YLODIA Mabuti na lang at naiiwas ko ang atensyon ko kay Callum dahil busy ako sa pag assist sa mga batang mag pe-perform. Napakasaya kong makita silang lumaki, I've been with them for five years. Natapos ko rin ng matiwasay ang part ko sa program, although hindi ko nasabi lahat, because I was distracted. Katabi ni Callum sa upuan ang balikbayan na anak ni Mayor. Parang magkapalagayang loob na sila agad. Nakaramdam ako ng inis kaya pinili kong tapusin na ang appreciation speech para kay Father Clemente. Wala akong karapatang mainis o magselos kapag may nilalandi siyang babae.Ako ang nakipagkalas sa kanya. But I can't help it! Yung feeling na gusto kong magpapadyak na lang sa sobrang inis na hindi ko mailabas. Basta.. Nanggigigil ako! Tapos na ang program at kakain na lang kam

