Chapter 8

2656 Words
NF 8 CHEN "Hello mga ka-packers! So this morning tayo ay nandito na sa Tara Falls...!!!" That's her with the Bugoys. Doing another vlog. "Medyo bad mood ang aking bibi." Tinutok niya sa akin ang camera. "Bakit hindi maganda ang gising ng bibi?" Inirapan ko siya. Napakaaga niya akong ginising para lang samahan siyang mag-work out. That's damn 4:00 in the morning! Tatawa-tawa siyang humarap sa camera. "She hates working out but she so sexy. Angdaya diba?" "Swerte namin ka-packers. Weekdays pa at super early naming like. It's only 7:30 pa lang. Kokonti ang tao." Bilang lang ang nandirito. Parang mga locals lang din e. Walang cottage dito kaya sa gilid-gilid lang kami magse-set up ng picnic blanket namin. Kumukuha ng video ang mga bugoy. Aliw na aliw sila sa view. "Sigurado ba kayong mid 20s n ng mga yan?" Natatawang tanong ni Resty. "Parang mga teenagers oh. Aliw na aliw." "Nakakatuwa naman sila," said Blythe. "Hoy packers! Kakain na!" Nagsilapitan ang tatlo. "Ate waterproof ba to? Pwede dalhin sa ilalim ng pool?" "`Yung GoPro na lang gamitin niyo." Sagot ni Blythe saka tinuro ang bag niya. "Galingan niyo. Ako e lalambing pa sa bibi." Madali siyang lumapit sa akin. She clings on my left arm and leans her head on my shoulder. "Inantok ako bigla. Zup bibiko?" Natawa si Resty nang pinalo ko ang hita niya. "Sakit sa tenga. Kumain ka na lang baka gutom yan hindi antok." Nag-oa na naman siyang umarte. Hindi naman malakas ang palo e. Hinaplos-haplos niya ang hita niya. "Grabe. Alam mo? Angcute mo. Sobra." Fuck! Why the hell did she pinch on my cheek! Angsakit! Pinalo ko siya ng pagkalakas sa braso. "Angsakit! Ano ba!" Saka lang niya ako tinigilan. "Alam niyo kayo? Wala nang araw na hindi kayo nagbangayan." Komento ni Resty. "Pero okay lang `yan. Nagpapatibay ng relasyon yan. Parang barkada lang." "Dapat pala oras-oras ko siyang asarin ano? Para patulan na niya ako." She really knows how make banat. Ganito siguro niya nakapalagayan ng loob yung ex niya. Sa mga kakornihan niya. "You wouldn't mind us being clingy naman?" She looks at Resty. "I mean okay lang sa`yo ha? Baka mamaya na-o-awkward ka na." "Okay lang. Ano ba kayo. Hindi naman ako pinanganak kahapon para ma-shock. Kaya sige lang. Show your love lang." "Nice." Said this woman beside me after giving a high-five to Resty. "Invited ka sa kasal namin." Naibuga ko ang juice na iniinom ko. Hinagod niya ang likod ko dahil nasamid na ako nang tuluyan. Damn! "Uy okay ka lang?" Tinaas ko ang kaliwang kamay ko para tumigil siya sa kakahagod ng likod ko. "I'm okay..." "Ikaw kasi. Nagulat sa kasalan..."tatawa-tawang sabi ni Resty. Natawa si Blythe. "Dun din naman kasi papunta. Sorry. Okay ka na?" I nodded. "Parang gusto ko nang lumusong. Ubusin mo `yang pagkain mo. Nang hindi kung anu-ano ang iniisip mo." Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ako sa kamay. "Teka. Sabay na tayo. Ubusin ko lang `to." Madali niyang kinain ang nasa plato niya. Isang cup lang naman siguro ng kanin yung at ginisang cornbeef. Madaliang luto ni Resty. "`Yan. Sarap. Thanks Resty sa masarap na almusal. Tara na at lusong na tayo." "Naku kayo na lang. Ayoko makaistorbo sa babytime ninyo." Nilabas niya ang phone niya. "Perfect environment para mag-Kdrama. Go. Sho muna kayo love birds. Moment namin ng mga boyfriends ko ngayon." She puts on her ear piece. --         We're at the cliff. Hindi naman ganun kataas pero kinakabahan ako sa pagtalon. "Angtagal." Reklamo niya nakapameywang pa siya e. May limang minuto na kasi kami dito. "Ano na? Talon na tayo. Falls ito kaya kailangan nating ma-fall na." "Shut up. Paano pag mauntog ulo ko diyan. Mabagok ako." Tinawanan niya ako. "Nagtanong-tanong ako sa mga taga-dito. Safe diyan." "Idedemanda talaga kita kapag nadisgrasya ako." "Tsk. Duwag naman." