Alexandra Ano kaya kung sabihin ko na ang totoo sakanilang tatlo? Paano? Kailan? Alam ko naman na magagalit sila sa akin pero okay na rin na malaman nila ang totoo. Atleast naging honest ako sakanila, huli na nga lang. Sa birthday ko kaya ganapin ang big reveal? Haynaku, nakakabaliw na pagdedesisyon naman nito ah. Hindi ko napansin sa sobrang pag-iisip ko na tinatapik na pala ako sa likod ni Mikaela dahil lunch time na namin. Tama na nga muna ang pag-iisip. Saka bobita, madami ka pa namang oras para pagplanuhan kung paano mo sasabihin sakanilang tatlo na ahas ka. Bakit mo naman kasi inumpisahan ang ganitong sitwasyon? Nangati ka kasi, sana kinamot mo na lang ang sarili mo dahil kaya mo naman. "Sabi ni Francis, sasabay tayong dalawa sakanya para mapag-usapan kung paano siya makakasama sa

