Para akong timang na nag aantay pa din dito sa labas ng university. Bakit ba ako nan dito? anong ginagawa ko dito? dapat umalis na ako ee. Pero hindi ko magwang umalis sa kinatatayuan ko. Para akong tanga na umaasang susunduin ako ni Drake. 15 mins na ang nakalilipas nakatayo pa din ako at umaasa. Gusto ko sanang I-text or tawagan si Drake kung susunduin niya pa din ba ako o hindi. Ang kaso ano namang sasabihin ko sa kanya? sasabihin kong paasa siya? pa fall siya? Ang gaga ko naman kasi, sabi nga friends lang ehh! pero ako ito ang tanga! Hindi ko naiwasang sumusobra na pala ako.
5 mins. 5 mins, pa. pag di siya dumating within 5 mins. aalis na talaga ako. kaso lumipas na ang 5 mins walang Dreak na dumating. for the first time. he broke his promise.
Inayos ko na ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat. tumalikod na ako at handa na akong mag lakad ng may biglang humawak sa balikat ko. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong na excite. parang tumalon ang puso ko. Paglinon ko biglang nawala ang ngiti sa labi ko. nakangiting mukha ni Ken ang nabungaran ko. Bakit ba kasi umaasa pa ako?
"K-Ken" tawag ko sa pangalan nito. Ngumiti ang binata sa akin.
" hi! " ani nito habang kumakamot sa batok na tila nahihiya. Ang sama ko na ba? kung sasabihin ko na si Drake ang nakikita ko kapag nakakakita ako ng kumakamot sa ulo dahil sa nahihiya?
"kanina pa kasi kita nakikita dito sa labas ng gate. may hinihintay ka ba?" tanong nito habang kumakamot pa din sa batok.
"meron. kaso mukhang nakalimutan nitong susunduin niya ako ngayon." may pait kong sa tinig kong sagot.
" so..... uuwi ka na?" biglang tanong nito. tumango ako bilang sagot.
ewan ko ba. dati naman ilag ako sa iba, kahit nga si Ken bihira kong kausapin. pero ngayon, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Parang ang gaan ng pakiramdam ko habang kausap ko si ken.
"uhmm.. wala ka nang gagawin ngayon?" kapag kuwan ay tanong nito, tumango ako, wala naman na talaga akong gagawin ngayon. maaga pa para sa oras ng pasok ko sa Café.
"P-pwede ba kita ayain? Mall lang tayo. p-pero kung ayaw mo okey lang." tanong nito na tila nahihiya. nag-aantay ito ng magiging sagot ko. May nakikita akong umaasa sa mata nito.
Wala naman akong gagawin sa Bahay ngayon. kesa naman ma buryo lang ako kakaisip kung bakit di ako sinundo ni drake, at mas worse pa ay na aalala ko si Thalia. di naman kaya kasama ni Drake si thalia ngayon? I shook my head to erase that thought. ayokong mag-isip ng kung ano-ano. nakakabaliw.
tumingin ako kay Ken at ngumiti. "sige. maaga pa naman." pag sang-ayon ko sa paanyaya nito. Kita ko ang malaking pagkakangiti sa labi nito.
I roamed my eyes inside of Ken's car. Hindi ako makapaniwala na may ganitong sasakyan itong pag mamay-ari. Parang katulad ito ng sasakyan ni Drake. "wag mo kong tignan ng ganyan," nangingiting sabi ni Ken. Hindikasi ako makapaniwalang nakatingin dito.
"sayo to?" parang tangang tanong ko.
"yes." sagot nito habang tumatango.
Pero di ba barista si Ken? Hindi naman kalakihan ang sahod ng isang barista. pano kaya siya nakabili ng ganitong sasakyan? Kung titignan kasi ang sasakyan nito ay mukha talagang mamahalin.
"it's a gift from my mom." kapag kuwan ay sagot nito habang nakatingin sa daan. gano ba kayaman ang mama nito at nakabili ng ganitong kamahal ng sasakyan.
mag tatanong pa sana ako kaso nakarating na kami sa mall. ipinarada na ni ken ang sasakyan. pagkatapos ay bumaba na ito at pinagbuksan ako.
Tinanggap ko ang kamay nitong nakalahad. inalalayan ako nito na makababa ng sasakyan.
"Salamat" ani ko sabay bawi ng kamay.
nauna na akong naglakad patungo sa entrance ng mall. sa entrance ko nalang ito aantayin,
Isang oras na pala kaming mag kasama ni Ken. Kahit papaano nakalimutan ko ang sama ng loob ko. atleast kahit ngayon lang. Kaahit ilang oras lang nakalimutan ko si Drake at ang tungkol kay Thalia.
