborit nun. Kahit mamatay ako okay lang."
"Tigil mo nga `yan." Saway ni Denmark sa kanya. "Pre, hindi mo bagay magdrama. Bili muna kayo ni Lucas ng chichiria para bukas P`re habang hinihintay namin yung take out."
Umalis na sila. Baka puro butong pakwan na naman ang bilhin nila. Haha! Mamumuti na naman labi ko.
Hay! Twenty minutes pa daw yung chicken. Naiinggit na ako sa mga kumakain haha!
"Totoo ba `yung kwento ni Derek?"
"Ah oo. Pero iniiwasan naming pag-usapan kasi nagiging emotional siya." Apologetic na pagsagot niya. "Bilib nga ako dun. Kung anu-ano ang raket na pinasok para makapag-aral e. Buti scholar kaming tatlo nakakabawas sa gastusin."
"Be honest ha? Sapat ba talaga ang pera ninyo para sa travels natin? Kasi willing naman kami ni Chen na ishoulder mga gastusin natin."
"Oo naman. Angtagal naming pinag-ipunan to Boss. Yakang-yaka ang budget."
"Sure ka? Sure na sure?"
Ngumiti siya. "Oo naman."
"Tsk. Okay." Pero doubtful ako. Trust issues Blythe! Bale gawan ko na lang ng paraan na mabawas-bawasan ang gastusin nila. Unfair naman kasi ako nagsusweldo sa kakatravel e.
---
Magpaplano na kami kung saan-saan kami pupunta sa La Union.
"Nakapagbook na kami sa SunRise T&T. Sa Dagupan daw ang pick up point. 6:00 ng umaga. Nakausap ko na si Mana Feliz na rentahan natin yong sasakyan nila papuntang Dagupan." Pagpapaliwanag ko sa kanila. "It's a 3 day and 2 night tour. After that mag-stay tayo sa bahay na nirekomenda ni Mana Feliz to rest for some days. You okay with that?"
Sumang-ayon naman sila. Wala naman silang magagawa actually. Haha.
"Ngayon naman may proposal ako sa inyong apat." Nakausap ko na si Chen tungkol dito at sumang-ayon din siya. "Since gumagastos kayo sa bakasyon na 'to, we would like to hire you as our content creator."
They're confused alright. "Content creator ng mga vlogs niyo Boss?" asked Lucas. Talino talaga nitong lalaking to. Haha.
Chen nodded. "Vlogs natin." Dagdag niya. "`Yun ay kung okay lang sa inyo. You will be compensated by my Dad."
Pinaliwanag din niya kung bakit kami nagtatravel. Partially lang naman. She haven't mention the real score between us.
"And if swertehin na may profit sa vlogs you'll get your fair share. What do you think?"
Hindi naman sila natagalan sa pagdedecide.
"Naku! Ako mag-iisip ng mga kilig vlogs ah. Magagamit ko na ang mga napanood kong Kdrama." Excited na sabi ni Resty. "s**t. Ano kaya ang uunahin ko? Yiiee. Pwedeng re-enactment no?"
Napahawak sa noo si Chen. Inakbayan ko siya. "Resty, isip ka nung bagay sa amin. Parody ng mga pakilig ng favorites mo."
Hahaha! Nakatawa si Chen mukhang nafrustrate bigla.
"Bakit tahimik kayo?" Tanong ko sa tatlo. "Mahihirapan ba?"
"Hindi boss. Na-eexcite kami pero dapat hindi obvious." Said Lucas slightly smiling. Nag-apir pa silang tatlo. Mukhang magiging mas masaya ang mga susunod na byahe.
Hahaha! 'Tong tatlong to talaga may mga topak! Pinaubaya ko na sa kanila iyong mga camera at laptop. It's provided by Chen's Dad so it's for all's use.
--
And here comes the bomb. It's Chen's turn to explain what could happen.
"Nasabi ko nang pupunta ang kuya ko sa La Union diba?"
Tumango-tango sila. "Si Boss Pogi." Komento ni Lucas. "Bakit Boss? Masungit ba yon?"
Umiling si Chen. "Pero kasama niya si Arthur. Supposed to be fiancé ko."
Hayan. Confused sila except Resty.
