'Mabuti pa sa lotto,
May pag-asang manalo,
Di tulad sa'yo...
Imposible'
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses ng mahal ko. Haay! Ang ganda talaga ng boses nya gusto ko kumanta sya sa kasal namin, I smiled at the thought.
Pero wait? Boses nya? Tuluyan na akong dumilat at tiningnan kung saan nanggagaling ang boses ng mahal ko. Sa Cellphone ko! Alarm tone ko nga pala yun para maganda na agad ang umaga ko.
I recorded his voice secretly nung narinig ko syang kumakanta mag-isa sa bakanteng classroom 2 years ago.
Dali-dali kong hinablot 'to at nanlaki ang mata ko ng makita ang oras. 9:00 AM na?
May laro ngayon si mahal. s**t!
--
I run as fast as Icould, pero dahil isa akong dakilang lampa ay natapilok ako dahilan ng pagbagsak ko sa sahig. Kung kelan naman nagmamadali ako ay tsaka naman nakisabay ang kalampaan ko.
I heard a chuckle in front of me. Napatingala ako, and there i found Mirko laughing at me. He or she is my friend. Gay. Hindi nga lang lantad, patay sya sa papa nya if ever na may makaalam.
Inirapan ko sya. "How gentleman, koko." Saad ko at padabog na tumayo. Hindi man lang ako tinulungan ng hitad!
Umirap din sya at nameywang. "Gentleman ka dyan. Mas hitad ka!" Aniya at pinulot ang nahulog kong bag.
"Tara na nga!" Hinila ko na sya papasok sa gym kung saan naglalaro ang mahal ko. At tulad ng inaasahan ay late ako.
2nd Quarter na. Agad ko naman syang hinanap nung makarating kami. At ayun sya! Nagsimula na namang magsitakbuhan ang mga daga sa dib-dib ko. Pero bakit parang wala sya sa sarili?
Hinitak ako ni Mirko sa isang bakanteng bench. Kaya lang ay medyo malayo ito. Kung bakit ba kasi tanghali akong nagising! Napuyat kasi ako sa pagbe-bake ng cake para sa anniversary namin.
Well. Walang 'kami', tulad ng lagi nyang sinasabi pero dahil maganda ako ay walang makakapigil sa akin.
--
Ano bang problema nya? Bakit ba hindi sya makapuntos? Di naman sya ganyan dati ah? lamang na yung kalaban at konti na lang yung oras. Nainis na ako kaya tumayo ako at sumigaw.
"GO! MAHAL! 3 POINTS PARA SAKIN! I LOVE YOUUUUU!!!" Nangibabaw ang boses ko kaya pinagtinginan ako ng mga tao. Syempre. Maganda ako! Yung mga mukhang bisugo naman ay pinaikot ang mga mata nilang ubod ng laki. Mga inggit!
Nakita ko namang napalingon sya sa akin at nag flying kiss.
Asa naman ako! Baka flying kick hindi kiss! Inirapan lang ako ng gwapo, Sus! Arte! If i know kinilig ang tumbong nyan. Kurutin kita sa abs eh. Hehe Pero pumwesto at boom 3 points!!! Oha?
Natapos na ang oras at break muna nila. Lalapit na sana ako para punasan ang basang kili-kili ni mahal ng makita kong may isang babaeng mukhang parrot ang may dalang bimpo ang pinupunasan sya!
Kaya naman napapadyak ako dahilan ng pagkatapak ko sa paa ni koko. "Ay! Putragis Katherynna Trazer Hadrian!" impit na tili ng baklang katabi ko. Pero di ko sya pinansin.
Instead, I walk towards mahal at ang babaeng mukhang parrot.
"Mahal! Ang galing mo!" Tili ko para makuha ang atensyon nilang dalawa at hindi ako nabigo, in fact. Atensyon ng buong gym ang nakuha ko hehe. Ganda ko kasi. Hohoho!
Patakbo akong lumapit sa kanya at inakap sya. Gosh! Ang bango ng pawis ni gwapo. Yummy!
"Ethan, who's this girl?" Malanding saad ng parrot sa tabi namin. Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay.
"Ako nga ang dapat magtanong nyan. Girlfriend nya ako kaya Miss, you can go now it's my job." Sabi ko with my head hold high. Chos!
Padabog namang umalis yung parrot at nakabusangot ang mukha na lalong nagpapanget sa kanya tsk.
Hinarap naman ako ni Ethan with his famous bored look. Nakaakap pa din ako sa kanya at dahil maliit lang ako at hanggang kili-kili lang ako ng mahal ko ay nakatingala ako sa kanya.
"Tsk. You're late" aniya at umirap. Naku sarap kurutin ng eyeballs ng macho na to. Reypin ko na kaya? Hoho!
"Sorry, mahal. Busy kasi ako" sabi ko at sinub-sob ang ulo sa kili-kili nya. Ohlala! Heaven sa bango.
Nagsignal na ang coach nila na magsisimula na ang 3rd Quarter kaya inaalis na nya ang kapit ko sa kanya. Pero asa naman sya! Nakakagigil kaya sya!
"Ynna, let go" naiinis nyang sabi at pilit akong inilalayo sa kanya, kaya lang hindi nya ako malalayo dahil may lahi akong linta.
"Hmn. Mamaya na." Sagot ko naman. Nag-eenjoy pa ako.
"Look. Maguumpisa na kami." This time inis na talaga sya.
Tumingala ako sa kanya at nagpout na dahilan ng pag ikot ng mga mata nya. Naku! Bakla ata to eh. Nagpapacute lang naman ako pero alam kong di effective dahil maganda ako! Hoho! Echos!
"Bitaw na kasi Ynna." Aniya na pilit pa din akong nilalayo.
Tinitigan ko muna sya. Tsk. Kangawit tumingala. Bakit ba kasi pandak ako?
"Bibitaw ako pero..." Sabi ko with matching up and down ng kilay ko.
"Pero?" Tanong nya na parang naiinip. Tss. Kahit kaylan talaga.
Ngumiti muna ako ng pagkatamis-tamis.
"Pahalik." napahagik-gik ako. I used to do it for the last four years.
He just sighed and pout his lips.
And the winner is Ynna Trazer Hadrian.
LEGENDARIE