IKA-75 YUGTO Ang sarap sa pakiramdam pakinggan ang bawat pagtibok ng puso nila at habang pinapakinggan iyon ay gusto niyang mapaiyak sa labis na tuwa. Totoo nga ang kasabihang isang milagro ang pagkakaroon ng anak. Pinagmasdan niya ang dalawang sanggol na nagtatalikuran sa monitor. “So far, kumpleto naman ang mga parte nila ng katawan plus they are both healthy. Mukhang alagang-alaga si Mommy,” nakangiting turan ni Nami sa kanya. Natawa siya sa sinabi nito pero hindi niya maipagkakailang hindi totoo ang sinabi ni Nami, wala siyang masabi sa pag-aalaga sa kanya ni Luigi. Talagang lahat ng kailangan niya ay binibigay nito. “I agree,” pagsang-ayon niya at tumingin kay Luigi na nasa tabi niya, nasa monitor ang tingin nito at tulad niya ay manghang-mangha ito sa nakikita sa moni