"Parang yung sa KDrama ba ito? Yung mga conglomerate family ang peg?" Angbilis makagets ng susunod na pangyayari e no? Kasalanan ng kakanood niya ng Kdrama yan.
Nagtaas ng kilay si Chen bilang pagsang-ayon. "My grandfather still has this idea that he should chose my husband."
"Halla. Paano si Boss Blythe?" Malungkot na reaksyon ni Derek.
Hehe. Kung siguro girlfriend ko talaga si Chen poproblemahin ko talaga yan e. As in baka papayat ako sa kakaisip!
"Hindi ko rin alam. I'll just cross the bridge when I get there. I don't know how long we're going to stay in La Union. I'll pay for the expenses don't worry about it."
"Walang problema Boss. Dadamayan namin si Boss Blythe sa mga oras na naninibugho siya."
"What's naninibugho?" asked Chen.
Natawa ako. Hay Chen! "Pagseselos." Sagot ko. "So okay na lahat? Ready na ang mga gamit ninyo? Maaga tayo bukas kaya magsitulog na tayo."
Nilinis nina Lucas ang mga banyo habang kami ni Resty ay sa kitchen. Si Chen? Hayun sa labas kausap ang kanyang daddy.
"I feel you Blythe. Kinakabahan ka for sure."
"Huh? Ah oo. Lutang nga e," pagsisinungaling ko. "Pogi yata yung Arthur e."
"Naku pogi ka din. Maganda pa kaya huwag kang kabahan. Lamang na lamang ka dun sigurado."
"Naks. Supportive pren."
"Opkors! Papasa kang Oppa e." nag-heart sign pa siya gaya ng mga Korean idols.
Haha... Siyempre hindi ako naniniwala kasi anglayo ng features ko sa Koreans. Uhhh si Chen! Siya ang pwedeng-pwede.
--
Ready na ang mga backpacks namin! Excited na ako para sa next trip! Pinapatuyo ko ang buhok ko habang nanonood ng Korean movie. Uhm nagbabasa at nanonood? Basta yon.
"Adik ka na rin diyan..."
"Okay na `to kaysa mahumaling ako sa mga kababaihan na nagmimessage sa akin `no."
"Sus! Ayaw mo nun? May nagcocomfort sayo?"
"You mean, COMFLIRT?" Natatawa kong tugon sa kanya. "And I know naman hindi sila sincere. I am not born yesterday, radar na radar ko ang mga comflirty people."
"Tumatanggi ka talaga?"
"Hindi ba obvious?" binalik ko ulit ang pansin ko sa panonood. "They come and go. Pag natikman ka nila iiwan ka na. at wala akong balak magpatikim no. Ewww..."
Parang naiimagine ko yung pagtataray niya sa binitawan kong mga salita. Haha! Nilingon ko siya. Hindi nga ako nagkamali. Nakaismid siya habang nakataas ang kanang kilay.
"Hindi ba ako kapani-paniwala?"
Nagkibit-balikat siya. "I don't know. Pero pagbutihin mo yan. Mapapabuti ang kinabukasan mo diyan." Humiga na siya. Saka inatupag na rin ang phone.
Ipinatong ko sa upuan ang towel saka na rin tumabi sa kanya.
Inayos ko ang paghiga ko. Makikinood na rin ako sa phone niya. She's watching Harry Potter. Pambata! Tutok lang siya sa panonood. Inilapit kong konti ang ulo ko sa kanya. "This is getting more comfortable."
"Gusto mo lang makatipid sa battery ng phone. Hindi mo pa aminin."
Nabalot kami ng katahimikan. Nakakatuwa ang mga effects ng Harry Potter pero never ako nagkainteres sa movie na yan. Haha.
"Chen..."
"Hmmm..."
"Matutulog na ko..."
"Bakit sinasabi mo pa? Matulog ka na."
"Wala. Gusto ko lang sabihin. Namimiss ko kasi si Prey."
"Ano namang kinalaman ni Prey?"
"Niyayakap ko kasi siya para makatulog ako." Dumilim ang palagid! Langya! Pinatong niya sa mukha ko yung unan!
"Naku Blythe! Matulog ka na!"
