Chapter 2
Nagising siya ng bahagya dahil sa naririnig nitong sunod-sunod na tunog ng doorbell nito.
“Ano ba wait lang! Istorbo sa pagtulog e!” Padabaog na isgaw nito habang pababa patungo sa pintuan. Hindi na niya inalintana ang mukha nito dahil sa inis niya sa taong nagdodoorbell ngayon.
“Good morning, Ms. Mari!” nainis siya dahil sa sobrang aga nakita niya ang nakakainis na babaerong kilala niya.
“Huwag mo kong ngitian hindi tayo close!” pagtataray nito sakanya. Habang salubong ang kilay nito at tinignan ang apat na tao sa likod nito at nakarelax na nakasandal. Nakakapanibago dahil hindi sila nakabusiness suit, hindi sila nakaformal suit. At mas lalo yung ikinunot ng noo nito.
“Is that the way you say good morning too?” walang emosyon sa saad ni Ullysis sakanya. Na mas lalong nag-init ang ulo nito.
“Ano ba kasing meron? Iniistrobo niyo ang tulog ko day-off ko ngayon my gosh!” Bulyaw nito sa kanila na ikinagulat naman nila.
“Napakaarte naman akala mo maganda pag gising sa umaga” inis na tugon ni Levin na ikinatawa naman ni Van na nasa harapan parin niya nito.
“Oo nga e, kung mag-inarte maganda.” Pagsang-ayon naman ni Comrad.
Humagalpak ang dalawang babaero at mas lalong nainis. Umagang-umaga sir ana agad ang araw nito.
“Tawang-tawa kayo Anton at Van? Ma-baog sana ang tumawa ng malakas.” Saad nito sakanilang dalawa at bigla namang nagsitigil sa pagtawa at tila namumulana ang mukha nito dahil sa pinipigilan nilang tawa.
“Aba! Takot mawalan ng lahi.” Ngisi ni Mari sakanila na mukhang nakbawi naman at nakita niya na ngumisi ang tatlo dahil sa sinaad nito.
“SO, what are you doing here?” seryosong tugon nito sa lima.
“We have to go to Siargao Ms. Mari.” Deretsong tugon naman ni Ullysis dahil siya lang naman ang mukhang seryoso bukod kay Comrad at Levin.
Agad naman niyang binuksan ang pinto nito sensyales na pinapasok na niya ang limang lalake sa loob ng condo.
“Sit here” turo nito sa malaking sofa niya. “Coffee? Milk?” saad niya sa lima ngunit walang sumagot sa tanong nito.
“You need to pack up. We need to go there as soon as possible.” Saad ulit ni Ullysis sakanya.
“Bakit ba kapag kayo ang pumupunta dito palagi kayong nagmamadali nangiistorbo?” inis na tono nito dahil sa kantunayan kagigising lang niya. Tapos paggising niya may mga taong istorbo sa pagtulog nito, pagkatapos mabubwisit sa umaga at ngayon pinamamadaling mag-empake?
“I’m sorry to hear that Ms. Mari but it’s Big Boss’ Order. We can’t say no Ms. Mari he is our boss remember?” mahabang tugon ni Comrad.
“Yeah! Wait here I need to pack my things.” Agad naman siyang tumakbo pataas papunta sa kwarto nito at inilabas ang malaking maleta.
Hindi na niya alintana kung ano ang mga damit na kinuha dahil sa malaking cabinet nito kapag may biglang out of the country prepared na ang dadalhin nito ang gagawin na lamang niya ay ilagay ito sa maleta.
Ito na ang panlimang balik nila sa Pilipinas ngunit kung bibisita man siya sakanila ay isang araw lang at balik naman ulit sa trabaho. She didn’t bother to ask a vacation leave dahil ang pamilya na niya mismo ang pupunta sakanya with the help of his boss of course.
Narinig niyang may kumakatok sa pinto ng kanyang kwarto hindi niya inalintana ito dahil nga nagmamadali siya. Narining niyang bumukas ang pinto pero wala siyang narinig na yabag ng mga paa nito.
Nagulat na lamang siya ng makita ang dalawang tao na sa harapan nito. Seryosong nakatayo sina Ullysis at Comrad na tila nagiikot ang mga mata nito sa loob ng kwarto.
“Patapos na ako, maliligo muna ako.” Saad nito sakanila at walang imik ang dalawa habang nagiikot sa kwarto nito at busy naman siya sa pagempake.
“He needs you.” Yun ang narinig niyang usad ni Comrad habang tinitignan ang snow ball na nasa center table nito. Natapos na rin niya ang pag-eempake at tumingin naman siya kay Comrad.
“What do you mean?” Ngayon lang nagsabi si Comrad ng ganito. Hindi siya mapakali dahil sa inaasta ng dalawa.
“Lady Dorothy called us that the whole empire wants our big boss to get married first for the sake of his responsibility.” Deretsong sagot ni Comrad sakanya at titig na titig ito sa mga mata niya.
“Still, I don’t get it.” She’s confused. Yeah! Hindi na niya alam kung ano ba ang ibig sabihin ng dalawa.
Nakita niyang huminga ng malalim si Comrad at deretso ang mata nito sakanya.
“Master Gregor, he is in the throne but before he gave his throne to his only son, big boss, has the power to choose a woman who can be with him for the rest of his life.” Agad naman napatango si Mari dahil sa explanation ni Comrad.
“Okay, maghahanap ulit ako ng kamatch niya. Heiress? Has a title? Or just an ordinary girl?” Deretsong taong nito sakanila.
Last two months noong naghanap ulit siya ng magiging match ng boss niya pero hindi pa natatapos ang araw umuwi na agad ang boss nito dahil hindi daw niya gusto ang ka match na napili niya.
“But how can I do that? Marami na akong pinili para sakanya pero ni isa hindi siya nag tagal. Boss has a high standard. What am I going to do with?” Tanong ulit niya sa dalawa na walang imik at nakikinig lang.
“we have no rights to answer your questions.” Agad na kinuha ni Comrad ang maleta nito at ang bag niya.
“Before that,” may inilabas si Ullysis na box small box in gold. Agad binuksan ni Ullysis ang box at bumungad doon ang nagniningning na kwintas. Small diamond ito at kitang kita mo na gawa ito sa ginto. Hugis diamante ito na na may crown sa gitna ng diamante. It’s a real diamond!
“Para saan niyan?” curious na tanong nito kay Ullysis. Agad na kinuha ni Ullysis ang kwintas at agad na inilagay ito kay Mira. Laking gulat ni Mira dahil malapit masyado si Ullysis at hindi mapakali dahil sa kwintas na nasa leeg na niya ngayon.
“Wear this necklace, for your safety.” Naiwan siyang naka nganga sa loob ng kwarto nito habang hawak ang kwintas na isinuot ni Ullysis.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang sila umasta at kumilas. Hindi niya alam kung ano ang nagyayari. Wala naman silang pinapasuot kapag pumupunta sila sa Pilipinas o saan mang bansa. Ngayon lang!