"Ayun! sa kaliwa!. sa kanan naman." sgiaw ko habang nag che-cheer ako kay Ken. Kanina pa kami naglalaro. halos nalaro nanamin ang lahat ng laro na makikita namin dito sa loob ng mall.
"Ikaw naman. bilis." ani ni Ken.
"Ay! talo. kainis naman." bagsak ang balikat na inilapag ko ang laruang baril. nilalaro kasi namin yung babarilin yung mga zombies. Kaso natalo ako.
"Saan na tayo?" Biglang tanong ni Ken sa akin.
Napaisip ako bigla. Parang gusto ko ng ice cream. Gusto ko ng malamig at matamis. " ice cream tayo. libre ko naman. at bawal kang tumanggi sa libre ko." aya ko kay Ken. Kanina niya pa kasi ako nililibre. Lahat ng mga nilaro namin, siya lahat ang gumastos.
Napakamot ito sa ulo na tila hindi ito pumapayag na ako naman ang manlilibre.
"Hep! hep! bawal ang tumanggi." pigil ko ng akmang tatanggi ito.
Sa isang oras na kasama ko si Ken... nakalimutan ko ang mga gumugulo sa isip ko. Masaya din naman pala itong kasama. Noon kasi, pag nasa café kami. wala lang nagpapansinan kami pero ni minsan hindi ko pa na try na makahalubilo ito ng katulad ng ngayon.
"Chocolate flavor po ate" tumingin ako kay Ken na tumitingin tingin ng flavor ng ice cream. "ikaw Ken anong sayo?" tanong ko dito, napatingin ito sa akin.
"Sure ka ba? lilibre mo talaga ako?" tanong nito na parang di makapaniwala. Na hurt naman ako dun ng slight. para namang ang damot at ang kuripot ko.
"oo nga! sige na ano sayo?" kapag kuwan ay tanong ko.
"Yung Strawberry nalang." sabi nito.
"isa din pong strawberry ate." Sabi ko sa tindera na nakatingin kay Ken. Napapitlg pa ito, napangiti nalang ako. Gwapo naman si Ken. Pwede nga itong ipang laban sa ka gwapuhan ni Drake. Pero syempre mas gwapo Drake. Ewan ko ba. Kahit na may nakikilala ako noon na mga Gwapo din ay ni minsan hindi ako na attract sa mga iyon. Pano ba naman kasi, bago pa makalapit sa akin ang mga lalaking iyon ay nasa harapan ko na si Drake. Handang humaran sa mga iyon. Kaya minsan na pagkakamalan nila na boyfriend ko si Drake dahil na din ssa sobrang higpit nito sa akin.
Nang ibigay na sa amin ang order naming ice cream nag abot na ako ng bayad. Naghanap kami ni Ken ng bakanteng upuan. Nandito kasi kami ngayon sa food court ng mall. Nang makahanap kami agad na kaming na upo.
"So sino pala hinihintay mo kanina sa labas ng gate ng university niyo?" Kapag kuwan ay tanong nito sa akin. Napatingin ako dito habang nilalantakan ang ice cream ko.
"Si Drake." sagot ko dito.
Tumango tango ito." Ahh! yung boyfriend mo pala." Ani nito habang nilalaro ang kutsara ng ice cream at bagsa ang balikat.
Napatigil ako sa pagkain ng ice cream sa tinuran nito. "his not my boyfriend. We're bestfriend." Pagtatama ko dito. Biglang umangat ang ulo nito at tumingin sa akin ang mata nito. ang mukha nito ay biglang napalitan ng ngiti.
"I thought his your boyfriend. Grabe kasi siya kung pumrotekta sayo. Remember last time when I give you a coffe? akala ko talaga masasapak ako ng di oras." ani nito habang diretsong nakatingin sa mata ko.
Naalala ko ng yun, pero ganun lang naman talaga si Drake. "Ganun lang talaga yun. Pag pasensyahan mo na." ani ko habang sunod-sunod na kumakain ng ice cream.
'How about you? Panong naging barista ka ng coffe shop? Ehh mukhang mayaman ka naman. Kotse mo palang halata na." Kapagkuwan ay tanong ko.
"Mahabang kwento." tanging sagot nito. Tumango lang ako at napatingin sa ice cream nito na malapit ng matunaw. Sayang naman yung ice cream.
"You love strawberry?" Tanong ko dito dahil wala na akong maisip na pag-usapan.
"Hindi naman." Sagot nito habang nagsisimula ng kainin ang ice cream.
Ewan ko ba bigla akong napangiti.
"Nakakatawa ba akong kumain?" bigla akong napaangat ng tingin kay Ken na kumakain ng ice cream.
"Wala. May naalala lang ako."
"Sino?" biglang tanong nito.
