IKA-69 NA YUGTO Nagising si Luigi nang biglang gumalaw si Chelsey ngunit nanatili itong tulog pa rin. Napangiti siya at inayos ang paghiga nito, ch-ineck niya ang likod nito kung basa na naman dahil sa pawis. Bukas naman ang aircon ngunit hindi iyon malakas dahil na rin sa request nito, minsan kasing nilakasan niya ang buga niyon dahil nagrereklamo itong mainit ay bigla itong nagkasipon. Isang linggo na rin simula nang ikasal silang dalawa, nanatili sila doon sa bahay na binili ni Janice para sa kanila ni Chelsey, nang una ay hindi niya iyon tinanggap ngunit ayaw niya rin naman itong magtampo dahil iyon ang kauna-unahang beses na nagbigay ito ng mamahaling regalo para sa kanya at sa magiging pamilya niya. Muling pumaling si Chelsey sa kabilang bahagi ng kama patalikod at hi

