IKA-5 YUGTO Hindi pa rin makapaniwala si Chelsey sa bilis ng mga pangyayari. Wala pang tatlong oras ay ikinasal na siya sa pinaka-ungentleman na tao na nakilala niya sa buong buhay niya. Hindi niya rin alam kung paano siya nitong napapayag na maikasal dito, kahit pa sabihin na para lang iyon sa ginawa niyang kalokohan dahil kung tutuusin ay kaya naman niyang lusutan ulit iyon na hindi niya kailangang makasal sa binata. Pagkatapos nitong guluhin ang kaibigan nitong si Leon ay bumalik sila sa Condo nito. Gaya nang inaasahan niya ay hindi man lang siya nito dinala sa isang restaurant para ipagdiwang ang pagkakasakl nila sa isa’t-isa. Pasalmpak siyang umupo sa mahabang sofa habang ito ay hinubad ang suot nitong jacket at ang necktie nito. Tahimik lang siyang pinagmamasdan ang susun

