Ungol at malalamyos na hiyaw lang ang naririnig ko. Ang bagay na paulit-ulit na may ginagawa sa aking katawan. Para siyang walang kasawaan na paulit-ulit akong inaangkin.
Bigla akong napabangon ng marinig ko ang pag iingay ng alarm sa aking cellphone.
Pawis na pawis ang aking katawan. Tila galing ako sa mahabang pagtakbo. Agad akong napahawak sa aking ulo ng sumigid ang sakit doon, tila Ito binibiyak sa sobrang sakit.
Nang unti-unting mawala ang sakit sa aking ulo,agad akong gumalaw upang tumayo at pumunta ng banyo. Ngunit agad din akong natigilan ng biglang sumakit ang gitnang bahagi ng aking katawan. Para itong hinihiwa tuwing magagalaw ko ang aking katawan.
Napadilat ako ng malaki ng biglang pumasok sa isip ko ang bagay na yun. Ang panaginip ko.
Nilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng aking katawan. Napatakip ako sa aking bibig ng wala akong saplot ni isa. Agad na nangilid ang luha sa aking mata. Inangat ko ang kumot na nakatakip sa aking hubad na katawan upang kumpirmahin ang mga nangyari kagabi.
agad na tumulo ang luha ko ng Makita ko ang pulang mantya sa aking higaan. Ang marka na nagsasabing nawala na ang pinakaiingatan ko. Sino? Sino ang lalaking yun? Totoo ba ang panaginip ko? Si Drake ba talaga yun? May nangyari sa aming dalawa? Anong gagawin ko?
NIlibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng apartment ko. May particular akong taong hinahanap. Ngunit bigo din ako ng di ko siya Makita. Umalis siya matapos na may mangyari sa aming dalawa? Mas Lalo akong napaiyak sa isiping iyon.
Pinilit kong tumayo at mag tungo sa banyo kahit sobrang sakit ng katawan ko. Paika-ika akong naglalakad Habang walang tapis ang aking katawan.
Binuksan ko na ang shower at tumapat ako doon. Humahalo ang luha ko sa tubig mula sa shower. Bigla akong napaupo sa lapag ng biglang manghina ang aking mga tuhod. Impit kong pigil na humiyaw sa pag-iyak.
Kasalanan ko ito! Naglasing ako at hinayaan kong may mangyari sa aming dalawa. Kung tama ang pagkakaala ko. Ako ang unang humalik sa kanya. Pero bakit? Bakit niya tinugon ang halik ko?
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo sa lapag at umiyak. Nakayukyok ang aking mukha sa aking tuhod na yakap-yakap ko.
Pinunasan ko na ang Mata ko na puno ng luha. Tinapos ko na ang paliligo. Nang matapos na akong maligo agad akong lumabas ng banyo para magbihis na. Parang sinusuntok ang buo kong katawan sa sobrang sakit. Ang gitnang bahagi ng aking katawan ay kumikirot tuwing gumagalaw ako. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Huminga ako ng malalim matapos kong magbihis. Naupo ako sa kama habang nakatulala lang.
Hindi ko namalayan ang pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon ang masayang mukha ni Drake. May bitbit itong supot na siguro ang laman ay agahan. Naamoy ko agad ang mabangong amo'y ng fried rice.
Lumapit Ito sa maliit kong lamesa at ipinatong ang bitbit na supot. Nang mailapag na nito ang supot ay agad niya akong nilapitan. Ang ngiti sa labi niya ay napakalaki.
Lumuhod siya sa harapan ko at hinuli ang aking mata. Hinawakan ng isa niyang kamay ang aking kamay na nasa ibabaw ng hita ko.
Habang ang isa niyang kamay ay iginilid ang takas na buhok sa aking mukha.
"Baby, Kain na tayo." Ani nito habang pinipisil ang aking kamay.
