Tumingin siya sa kanyang clipboard, saglit na nagbasa ng ilang notes, at saka dahan-dahang tumingin sa akin. “Mamaya po. Naka-schedule na tayo after lunch,” mahinahon niyang sagot. “Inaayos na rin po ang mga kailangan sa operating room. Nakausap ko na rin ang team — kumpleto ang surgeons, at na-clear na rin si Elias para sa procedure.” Parang biglang bumagal ang oras sa paligid ko. Kahit maingay ang ospital — may mga nurse na dumaraan, may mga kasabay na pasyente sa hallway — nanahimik lahat sa pandinig ko. “Mamaya na,” ulit ko sa isip, paulit-ulit. Ito na ‘yung araw. Ang araw na maaring bumago sa lahat. “May mga kailangang papirmahan pa, Miss Chasandria,” dagdag ng doktor. “Pero huwag kang mag-alala, andito lang kami. Gagawin namin ang lahat para maging maayos ang operasyon ng papa mo.”

