IKA-48 YUGTO “Oh my God, look at that Iji!” bulalas niya habang nakaturo sa dikit-dikit na bundok. Sakay sila ng cable car at papunta sa ibang bahagi ng Heaven’s Dragon. Isang linggo na sila sa lugar na iyon pero hindi pa rin siya nagsasawang pagmasdan ang buong kapaligiran. Napaka-breathtaking ng mga tanawin at taolagang nareserved ang kagandahan ng mga kulay berdeng mga bundok. Maging ang mga resthouses at villas ay ikinulay na kapareho sa mga punong katabi ng mga ito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at at pinicturan ng ilang beses ang tanawin, mapupuno na ang storage ng cellphone niya sa dami ng mga litratong kinukuha niya araw-araw. Hindi pa siya nakakabili ng bagong camera kaya magta-tiyaga na muna siya ditto. Sa oras na makabalik sila ng Manila ay iyon agad ang uunahin