Gusto kong umiyak tuwing naaalala ko ang katangahan na ginawa ko. Pero ano pa bang magbabago? Wala! Kahit na umiyak ako ng dugo wala ng mangyayari. Wala nang magbabago.
Huminga ako ng malalim bago pilit na ngumiti. Hindi ako pwedeng magpadala sa damdamin ko. Kita ko ang pagkawala ng ngiti sa labi ni Drake.
"Ang aga mo namang dumalaw. Miss mo agad ako?" Biro ko sa kanya. Hindi ko pinahalata ang panginginig ng aking boses.
Biglang dumilim ang mukha ni Drake. Napapikit ako ng biglang mas humigpit ang hawak ni Drake sa kamay ko na hawak nito.
Pero imbis na matakot sa madilim nitong mukha. Pinatatag ko ang aking sarili. Ngumiti ako sa kanya kahit na nangingilid na ang luha sa aking mata.
Bigla akong tumayo. Hindi ko na kaya ang titig na binibigyan niya sa akin. Naglakad ako sa maliit kong kusina. Pinilit kong gumalaw kahit na nananakit pa din ang aking p********e. kumuha ako ng Plato at kutsara gamit ang nanginginig kong kamay.
Nilapag ko ang Plato at kutsara na kinuha ko sa ibabaw ng lamesa.
"Kain na tayo 'Best friend' "diniinan ko pa ang huling salita. Napalingon sa akin si Drake. Madilim pa din ang bukas ng mukha nito. Wala na ang ngiti sa labi at tuwa sa mukha nito na nakakabit dito kanina.
Tumayo ito sa pagkakaluhod sa kama at madilim ang mukhang lumapit sa akin.
"Kain kana." Ani ko sabay amo'y sa pagkain na nakahain sa harapan ko.
"Mukhang mapapadami ang Kain ko ah?" Ani ko kahit na alam kong hindi nakikinig si Drake. Ramdam ko ang titig niya na tumatagos sa aking katawan.
Nagsimula na akong kumain kahit na parang hindi ko malunok ang kinakain ko. Tila may malaking nakabara sa aking lalamunan. Ano ba? Makisama ka namang lalamunan ka! Gusto ko ng umiyak Habang ngumunguya ng pagkain.
Kailangan ko itong gawin. Kilala ko si Drake. Alam kong responsible siyang tao. Kaya alam kong pananagutan niya ako. At Ayokong mangyari yun nang dahil lang may nawala sa akin. Ayokong mapilitan siya. Ayokong pilit lang ang lahat.
He comb his hair. He looks like frustrated.
"Ano bang ginagawa mo? Ang aga mo akong dinalaw. Sya nga pala wala akong maalala. Bakit naman kasi naglasing ka Jhass!" Natatawa kong ani kahit hirap na akong mag sinungaling.
Lumuhod si Drake sa harapan ko at Hinawakan ang aking kamay. Napaigtad ako nang ang init na dulot ng kamay ni Drake ay dumaloy sa nag yeyelo kong palad.
"Ano ba? Kanina ka pa luhod ng luhod dyan. Tyansing ka ding bakla ka ha! kaninia mo pa hinahawakan ang kamay ko." Biro ko sa kanya,
"Jhass." Umamo ang mukha nito pati na din ang uri ng tingin niya sa akin. Tila nagmamakaawa siya sa uri ng tingin na binibigay niya.
"Ano ba Drake wag ka ngang mag drama diyan! di bagay sayo." Ani ko ng hindi ko na matagalan ang titig na binibigay niya sa akin.
Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mata. Bakit siya naiiyak? Di ba Dapat masaya siya? Dapat masaya siya sa sinabi kong wala akong maalala. Hindi siya mapipilitang gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kagustuhan.
"Jhass, Please baby. look at me." pag mamakaawa niya dahil kahit anong gawin niyang huli sa aking mata ay palagi kong iniiwas.
"Ganito mo ba ako kaayaw Jhass? Kaya nagawa mong sabihin na wala kang maalala sa nangyari kagabi? f**k jhass! nakakagago naman ohh!" tumayo siya sinabunutan ang sariling buhok.
