RACHEL "So? Let's play?" nakangiting tanong ni Marigold na noon ay hawak na ang bote ng beer. Napatingin ako sa mga kasama ko. Pabilog kaming naupo sa quarter lounge. Isa iyong wooden lounger pero may sofa at center table. Iginilid lang namin 'yong center tayo at naupo kami sa sahig na yare sa kawayan. Maginaw na ang gabi kaya suot-suot ko 'yong cover up na hiniram ko kay Desiree. "Hey guys! Wait, sali ako!" pahabol ni Nijell. "Wala na! Tapos na Uwian na kami!" sabi ni Karina. "Ay, grabe naman!" Nagsumiksik siya sa gitna ni Lance at Dylan dahilan para mapinto ang distansya sa pagitan namin ni Dylan. Nagkadikit ang braso namin ni Dylan. Sa gilid ng mga mata ko ay napatingin siya sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Iniwas ko na lamang ang braso ko at bahagyang dumistansya. Ok la

