Alexandra
Pumasok kami ni Mikaela sa office na wala pang tulog na maayos. Ni hindi na nga kami nakapagsuklay ng abuti dahil nagmamadali na kami, hinayaan na namin matulog sina Sky at Paris doon. Hindi daw sila papasok sa trabaho dahil masakit pa ang mga ulo nila, sana ganoon na lang kami ni Mikaela pero hindi pwede eh. We have to work, lalo na ako dahil second day ko pa lang dito. Gosh! Baka mamaya makita ko nanaman sa hallway si Mrs. Ver, makilala niya kaya ang mukha kong ito? Ang dami namang nagtatrabaho dito kaya sana nakalimutan niya na ako.
"Uy, alam niyo ba na kanina pa kayo hinihintay ni Sir Francis? Halos magalit na nga sa amin eh, bakit ba kasi kayo late? Lalo ka na Alexandra, kabago-bago mo lang daw pero late ka na daw kaagad." bungad sa amin ng isa naming office mate
Ito na nga ba ang sinasabi ko, galit siya sa akin kasi late ako sa trabaho. Maaalis na ba kaagad ako dito sa trabaho? Huwag naman sana! I need to make a plan para hindi na niya ako masisante pa, I need to take my first move.
"Ah, can I go to his office so that I can apologize to him? Hindi naman masama ang magsorry sa boss lalo na kung late ka hindi ba?" sabi ko kay Mikaela at sa isa pa naming office mate
Tiningnan lang ako ni Mikaela at nag go signal siya na pwede akong pumasok sa loob ng office ni Sir Francis. I will apologize lang naman hindi ba? Wala namang masama sa gagawin ko. Teka, wala nga ba?
Pumasok na ako sa office ni Sir Francis at nakita ko siyang nakaupo doon. Gosh! He is so damn sexy with his office suit! Bakit ba kahit 40 years old ka na parang gusto ko pa rin ipatanggal sa iyo ang panty ko? I've been with guys before pero iba ka Sir Francis. Tipong tingin mo pa lang sa mga mata ko, nabubuntis na kaagad ako. s**t!
"Why are you here? Pinatawag ba kita dito? Ang sabi sa akin ng secretary ko wala pa daw kayo kanina, why are you late? Sa opisina ko, bawal ang ganyan. Please be minded that this will be your last warning. Naiintindihan mo ba ako, Alexandra?" bungad sa akin ni Sir Francis noong nakita niya akong pumasok sa opisina niya
"Nandito po ako to apologize kasi late kami ni Mikaela. Hindi naman po namin alam na malalasing kami eh, sana huwag niyo po akong tanggalin or huwag niyo po sanang pagalitan si Mikaela. Promise po, wala namang mga lalaki kagabi doon kaya wala pong ibang nakagalaw sa prinsesa niyo." sagot ko naman kay Sir Francis
"Don't worry, I don't love her that much para magselos kung may ibang umaaligid sakanya. Pabayaan mo siya kung may nanliligaw sakanya, katawan lang naman niya ang gusto ko hindi ang puso niya. My heart belongs to my wife, only to my wife." sagot naman niya sa akin
I knew it! Sinasabi ko na nga ba katawan lang ng kaibigan ko ang gusto ng matandang ito. Si bitchy Mikaela naman ang sabi sa akin mahal na mahal siya nito, it turns out akala lang pala ni Mikaela iyon. So that means, pwede ko siyang landiin kasi hindi naman siya seryoso kay Mikaela? Hmm.
"Ah, ganoon po ba? Okay po, Sir Francis may ipapagawa po ba kayo sa akin? Para po makabawi naman ako sa inyo sa pagiging late ko sa second day ko sa work. Anything po Sir basta kaya kong gawin." sabi ko pagkatapos I winked at him
Hindi pa siya agad sumagot noon, sa halip ay tinawanan niya lang ako. What the hell? Parehas sila ni Mikaela, ganoon din ang reaksyon niya kapag seryoso ako sa sinasabi ko. Bagay nga sila, parehas sila ng ugali.
"Really? Are you serious about that? You will do everything para makabawi ka sa akin sa pagiging late mo dito sa work? Magdahan-dahan ka, baka hindi mo makayanan ang gusto kong ipagawa sa iyo." sagot naman niya and then he winked back
Mukhang alam na namin kung ano ang ibig naming sabihin. Is this the first move? Ito na ba ang signal na hinihintay ko from him? Urgh, I think he likes me too. Gosh, I want you Sir Francis! Lumapit ako sakanya para magawa niya ang gusto niyang gawin sa akin.
"Oh, you're so fast Alexandra. Daig mo pa ang kaibigan mong si Mikaela, hindi naman siya ganyan sa akin but I like your move. Wala na hinihintay pa, I guess?" sabi ni Sir Francis sa akin
"Sabi kasi sa akin minsan ng isa kong kaibigan, kapag may gusto ka kunin mo na. Habang may opportunity ka pa, gawin mo na kasi minsan lang ibinibigay sa tao iyon." sagot ko naman sakanya
"So are you telling me that you like me? Pasensya ka na but my heart is for my wife only. Kung magkaroon man tayo ng relasyon, that will be like Mikaela's relationship with me." sagot naman niya sa akin
Grabe naman ang matandang ito, I want him in bed but I don't want him in my life. Katawan niya lang rin ang gusto ko hindi ang puso niya! Gosh, akala mo naman kung sino. Alam ko naman na gwapo ka pero wala pa rin akong balak magseryoso sa mga relasyon na ganyan Sir Francis!
"Ah, ganoon din ang gusto ko sa iyo. I want a relationship with you like Mikaela's. Pwede naman iyon hindi ba? Hindi naman niya siguro malalaman kung hindi natin sasabihin?" sagot ko naman sakanya
"Ah, are you really sure about this? Hindi ba parang niloloko mo na rin ang kaibigan mo?" tanong naman ni Sir Francis sa akin
I didn't answer, I kissed him passionately and I guess alam na niya ang sagot ko sakanya. It is a yes. Di bale na na lokohin ko si Mikaela, gawain ko naman iyon kina Sky at Paris eh. Hindi na bago sa akin, I just want Sir Francis badly. This is the start of my wildest nights with my boss.