"Ano bang pinagsasabi mo? ano bang nangyari kagabi? may nangyari ba? wala talaga akong maalala." Ani ko kaht alam kong alam niyang ngsisinungaling lang ako. I know I step on his ego. Pero ito lang ang tanging paraan para hindi siya mapilitang gawin ang bagay na naiisip kong gagawin ni Drake.
"wag mo kong gawing inutil at tanga Jhass! I know you remember every single detail we did last night. madali ka lang malasing pero matalas ang isip mo. alam kong hindi mo nakalimutan yun!" Puno ng sakit niyang sabi.
Pero pinanindigan ko ang nasimulan ko na.
"Wala nga akong maalala. Ano ba?" pilit kong sabi. napiyok pa ako dahil gusto ko ng umiyak.
"Fine! f**k, Jhass! if it is what you want. i'll give you time." He said then he kneeled again in front of me. He hold my hand "But please baby! wag mong tagalan ang pag didesesyon. Baka mabaliw na ako. konti nalang ang natitira kong pasensya. I'm on my limitation. HIndi ko na alam kung anong kaya kong gawin kapag tumagal pa ito." He was sincere to every word came out to his mouth.
Tumayo na siya. Ginawaran niya ako ng halik sa nuo bago tuluyan ng umalis. Nakatingin lang ako sa pagkaing pilit kong kinakain Kanina. nang marinig kong sumara na ang pinto ng apartment ko tyaka ko lang pinakawalan ang luha sa aking mata.
Namimigat ang aking mata. Umalis ako sa pagkakaupo sa bangko at patakbong tinungo ang kama ko. Pinakawalan ko na ang luhang pilit kong pinipigilan Kanina.
Anong gagawin ko? Umiyak ako ng umiyak hanggan sa sumakit ang ulo ko at makatulog ako ulit.
..
Graduation Day. graduation day nanamin pero hindi ko pa din nakikita si Drake. Di ba ito naman ang gusto ko? two weeks and half na ang nakakalipas matapos ng araw na yun. Simula noon hindi na nagpakita sa akin si Drake. May kirot sa puso ko dahil sa ginawa niya nga mga sinabi niya. He give me time to think. Pero kahit na hindi siya nag papakita sa akin hindi naman siya pumapalya na mag paramdam sa akin. Tuwing umaga may nag dideliver ng almusal ko sa apartment ko. May binayaran din siyang tricycle driver sa lugar namin para ito lagi ang susundo at maghahatid sa akin.
"Ano na? Busangot ka nanaman diyan?" Katabi ko ngayon si Evie. Hindi pa naman nag sisimula ang graduation kaya hindi pa kami naka line. At Kanina pa ako hindi mapakali. Nakatingin ako sa parking area ng pag dadausan ng aming graduation ceremony. inaantay ko na baka kahit ngayon lang ay Makita ko si Drake.
"Anak. Ayos ka lang ba?" Napalingon ako kay mama ng marinig ko ang boses nito. Noong isang araw dumating si mama kasama si mimi Judy. Pilit akong ngumiti kay mama. Ayokong ipakita sa kanya na hindi ako okay. Sumulyap ulit ako sa parking area. Umaasa na baka dumating pa siya. Pero bigo akong tumalikod ng tinawag na kami para pumila na dahil mag s-start na ang ceremony.
Napahinto ako sa pag lalakad ng may isang sasakayan ang pumarada sa parking area. Kaparehas yun ng sasakyan ni Drake. napangiti ako sa isiping nandito si Drake di niya ako binigo.
Ngunit agad ding nawala ang pagkakangiti ko ng makasalubong ko ang Isang pares ng kulay asul na mga mata.
Aong ginagawa niya dito? bakit siya ang pumunta? Bakit hindi si Drake? Lumapit siya sa akin Habang hawak hawak ang bulaklak sa isang braso. Nang makalapit siya sa akin ay nginitian nito si mama.