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. "Kapag nasaktan ka sapukin mo ako. Pagbilang ko ng tatlo tumalon na tayo." Binitawan ko siya. Parang ayoko. Napaatras ako. "Ikaw na lang. Ayoko na." “Ako ang bahala sa'yo." Marahan niya akong hinila palapit sa kanya. "Tingin ka lang sa akin." Magkaharap kami. Nakatitig ako sa mga mata niya. Ngayon ko lang napansin ang maberde niyang mga ito. Probably that is her asset rin. Eyes full of charms. "Ready?" Kinakabahan akong umiling. She smiled and pulled me a little closer. "Kapit ka sa braso ko. Pagbilang ko ng tatlo tatalon na tayo." Huminga ako ng malalim. "Isa... dalawa...Tatlo!" Bigla niya akong pinangko saka tumalon! s**t! Anglamig ng tubig! Hindi ako ready! Nakainom yata ako ng tubig! Naman! Agad akong lumangoy papuntang gilid. Kasunod ko lang pala siya. "Walang hiya ka!" Tatawa-tawa naman siya habang ine-enjoy ang paglutang-lutang. "What? Enjoy `di ba? Ulitin natin?" "Ayoko! God! Heart attack!" "Nakakarelax ang tubig. Tara swim tayo habang konti pa ang tao." "Sige lang. Sunod ako." "I'll wait." Tumabi siya sa akin. "Hindi ka mahilig sa adventures?" "I do hiking." "Hindi yun adventure! It's just merely walking sa mountain." "Anong hindi? Matarik ang daan. Adventure din yon. Anong gusto mong adventure? Talon nang talon?" I reasoned out with rudeness. Ano ba kasi ang gusto niyang adventure? "Yeah right. Matarik na daan." Bumuntong hininga siya. "Ceasefire muna tayo. Nakakapagod makipag-away sa`yo. Hintayin mo ako dito ha? Maglalangoy-langoy muna ako." -- Ilang minuto na rin akong nagpapahinga sa silong ng puno. Naiirita ako kay Blythe. Napakagalawgaw kasi kaya lumayo-layo muna ako. Nakapagpahinga din ang tainga ko. Buti napagti-tiyagaan siya ni Resty. Na-convince pa niyang manood sila ng Kdrama. Nagshi-share sila sa earpiece. Lumapit sa akin si Lucas. "Boss saan tayo maglalunch? May suggestion ako. May nakita akong very promising place..." "Saan yan?" He showed me his phone. "Sungayan Grill. Check this out..." He shows me the picture. It's a floating restaurant. "Whatcha think?" "Ask them. Kung saan nila gusto." "Mga kapackers!" He said in his loudest voice. Napalingon sila. "Sa Sungayan Grill daw tayo sabi ni Boss..." What? Sabi ko tanungin niya sila. "Gayak na kayo packers! TomGuts na si Boss! Kawawa naman!" "Hoy! Sinong nagsabing gutom ako?!" Tinuro niya ang sarili niya. "Kasi Boss hindi sila gagayak kung ako lang ang gutom. Kaya tara na boss. Maglakad na tayo pabalik sa kabihasnan." -- Nauna na nga kami ni Lucas. It will take us about thirty minutes ride to get to Sungayan Grill according to google map. Tricycle pa naman ang sasakyan namin kaya matatagalan pa nang konti. "Boss wala ka bang plano sa special day na to?" "Ha? anong special day?" "Naku! Wait lang." Sandali kaming tumigil. Nagbrowse siya sa phone niya. "Ito... special day ngayon...." Facebook account ni Blythe. Maraming nagpost ng birthday messages sa wall niya. "Hindi ka interesado kay ate Blythe boss `no?" "Huh? Nalimot ko lang ang birthday niya." Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hay! I should have asked her. Pero hindi din naman kasi planado na may mga kasama kami sa travel na to. "Sus! Pinagseselos ka na nga e. Wala pa ring epekto?" "Anong epekto?" "Boss! Kino-close niya si At Resty para pagselosin ka. Kita mo naman may pag-share pa ng headset. Naku Boss protektahan mo kung ano ang para sayo. Pag ang puso malungkot madaling masulot." Saka ito tumawa. "s**t pwede na akong maging Dr. Love. Single na sweet lover. Ano boss? Bagay ba?" Natawa ako sa tagline niya. Sweet lover ha pero single. "Tulungan mo na lang ako sa sorpresa ko sa kanya." "Yown! That's my boss! Nakaisip na ako." Tumigil kami ulit dahil tatawagan daw niya si Denmark. Ni-loudspeaker niya. “Pre... mauna na kami ni Boss sa Sungayan... delay-delay mo nang konti jan.” “Bakit?” “Basta P`re. Umakting kang napupulikat o magpapakamatay. Bahala ka na.haha bye pre!” -- It's really a nice place! Pumili na si Lucas ng hut na ookupahan namin. Ako naman sa pagkain. I chose the seafood fiesta. It will take about 20-30 minutes pa daw. Dumating