NF 36 CHEN Angdami naming stopovers. Bawat arko ng municipality nagpapa-picture kami. Iba ang trip niya. At sa dami nga ng tigil-tigil heto 5:00 na. Nasa San Fabian, Beach Pangasinan kami. We set up the awning, table, foldable chairs and the cameras. "This is fun talaga. I'll prepare our dinner. Charge ka ng phone? Solar powered and van natin iyayabang ko lang." Inilabas niya ang stand at ang portable butane gas stove. "Anong iluluto mo?" "Nilagang pork ribs. Binaon ko lahat ng grinocery ni Mama." Nang maisalang niya ito ay inayos niya ang upuan sa tabi ko ang naupo. "Nakaabot tayo sa sunset. Kaso maulap. Haha. Sayang. Nakaka-fresh ang simoy ng hangin. Lusong tayo mamaya?" "Ayoko." "Why? Sarap kaya ng night swimming." "Maubusan pa tayo ng tubig pangshower no. Paano na `pag I will