"Hello po!" Magalang nitong bati kay mama. Kinunutan naman ito ni mama ng noo sabay tumingin sa akin si mama. May pagtatanong sa mata nito.
"Sino ka? Manliligaw ka ba ng anak ko?" Medyo may pagkairitang tanong ni mama.
"HIndi po. Actually pinilit lang po akong pinapunta dito. Pinapaabot po itong bulaklak kay Jhass." Sagot nito sa tanong ni mama. Napatango lang si mama sa sinabi nito.
Tinawag na ulit ang mga graduating at kailangan ko naa ding pumila. Mamaya ko nalang siya tatanungin.
natapos ang graduation namin na parang may kulang sa akin. Dapat masaya ako kasi nakapag tapos na ako. Pero tuwing sumasagi sa isip ko si Drake hindi ko magawang mag saya. Parang kulang ang araw na ito na wala siya sa isa sa mga iporatanteng pangyayari sa buhay ko.
nan dito kami ngayon sa isang sikat na restaurant. pagkatapos kasi ng graduation inaya kami ni Cy. Si Cy yung lalaking may asul na mata at napagkamalan kong boyfriend ni Drake. Nalaman kong kaibigan lang pala talaga ito ni Drake at hindi siya nito boyfriend.
Nauna na sila mama sa loob, inantay ko si Cy na maayos na I park ang sasakyan. Gusto ko siyang tanungin. Gusto kong malaman kung bakit siya ang pumunta at kung nasaan si Drake.
"I know what will you ask." Umpisa nito ng hindi ako makapag salita.
"His not here. May kailangan siyang gawin. Pero babalik yun. baliw yung lalaking yun. Hindi ka nun kayang iwan. kaya nga nung tumalon sa building makita ka lang ehh." nakikinig lang ako sa sinasabi ni Cy.
"Nasaan ba siya?" Wala sa sarili kong tanong. gusto kong malaman kung nasaan ba talaga si Drake. Hindi naman ako galit sa kanya. Umiiwas lang ako sa magiging desisyon niya. Ayokong mapilitan lang siya dahil sa may nangyari sa aming dalawa.
"Ayaw niyang ipasabi. basta babalik yun. hindi ka nun matitiis." parang pinunit ang puso ko sa sinabi ni Cy. Bakit ayaw niyang sabihin kung nasaan siya? Parang gusto ko na tuloy bawiin ang sinabi ko sa kanya. Parang gusto ko nalang maging selfish at hayaan siya na tuluyang makapasok sa puso ko.
Matapos namin na mag celebrate. Nag-aya ng umuwi si mama. nag offer si Cy na ihatid kami. Una naming hinatid si mimi Judy. Hindi na daw ito magtatagal dito sa maynila. May kailangan pa daw kasi itong asikasuhin sa probinsya. Kaya hinatid muna namin ito sa bus station. matapos naming maihayid si mimi Judy hinatid kami ni Cy sa apartment ko. nang makauwi na kami, nag pasalamat ako kay Cy dahil ito ang nagbayad sa lahat ng ginastos namin sa restaurant. Nag pasalamat din ako sa naging abala namin sa kanya.
"Jhass wait!" pigil ni Cy nang akmang tatalikod na ako para sumunod kay mama. May inabot si Cy sa akin na isang calling card.
"Here. This is my calling card. Pwede kang mag apply sa kumpanya ko." Inabot ko ang calling card. binasa ko kung anong nakasulat doon. Halos mapanganga ako ng mabasa ko kung anong nakalagay sa calling card.
' Cyron Fuentes CEO of Fuentes Network INC'
"Yeah that;s me." Ani nito ng mabasa ang tumatakbo sa isip ko.
Nakakagulat naman kasi talaga. Ang Fuentes Network INC ang isa sa mga sikat na TV network sa buong piliinas. Even sa ibang bansa ay kilala din ito.
