GUSTO kong umiyak. Bakit ba kasi ang dumi ng place ni Sir Matt? Hindi ba siya naglilinis sa sobrang busy niya? Pwede naman siya mag-hire ng katulong. Ang yaman yaman niya e’, barya lang ang halaga ng sinasahod ng mga katulong para sa mga katulad niya. Lumabas ako ng C.R pagkatapos kong linisin iyon. Kinuha ko ang phone sa apron at nagtataka kung bakit wala pa akong natatanggap na mensahe mula kay Mama? Isang araw pa naman akong hindi umuuwi sa amin magmula ng noong parusahan ako ni Sir Matt, pero wala akong narinig mula sa kanya. Hindi nga siguro ako mahal ng mga magulang ko… Umupo ako sa sahig upang magtimpa ng mensahe para kay Logan. Kahit naiinis ako sa kanya dahil sa pagnanakaw niya ng halik sa akin ay hindi pa rin nawawala ang concern ko sa kanya bilang kaibigan ko. “Hoy!” Text