Hahaha! De tumalikod ako! Grabe siya. Walang malisya naman e! Yakap lang! Unless. Humarap ako sa kanya. "May malisya ka sa akin Chen? Ayaw mo payakap?"
Prinotektahan ko agad ang ulo ko kasi baka bumigwas siya! haha!
"Joke lang. Good night na." tumalikod na ulit ako. Hahaha! Hindi ko maiwasang ngumiti kasi pikon na pikon siya.
-
Nakakainis! Hindi ako makatulog! Pabaling-baling ako ng higa. Huhu. Thirty minutes na yata akong ganito. Huhu. Hapdi na ng mga mata ko. kailangan pang gumising nang maaga bukas.
"Anong oras na?"
"11:15."
Napaupo ako. "Nakakainis naman! Hindi ako makatulog."
"Excited sa byahe?"
Umiling ako. Kinuha ko ang phone ko saka pinasak ang earpiece sa tainga ko.
"Huwag kang magmumusic kung matutulog ka." She said after putting her phone on the side table.
"Bakit?"
"Kasi hindi mo maririnig kung may ibang to sa kwarto. Baka pinasok ka na ng magnanakaw."
"Tsk. Kasama naman kita kaya okay lang."
"Sinasabi ko lang. Just a reminder."
Nang pumukit na siya at humiga na rin ako. Nakaharap siya sa akin kaya ako bilang nakakaapreciate ng beautiful creature of God, pinagmasdan ko ang mukha niya.
Makipot ang mukha? Check.
Makapal ang kilay pero on flick? Check.
Mahaba ang pilikmata? Check.
Tangos ilong? Check.
Mapulang labi kahit hindi nakaliptint? Check!
Hindi isinumpa ng pimples ang mukha? CHECK!
Halla! Bakit almost perfect?!
"s**t!" Bakit kasi nagmulat siya bigla! "Chen naman!"
"What? Matulog ka na." Tumihaya siya. Inilapit niya sa akin ang kanang braso niya. "Oh. Hanggang braso lang pwede mo iyakap. Kasalanan ko pa kung magkulang ka sa tulog."
Yes! Thank you Chen! Umurong ako ng higa pababa para sakto ang pagyakap ko sa braso niya. hehe.
"Good night. Thank you!"
--
CHEN's POV
Sampu kami sa van. Nasa gitnang seats kaming tatlo nina Blythe at Resty. Pinagitnaan nila ako. Hikab ako nang hikab dahil hindi ako nakatulog nang maayos. Si Blythe kasi nakayapos na sa akin. Hinayaan ko na lang kasi kagabi lang siya nakatulog nang mahimbing. Nung mga nakaraan kasi humihikbi siya. Hindi ko alam kung nanaginip o umiiyak talaga. Pagkagising naman sabi niya okay lang siya. Maari bang nakakalimutan ang panaginip?
Almost two hours ang byahe. We're now having our breakfast.
"Kung alam ko lang na dito sa jabee ang almusal nagbaon ako ng kanin." Said Lucas. "Pagkamahal ng kanin e."
"Magdiet ka ang taba mo na e." natatawang puna ni Resty sa kanya. "patayin mo na yang video. Nakakailang kumain."
"hindi pwede. Hayaan mo lang yan te. Kasama sa content yan. Act normal. Parang si Boss."
Napaangat ako ng tingin. "Huh?"
"Sabi ko Boss kahit may Camera act normal. Parang ikaw. May camera o wala masungit pa rin." Saka ito nagpeace sign. "Joke lang."
"May problema ba?" tanong ni Blythe.
Umiling ako. Iniisip ko kasi kapag nandito sa Arthur. Angkulit-kulit nun at hindi nakakatuwa ang ugali.
"Gusto mo sayo na tong balat ng chicken? Saka itong choco float oh."
Napatingin ako sa kanya. Tinatantiya ko kung ibibigay talaga niya yung chicken Skin. Nilagay nga niya sa plate ko. Should I act like this always para ibigay niya sa akin ang chicken skin lagi? Haha!
"Thank you. Sa`yo na yang choco float."
Natawa sila. What's wrong with that? Masarap kasi `to. `Yung half ng rice niya binigay din niya sa akin. Work out addict siya `di ba baka conscious sa katawan.
Tinawag ko `yung isang crew.
