ILANG araw ba kami dito? Ah! Tatlong araw... "Huy! Tulala ka na naman diyan," sabi ni Nera sa kanya. Napatingin si Clio dito. At tila wala na naman siya sa kanyang sarili. Napatingin siya sa kanyang hinuhugasan na pinggan. Kanina niya pa itong hinuhugasan. "Ha? Ano? May sinasabi ka?" natanong niya nalang. "Wala naman. Napansin lang kitang nakatunganga," sarkastikong sabi ni Nera habang pinupunasan ang pinggan na kakatapos lang hugasan. "Akala ko may sinasabi ka," sabi niya kay Nera sabay bigay ng basang pinggan kay Nera. "Mauna na akong bumalik sa kwarto natin. Magpapalit lang ako ng damit." "Sige. Tapusin ko lang ito at susunod na ko," sabi ni Nera sa kanya. Tumango lang si Clio at naglakad na siya papunta sa kanilang kwarto. Habang naglalakad si Clio sa hallway ay may narinig siy

