ARAW-ARAW ay nagtatanong si Zir sa pamilya ni Clio at kay Nera. Nagbabakasakali siyang tumawag o mag-email man lang si Clio sa mga ito. Ang dami niya pang iniisip nitong mga nakaraang araw. Gulong-gulo ang isip niya. Halos hindi siya makatulog kaka-isip niya lang kay Clio. 'RIIIING' Napatingin si Zir sa kanyang kanan nang mag-ring ang telepono sa opisina. Agad naman niyang sinagot ito. "Hello dad," walang gana niyang sagot sa kanyang ama sa kabilang linya. (Kanina pa kita tinatawagan. Ano ba ang nangyayari sa iyo?! Kung tungkol it okay Selene... Please, isantabi mo muna ang problema niyo... Pati negosyo natin ay napapabayaan mo na.) "Sorry dad. Marami lang akong iniisip this days. Alam ko naman po iyon." (Pag nalaman ko na naman na hindi mo naaasikaso ang kumpanya ay sa kapatid mo na