"Pwede bang mag-additional order?"
"Pwede po Maam."
Nice. Umorder ako ng dalawang bucket ng chicket at humingi ng extrang lagayan ng spaghetti. Nang dumating ang order ko ay pinagtatanggal ko ang chicken skin! Sarap nito papakin mamaya.
"Naku Boss. Alam ko na kung paano mo mapapasagot si Boss Chen. Pagkatapos ng tour natin ipagluto mo siya ng Chicken skin with love!" Natatawang sabi ni Derek. "Search tayo sa youtube ng best recipe."
Pagkatapon kong balatan ang mga chicken ay binigay ko ito sa kanila. Nilagay ko naman sa plastic `yong take out ko. Chicken skin for later! So nice!
Aliw na aliw sila sa kakapasyal. We had a blast of day 1 tour in Ma-Cho Temple,
Balay na Bato, Pebble Beach, Baluarte Watchover, Poro Point Lighthouse, Namacpacan Church. Sineseryoso ng apat ang pagiging content creator. Nagmumukhang prenup na yung ibang shots.
It was fun din naman pretending to be a couple. Minsan nakakaasiwa pag napapatingin sa amin ang mga kasama namin sa tour.
Am I judgmental if I think they are judgmental? Haha! Crazy Chen! We'll be staying in the same house here in Urbiztondo. It's a three bedroom house.
Maganda daw mag-surf dito but I prefer to just rest.
Thank God makakapagpahinga na rin. Humiga ako saka pumikit. I hate this kind of mood. Gosh! PMS yata to.
"Chen! Look..." pinakita sa akin ni Blythe ang pictures namin sa Balay na Bato. "Ipopost ko ba to? Mej bastos yung background."
Balay na bato displays artworks na mostly ay image p***s. Tawa pa sila ng tawa kanina big, bigger, biggest daw. Angkukulit. Not that I don't appreciate art but I'm not into that kind of art.
"Bahala ka."
"Wait. Is that bahala ka na huwag o bahala ka na okay lang?"
"Huh?"
"Ano sagot na. Oo o hindi lang. Hirap manghula kaya."
"Post mo na lang."
She's posting it on IG. "Uy narinig ko yung apat. Mga kupal pala sila. Couple pala. Hindi ako tsismosa ah." Natawa siya. Hindi pa natapos ang sasabihin natatawa na. "Paano daw sila magkakaroon ng moment kung kasama tayo sa iisang bahay."
"Problema pa natin `yon?"
"Kinakausap nila yung driver. Baka daw may iba pang mas malaking bahay. Demanding. Hahaha!"
"Anong reaksyon ng mga bugoy?"
"Behave sila pero pigil tawa."
Naiimagine ko sila. Haha! Kung gusto pala nilang magkaroon ng moment thing dapat hindi sa ganitong tour sila nag-avail. Hay!
"Tara sa beach. Hintayin natin ang sunset." Aya ni Blythe.
"Hindi ka pa nagsawa sa beach?"
"Hindi e. Tara na kasi. Tambay lang tayo."
Nagpalit ako ng slippers. Hindi naman ako magswimming so tshirt and shorts will do.
"Naks hindi na siya ilang magbihis sa harapan ko."
Tinapon ko sa mukha niya yung t-shirt. Tatawa-tawa niyang inamoy pa yung shirt ko. "Amoy bebe! Haha! Uy comfy na siya sa akin. Magiging Close na tayo nito Cheny cheny?"
"Walang choice." Kinuha ko ang tshirt at tinupi. "Magchange ka na rin. For sure lulusong ka. Should I go out?"
"I'm prepared no!" nagtanggal siya ng pants at nagpalit ng shorts. "I like how we go along with each other. Thanks ha? Hindi ako nalo-lonely na. Do I look okay na?"
She wore a see thru top rin.
Nag-okay sign ako. "Tanggalin mo na lang kaya yang shorts? You look good in two piece."
"You sure?"
I nodded. "Why all of a sudden kailangan mo ng approval ko? Full of confidence ka `di ba?"
Tinupi niya ang pants at shirt niya. "Ewan. I just need your opinion sometimes."
