Mikaela Umalis nanaman pala si Alexandra. Hindi nanaman namin alam kung saan siya pumunta.Ilang araw ko na iniisip 'to pero hindi ko masabi kay Sky o Paris. Alam ko naman na hindi nila ako paniniwalaan pero hindi naman masama kung susubukan namin hindi ba? Gusto ko kausapin iyong dalawa para maayos na namin kung ano man ang dapat ayusin. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sina Paris at Sky na nakain sa may kitchen. Dahan-dahan ko silang nilapitan para kausapin, kailangan ko na ng kausap dahil sa mga naiisip ko eh, baka mamaya niyan eh mabaliw na ako dahil ina-analyze kong mag-isa ang mga 'to. "Alam niyo, lagi na wala si Alexandra sa bahay. Hindi niyo ba napapansin? Ewan ko kung ako lang nag-iisip noon pero iyon talaga ang nakikita ko. Ang lakas ng kutob ko na may ginagawang kalokohan iy