si Lucas na may dalawang bulaklak. "Oh san mo nakuha yan?" "Inarbor ko dun sa nagdedecorate ng golden anniversary." Tatawa-tawa niyang sagot. "Wala kasing flower shop na malapit. Magdagdag ako ng order Boss ha? Gusto ko ng hipon e." Inabot niya sa akin ang bulaklak. "Malapit na daw sila. Smile naman Boss." Drinowing niya ang smiley sa mukha niya. "Why do I have this feeling na fanboy ka namin ha?" "Nambawan!" He exaggeratedly cheered. "Wait mo na lang sila sa pathway Boss. Good luck!" Hay! Do I really need to do this? Hay. Birthday naman niya. Hindi nga nagtagal ay dumating na sila. "Anong meron boss?" asked Derek. "Si Lucas? Uy pre!" Paglingon ko ay nakatutok sa amin ang phone ni Lucas. "Dito ka P`re. Panira ka ng view..." Magkasabay sina Blythe at Resty. Kumuha din ng siya ng video. Napatigil lang nang malapit na sa akin. She confusedly look at me. Inabot ko sa kanya ang mga bulaklak. Dalawang white at isang red roses. "Happy birthday..." She smiled but I feel like it's not a really happy thing for her. Hay! Bakit parang hindi magandang idea to? "Can we have a picture muna? Doon oh." Tinuro ko ang corner na may signage ng resto. "For the vlog?" Pumayag naman siya. Denmark volunteered to take the picture. Bumuntong hininga siya. "You didn't like the surprise?" I asked in a low voice. "No. Hindi sa ganun. I honestly forgot my birthday." She said shyly. "And I'm not used to being surprised. Sorry sa reaction." "Ready na boss!" said Denmark. Paano ba dapat? Bahala na. We did random pose like other couples do. Medyo awkward nang magbackhug siya sa akin. "One...two...three!" "Tayo naman lahat." Inaya ko sila nang mabawasan ang awkward moment. "Hoy Lucas ngingiti-ngiti ka diyan. Lika na dito." Nakiusap kami sa isang crew na kuhanan kami ng video at picture. --        "Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Ang kumain o pagmasdan ang napakagandang view." Said Blythe. "Grabe look at the beauty of nature." "Kumain ka nga muna." Saway ko sa kanya. Video kasi ng video. "Blythe. Mamaya na yan. That can wait. Hindi ka pa kumakain." "Parang busog na ako sa view." Kinuha ko ang camera na ikinagulat naman niya. "Kumain ka. Huwag mong sabihing ipagtitinik pa kita." "Katakot ka Bibi. Ceasefire muna `di ba?" "Hindi naman tayo nag-aaway. I just said kumain ka." "Ate Blythe kumain ka na kasi si Boss ang nag-order ng mga to kasi birthday mo. Hindi lang siya showy pero naiinis na yan. Nung dumating kayo parang hindi mo naapreciate tapos ngayon hindi mo rin siya pinapansin." Masama ang tingin ko sa kanya kaya napayuko siya. "Pasensya na Boss..." Nabalot na kami ng katahimikan. "Hay! Kasalanan ko `to e." said Blythe. "Nawiwili kasi ako sa kaka-vlog. Sorry guys. O siya kakain na. Baka masapok na ako ng Bibi." Naging at ease na ulit ang atmosphere. Nangunguna na sa bidahan si Derek. Ibinibida niya yung mga beses na late siya sa klase at kailangan niyang makinig mula sa labas ng pinto. "Kaya hindi ka nakapasa agad e kasi lagi kang late." Komento ni Blythe. "Pero maiba ako, wala ba kayong mga girlfriends?" "Zero." "Betlog." "Singgol." Sabay-sabay nilang sagot. Haha! Parang mga trio sa entertainment ang mga to. Laging on cue. "Exes? You had?" I asked at they all stare at me. "What? Wala din?" Siniko ako ni Blythe. "Oh sorry." "Oks lang boss. Hindi pa namin siguro kapalarang magka-gelpren." Malungkot na sagot ni Denmark. "Hindi pa namin nakikila ang aming mga destiny." "And you really believe in destiny?" that's Blythe. "Ikaw Resty naniniwala ka sa destiny?" "Well,oo. Hindi masamang maniwala. Kapag kayo e kayo talaga sa huli." "Hindi totoo ang destiny." She said with conviction. "Pinanghahawakan lang yan ng walang paninidigan. Destiny is when you meet your partner. What makes a relationship last is the choices of the couple." "Naks. Deep." Said Resty. "Sige nga. Explain briefly." "Simple lang. Kunwari kami ni Chen." Napatingin ako sa kanya. "I meet her in a dating game. That's destiny. Choice