Sabay kaming lumabas ng kwarto. Nasa sofa yung mga girlfriends. I don't know their names yet and I'm not interested. I cling ito Blythe's arms. Seeing them pissed off is quite satisfying.
"Kuya, can you search for a better house na lang?" Conyo namang lalaki nun! He sounds bakla! God! Sorry judgmental na naman. Utusan pa ang driver!
"E sir kasama na po sa binayaran ninyo yung rent ng bahay e. Wala po tayong choice sir."
"May problema po ba kuya" asked Blythe.
"Nagpapahanap kami ng ibang bahay kay kuya kasi we can't stay in this house. Maliit." Sabi nitong lalaking kulot.
"Three bedroom house is not maliit." Sagot ni Blythe. "Anong oras na kawawa naman si kuya kung maghahanap pa siya. Mapapagalitan pa siya ng boss niya."
"You don't get it. Maliliit yong mga rooms."
Napabuntong-hininga ako. This guy is getting into my nerves!
"Excuse me?" Mataray ko nang sabad sa kanila.
"Ah kuya punta muna kami sa beach." Hinigit ako ni Blythe palayo. "Chen, kalma naman. Baka mapaaway ka pa."
"E mali naman sila e. Kawawa na si kuya dun."
Yung mga bugoy na sa bahay kubo kasama si Resty. Kumain sila ng isaw.
"Mga boss! Kain. Hindi pa ba tapos ang drama ng mga kupal?" Natatawang tanong ni Lucas. "Kanina pa sila. Sabi ko sa room 3 kaming mga boys."
"Ayaw pumayag e. Parang pinapalabas na sa malaking kwarto tayong anim." Sabi ni Derek. "Ano yon? Uungol sila magdamag?"
Nag-apir silang tatlo.
"I could rent the whole house for us. Bahala silang maghanap ng tutuluyan nila. Nakakainis e."
"Huwag ka nga." Saway ni Blythe. "Huwag mong gamitan ng pera. Makakasakit ka pa ng ego. Ako na lang kakausap sa kanila."
Bumalik siya sa loob. Naiinis pa rin ako talaga!
"Boss, gusto mo ng chicken skin?" Natatawang sabi ni Derek. "Bad mood e baka pagkain lang katapat."
"Shut up. Nakakainis lang. Hindi naman kasalanan ni Kuya na ito ang nirentahang bahay. Bakit siya ang ginugulo ng mga yon. God! I pity him."
"Ganun talaga Boss. Hindi pare-pareho ang tao. Feeling ko lang ha hindi naman legit jowa. Parang kabit." Said Denmark. "Parang sagabal pa tayo sa labing labing nila."
Humagalpak na naman sila ng tawa. Mga pasaway talaga to. Pagbalik ni Blythe kunot ang noo niya.
"Dun tayo sa namin. Pakilipat yung mga gamit niyo. Kasya naman tayo dun. Sa floor na lang ako para tabi kayo ni Resty."
"Bakit ka pumayag?" Inis kong salubong sa kanya. "For sure ngiting hanggang tenga sila."
"Hayaan mo na. Tara na sa beach."
--
Nandito na rin ang apat. Mag-photoshoot daw kami. Game na game din si Resty. It's kind of cool to get along with them too.
"Lusong ka na."said Blythe after some sunset shots. "Angsarap kaya lumusong."
"Wala ako sa mood. Sige lang enjoy mo."
Naupo kami ni Resty sa may buhangin. Yung mga bugoy nagsilusong na rin. She's browsing our pictures.
"Angcute nito oh." Pinakita niya sa akin ang picture. Silhouette shot namin ni Blythe na magkaholding hands na nakaharap sa dagat. "Naku! Kinikilig ako sa inyo. Hindi pa kayo nito ha? Paano na pag official girlfriends na. s**t! Daig ang Kdrama nito!"
"Puro ka biro..."
"Bagay nga kayo e. Hindi pareho ang interest ninyo. So may mapag-uusapan kayo. Opposite personality. Perfect combination."
"Kakapanood mo ng KDRAMA `yan."
Binalik ko ang pansin ko sa dagat. Kinakawayan ako ni Blythe. Magaling ba kaming umarte ni Blythe na hindi nila napapansin na wala namang talagang namamagitan sa aming dalawa?
--