Sa buong oras na natitira para sa pictorial ay nakakandong lang siya kay Luigi, hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin niya para hindi ito masyadong mabigatan sa kanya. Mas lalo pa siyang nahiya ng maalala ang biglang paglaki niya, tiyak na mas mabigat na siya ngayon kaysa nang unang beses siya nitong binuhat. “Hey wifey?” untag nito sa kanya. “H-Ha?” napakurap niyang sambit. “Look at me in the eyes,” utos nito na mabilis niya namang sinunod. “What?” tanong niya. “Nothing I’ll just want to stare at your eyes, closely,” anas nito. Napangiti siya at pinigilan ang sariling kiligin pa, baka kapag hindi siya makapagpigil at parehas silang mahulog. “At nagagawa mo pa talagang mambola, ah,” natatawa niyang singhal ditto. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. “I