Bakit ko ba kasi na iisip yung lalakin yun. Dapat inis ako sa kanya ehh! Ang dami nyang lihim sa akin.
'Sino nga?" pangungulit ni Ken.
"Si Drake." biglang sagot ko. Totoo kasing naaalala ko si Drake ngayon.
"Bakit? favorite niya ba ang strawberry?" tanong nito.
"Actually?.... Hindi. Opposite nun. Ayaw niya sa pink. Hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang niyang kinaayawan ang kulay na yun. dati kasi alam mo? Akala ko obsess siya sa pink. Then one day nalaman ko nalang ayaw na niya sa pink." Parang timang na pag ku-kwento ko. Hindi ko namalayan na habang kumakain kami, kay Drake nalang umiikot ang pag-uusap naming dalawa ni Ken.
"Matagal na siguro kayong mag bestfriend no? Kasi parang alam mo na lahat ng tungkol sa kanya." Kapag kuwan ay pahayag ni Ken.
Bigla akong napatigil. Mali si Ken. Hindi ko pa alam lahat ng tungkol kay drake, dati oo. Akala ko kilalang kilala ko na siya. Pero ngayon? Hindi ko na alam. Hindi ko na nga din alam kung nagsasabi pa ba siya ng totoo sa akin. Simula kanina. Yung tungkol kay Thalia, doon na buo sa isip ko kung totoo pa ba talaga si Drake sa akin.
"matagal na nga" Sagot ko sa halos pabulong na paraan. bigla akong nakaramdam ng lungkot sa isiping baka may itinatago talaga si Drake sa akin.
Bigla akong napapapitlag ng hawakan ni Ken ang baba ko at iangat. Nagtatanong na mata ang ipinukol ko dito.
"May ice cream yung pisngi mo." ani nito bago kumuha ng tissue at pinunasan ang pisngi ko. Napangiti naman ako. Hindi ko naisip na maaring mapalagay din pala ako sa ibang lalaki. maliban kay Drake.
Nang akmang ilalayo na ni Ken ang kamay nito ng biglang may humila sa aking braso. Sa higpit ng pagkakahawak ng taong nakahawak sa braso ko ay masasabi kong may galit ito.
Hindi nga ako nagkamali. Dahil pag lingon ko sa may ari ng kamay na nakahawak sa braso ko ay nagliliyab na mata agad ang bumungad sa akin. ang makapal nitong kilay ay salubong habang nakatingin kay Ken. "Drake?" tawag ko sa pangalan nito. Oo, si Drake ang may hawak sa braso ko. kung titignan mo ag hitsura nito ngayon ay mukha itong tigre na nakakita ng pagkaing susunggaban.
Anong ginagawa ni Drake dito? "Anong ginagawa mo dito?" mahinahon kong tanong.
Imbis na sumagot ito ay salubong ang kilay na tumingin lang ito sa akin.
"Brad, nasasaktan si jhass." Kapag kuwan ay sabi ni Ken. Napatingin ako sa braso ko ng biglang lumuwag ang pagkakahawak ni Drake doon. ang kaninang mukha nito na mababakasan ng galit ngayon ay napalitan ng pag-aalala.
"Teka!" bigla kong naisigaw ng bigla nalang akong hilahin ni Drake. "Drake! Ano ba? Sandali nga lang!" hindi niya ako binitawan hanggang sa makarating kami sa parking area.
"drake ano bang problema mo?" biglang tanong ko dito ng bitawan na din nito ang braso ko.
Humarap ito sa akin at mukha nanaman itong galit. Bakit ba siya nagagalit? "Galit ka ba? At tyaka, anong ginagawa mo dito?" Pag-uulit ko sa tanong ko.
"I call you. why you didn't answer my call?" Imbis na sagutin nito ng tanong ko, tanong din ang naging sagot nito. ano to? Question answering by question?
"Ako unang nagtanong. Ako dapat ang sagutin mo. hindi yung tanong ko. tanong mo." May pagkairita kong sabi. Nakakainis naman kasi talaga.
Biglang kumalma ang mukha nito. Tila na tauhan.
"I'm here to get you. I called you how many f*****g times but you didn't answer my call. Kaya naman pala hindi mo sinasagot." pagpapaliwanag nito. ngunit ang huling salita nito ay parang may kakaibang gustog ipahiwatig.
Talagang ako pa ha?! Sino kaya tong nagsabing susunduin ako tapos hindi naman ginawa? Kasalanan ko pa pala na nag-antay ako sa labas ng university at nagbabakasakaling dadating siya?
"So ano kasalanan ko?" Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. "tyaka anong 'f*****g! f*****g ka dyan? bakit ka nagmumura?" Dugtong ko sa tanong ko.
