Mikaela Sa wakas makakasama ko na rin si Francis. Hindi ko na kasi siya nakakasama lately dahil bantay-sarado na nga siya ng asawa niya. Kapag naman nasa opisina kami eh hindi namin makausap ang isa't isa dahil busy kami. Kapag kinausap ko siya sa oras ng trabaho eh panigurado akong magagalit lang siya sa akin kaya iwas na iwas akong mangyari iyon. Kaso lately parang nagiging close na siya kay Alexandra, nahuhuli ko pati na nakatingin siya sa kaibigan ko kapag magkasama kaming tatlo. Hindi ko alam kung normal lang ba iyon o may meaning na. Sana naman wala kasi hindi ko kakayanin kung mangyari iyon. Hindi ko sila mapapatawad na dalawa dahil mahal na mahal ko si Francis eh. Kumatok na ako sa condo unit niya at agad naman niya iyong binuksan. Walang kaayos-ayos ito, parang hindi niya pinag

