NF 26 BLYTHE Kasalukuyan kaming nasa room 7. Ang kwarto na gagamitin ng mga Bugoy. "Boss, sorry hindi naman talaga namin alam kasama si Arthur. `Yung sumundo sa amin. Hinanap siya. E kasama pala siya," Paliwanag ni Derek. "Okay lang. Buti nakasunod kayo dito. Bukas pupunta tayo sa Kabigan Falls." "Naku bitin ang bonding ko sa Ate ko. Babalik talaga ako dito sa December." Reklamo ni Resty. "Ah Boss, sino `yung mga mapopoging nilalang na kasama ni Boss Chen?" "Mga matatalik niyang kaibigan." "Ah. Mga Adonis. Grabe. Angswerte naman niya mapopogi ang mga guy friends niya." Someone knocks at the door. Pagkatapos silipin sa pinhole ay pinagbuksan siya ni Lucas. Si Chen. "Guys, may bibisitahin kaming kaibigan. Baka late kaming bumalik. Mauna na kayong mag-dinner." Lumabas na siya. Hays!