kong ligawan siya dahil nahulog ang loob ko sa kanya. Kapag sinagot niya ako choice niya yon. At paulit-ulit naming pipiliin ang mga bagay na makakapagpabuti sa relasyon namin." "But what if may bumalik?" Hirit na naman ni Resty. "Maybe sa`yo o sa kanya. Anong gagawin mo?" "Cross the bridge when we get there." Sagot niya saka tumingin sa akin. "Tama ba yung sagot ko?" she said smiling. "Maybe. Kapag usapang pag-ibig talaga angdami mong paliwanag." "Ikaw boss? Anong masasabi mo sa love and destiny?" asked Denmark. "Para may mapulot din kaming wisdom." "Hmmm? We may have a different view of destiny but if you find that person who always make extra efforts for you, don't take her for granted. Know every little details about her. Most of the time little things are bigger things. I guess `yon lang ang alam ko sa love." Nabalot kami ng katahimikan. Medyo awkward. Did I say something wrong? "Why? May nasabi akong masama?" "Wala naman Boss. Mini-memorize lang namin ang bawat pangangaral ninyo." Natawa si Blythe kasi nagti-take note talaga ang mga bugoy sa phone nila. "Hindi niyo kailangan yan. Maniwala kayo sa akin mas nakakabaliw pag totoong buhay na." --          After our lunch we headed to St. James Church. She took some videos. The weathered building looks like those in thriller movies. I love how it is constructed! Old but gold! "Tara sa loob." "Magvi-video ka pa?" Umiling siya. Walang mass sa oras na ito. Naupo kaming dalawa sa bandang likuran. There's few people too. Most of them are tourists like us. "Thank you sa surprise kanina." "Welcome. And honestly tinulungan ako ni Lucas." "Ngayon na lang ulit ako nagcelebrate ng birthday ko. 6 years na rin yata." "Why?" Naisuklay niya ang mga daliri niya. "It's my 22nd birthday when my parents learned that I am gay. It was supposed to be a happy dinner. But all of a sudden may nagpadala ng pictures sa Papa ko. Guess what? Puro pictures ko at ng unang ex ko." "Sinong nagpadala ng pictures?" She shrugged her shoulders. "Hindi ko na inabala lang alamin. It wouldn't change anything din naman. Kinaumagahan nun nag-open ako ng sariling bank account ko. I transferred most of my money. Talino ko `no?" She smiled. "Kahit itakwil ako ng pamilya ko may pera pa rin ako." "Yeah. Naisahan mo sila sa part na yan." Sumandal siya at bumuntong-hininga. "Ano kaya ang pakiramdam ng suportado ng pamilya. Ikaw? Kung totoong nililigawan kita sa tingin mo tanggap ako ng pamilya mo?" "I don't know but Dad always joke around me having a girlfriend if hindi ako magbo-boyfriend. Kay Lolo lang siguro magkakaproblema. He keeps on setting me up on a blind date." "Mahirap talaga kausap ang mga lolo. They feel like they had planned their anak and apo's life." "Same sentiments. Halos lahat ng mga pinsan ko hindi napakasalan ang mga mahal nila. Fixed marriage and they're not happy at all." "Payag kang ipakasal sa hindi mo mahal?" Umiling ako. "I would like to break the trend." Natatawa kong sagot. "Masaya rin pala ang magbirthday. Kahit matapos na `tong pagpapanggap natin pwedeng i-celebrate ang birthday kasama ka?" "`Yan ay kapag single pa tayo pareho." "Sabi ko nga. Wait let's take a picture." Kinuha niya ang phone niya at nagselfie kami. "Amin na yang kamay mo. Holding hands dapat." She took a photo of our hands. "Post ko lang sa IG." She captioned,"Thank you for this day..." "Sincere ako dito ha. Lambot ng kamay mo. Lagi ko yan hahawakan. Pinapaalam ko lang." "Baliw. Clingy mo `no?" "Parang..." Hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko. "Ganito Chen ang feeling `pag may karelasyon. Pinaparamdam ko lang sa`yo para relate ka din minsan `no? pagkatapos nitong work na `to ihahanapan kita ng majojowa. Atleast ngayon may practice ka na." "Baliw. Bitaw na. Walang camera e." "Ten seconds pa." Nagcount pa siya. "5...4...3...2...1..." Binitawan niya ang kamay ko. "Thank you. You made my day extra special. --    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD