"O to the m to the g beshy Yna! Pak na pak ang beauty mo girl." Natawa ako sa turan ni Mirko. Hinampas pa ako ng baklang 'to. Dapat talaga ay hindi ko na sinabi ang tungkol sa nangyari noong isang araw, ang pagbibigay sa akin ni Ethan ng singsing. "Kaloka kayo girl." Malandi pa niyang saad pero naninibago talaga ako dahil parang pilit lang ang mga kilos niya ngayon hindi tulad dati. "Koko? May problema ka ba?" Inakbayan ko siya kahit na ang taas niya kumpara sa akin. Nagkibit lang siya ng mga balikta at inakbayan din ako. "Wala ah. Kung ano ano sinasabi mo, nabaliw ka na yata." Sumimangot siya. Tawa lang ako ng tawa sa tabi niya, patungo kami ngayon sa next class namin. Medyo maaga pa kami kaya hindi na ako nagmamadali. Tulad ng inaasahan ko ay maaga nga kami, wala pa ang proffessor na