"Sige na pasok kana. baka mahamugan ka pa dito at magkasakit. Ayoko pang mamatay ng maaga." Ani nito sa pagitan ng pagkakatitig ko sa kanya. Wala sa sarili akong tumalikod na at nag lakad papasok ng apartment ko.
Nakaharap ko ang may ari ng isa sa sikat na TV network sa bansa. Lahat ng mga classmate ko ay nanganagarap na makapasok sa kumpanyang iyon. tapos ako, ako mismo ang nilapitan ng may ari.
naghahanda na ako sa pagtulog. nang makahiga ako sa kama agad kong niyakap si mama. I miss my mom. madalang lang kasi akong umuuwi ng probinsya. Kapag may budget lang. palagi namang nag o-offer si Drake dati na hatid sundo niya ako pag -uuwi akong probinsya para Makita si mama kaso Ako nalang yung humindi. Nakakahiya naman kasi.
"May problema ba anak?" tanong ni mama. nakayakap ako sa likuran niya Habang parehas kaming nakahiga.
"Wala ma. Namiss lang kita." pag sisinungaling ko.
Gumalaw si mama at Humarap sa akin. Hinagod niya ang buhok ko. Parang gusto kong maiyak sa ginagawa ni mama. Na-miss ko ito.
"Alam kong hindi ka okey anak. Pwede mo namang sabihin kay mama. Makikinig ako." Dahil sa sinabi ni mama mas binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. HIndi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hinagod ni mama ang likod ko.
"Sige lang umiyak ka lang. Pero pag katapos mong umiyak siguraduhin mong haharapin mo ang problema mo." mas napaiyak ako sa sinabi ni mama. Iiyak ako. Pagkatapos nito ay Dapat ko ng harapin ang problema ko.
"Alam ko kung bakit ka nag kakaganyan. Hindi ko nakita si Drake sa graduation mo at alam kong may problema sa pagitan niyong dalawa. alam ko din na iyon ang dahilan kung bakit Kanina ka pa malungkot." Ani ni mama Habang hinahagod ng aking likod. Kilala ni mama si Drake. madalas kasi si Drake sa bahay noon. At palagay ang loob ni mama kay Drake.
"Mahal mo na ba siya?" Napatigil ako sa pag-iyak. mas humigpit ng pagkakayakap ko kay mama. Oo. Inaamin ko sa sarili kong mahal ko na siya. Mahal ko na si Drake. Pero anong gagawin ko? Hindi kami pwede.
' ano bang dahilan kung bakit hindi kayo pwede?' tanong ko sa sarili ko.
"Wag mong ikulong ang sarili mo sa isang bagay na hindi pa nangyayari anak. alam kong natakot ka dahil sa pinagdaanan ko." Bakit pakiramdam ko may tinatago si mama sa akin?
"Wag mo kong tularan. Hindi ko nagawang ipaglaban ang taong mahal ko. Sa bandang huli ako lang din ang nasaktan." ramdam ko ang pait sa boses ni mama.
Ilang minuto pa kaming magkayakap ni mama ng mag sabi itong matutulog na. Ilang oras ng tulog si mama Habang ako ay hindi makatulog. Iniisip ko ang mga sinabi ni mama.
'Ipag laban ang taong mahal 'ko.'
nawala ako sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan.
message received.
From Drake: Congratulation to your graduation.
Parang may tumarak sa puso ko sa text niya. That wa a plane text message. Yun lang yun? Congratulation lang? Ni hindi niya manlang ako kinamusta? Ni hindi niya manlang naiisip na miss ko na siya?.... Natawa ako sa naisip ko. Miss ko na siya?. Pero ako din naman ang dahilan kung bakit siya lumayo.
Huminga ako ng malalim bago bumuo ng isang desisyon.
Bukas. haharapin ko na ang problema ko. Wala na akong pakialam kung ano mang kahihinatnat nito. Susubok ako. Sana sapag subok ko tama ang maging desisyon ko.