Bigla kong naalala si Ken. Nakakahiya sa tao dahil hindi manlang ako nakapagpaalam. Bigla nalang kasing nang hihila itong isang ito ehh.
"What are you doing?" Tanong nito ng ilabas ko ang cellphone ko. Balak ko kasing tawagan nalang si Ken. nakakahiya dito na iniwan ko nakang ito basta-basta.
Hindi ko pinasin si Drake at ipinag patuloy ko ang pagtawag kay Ken. Mabuti nalang talaga may number ako ng mga kasamahan ko sa trabaho, including Ken.
Agad namang sinagot ni Ken ang tawag ko. Halata sa boses nito ang pag-aalala. Kinumusta din ako nito kung ayos lang ba talaga ako. Nang patayin ko na ang tawag tumingin ako kay Drake na hindi pa din nagbabago ang hitsura. Mukha pa din itong galit.
"So you have his number?" Kapag kuwan ay tanong nito.
"meron. Gusto mong hingin? Type mo ba?" Pang-aasar ko dito. biglang mas nagalit ang hitsura nito.
Hindi ko pinansin ang galit nitong mukha. Bahala siyang magalit. Siya nga may tinatago sa akin ehh!
"Don't you make me fuckingly angry Jhass." Pagbabanta nito. Ngunit mas nasiyahan ako sa hitsura niya ngayon atleast nakaganti na ako sa kanya,
"Bakit? anong gagawin mo pag ginalit kita?" Panghahamon ko dito. It is our first time to fight like this. Hindi naman kasi kami madalas na mag-away ni Drake noon. Tampuhan lang ang nangyayari sa amin. Pero iba na ngayon.
"Try me! f**k jhass. try me." Panghahamon din nito.
Try pala ha! Kaya mas ginalit ko pa siya. Gusto kong malaman kung ano nga ba ang kayang gawin ng isang Drake pag galit. Dahil ni minsan hindi ko pa siya nakikitang nagagalit.
"Mabuti pa si Ken, pinapasaya ako" Hindi ko alam kung bakit si Ken ang lumabas sa bibig ko upang ipang-asar kay Drake.
" Mabuti pa si Ken, inaalala ako---." Hindi ko na natapos ang susunod kong sasabihin dahil bigla nalang akong kinabig ni Drake palapit dito. ang sumunod ko nalang na namalayan ay magkalapat na ang mga labi naming dalawa.
Mas humigpit ang pagkakapulupot ng braso ni Drake sa aking bewang. mas idinidiin nito ang katawan ko sa katawan niya. Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla. nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.
ang t***k ng puso ko ay parang tumigil, ngunit kabaliktaran iyon ng kay Drake. I heard how fast Drake's heartbeat. Parang nakikipag karerahan ito sa bilis.
Ang lambot ng labi ni Drake. Nang mag-umpisa ng igalaw ni Drake ang labi nito ay nakatulala pa din ako. Ang dila nito ay nanunudyo na buksan ko ang aking bibig. Ngunit hindi ko magawang buksan ang labi ko dahil sa sobrang pagkabigla.
Napadaing ako ng kagatin ni Drake ang pang-ibabang labi ko. Dahil sa ginawa nitong pagkagat sa labi ko, naibuka ko ito ng wala sa oras. Kinuha iyon ni Drake na pagkakataon upang sunggaban ang aking bibig. Pumasok sa labi ko ang mainit nitong dila. Tila isa itong uhaw na leon at nasabibig ko lamang nito nakita ang tubig na matagal ng hinahanap.
"uhm." ungol ni Drake na tila nasisiyahan sa ginagawa. Hindi ko alam kung ilang minutong magkahinang ang aming mga labi. Bigla na lamang akong napakurap nang kumalas ang labi ni Drake sa aking labi. Hingal at tila naghahabol ito ng paghiga.
Napatingin ako sa mukha ni Drake na ngayon ay hindi mababakasan ng ano mang emosyon. Anong ginawa ni Drake? Bigla akong napahawak sa aking labi. Pakiramdam ko ay nangapal iyon, at tila namamaga.
"A-a-anong.. A-anong.. anong ginawa mo? m-my first kiss..." halos pabulong kong tanong.
That was my first kiss... Ang first kiss ko, Si Drake ang nakakuha.
"I told you... don't you make me angry. I can be monstrous jhass. anytime, I can be monstrous when it comes to you..... Jhass." He said in a very cold voice. Tila hindi ito nagbibiro sa binitawang salita.
Para akong tanga na nakatingin lang sa mukha ni Drake. Kumunot ang noo ko ng bigla nanaman itong nagsalita.
"And by the way, That's not your first kiss." Sabay ngisi nito na tila may naalalang kakaiba.