Alexandra Habang nakain kami ay todo tingin pa rin sa akin si Sir Francis ng masama. Hinawakan niya ang cellphone niya at may tinext siya doon. Siguro ka-meeting niya o iyong asawa niya. Hindi ko na namalayan na tumunog na pala ang cellphone ko. Gosh, ako ba iyong tinext niya? "Sir Francis and Mikaela, pupunta po muna ako sa comfort room, naiihi na po kasi ako.Napadami yata ang iced tea na ininom ko." palusot ko pa pagkatapos ay pasimpleng kinuha ko ang cellphone ko at umalis papunta sa comfort room As I check my phone, tama nga ang hinala ko. Sir Francis texted me dahil sa muntik ko na pag-amin kay Mikaela ng katotohanan. Why is he like that? Gusto pa ba niyang madagdagan ang kasalanan ko sa mga kaibigan ko? Well, hindi naman kasi niya alam na may iba pa akong prospect. From: Sir Fran

