Chapter 13

2484 Words
Nag hahanda ako ng sarili para sa pagtulog ko. isang lingo na din ang lumipas ng mangyari ang gulo sa pinagtatrabahuhan ko. Simula nun hindi na ako pinayagan ni Drake na pumasok ulit sa café. Nuong una hindi ako pumayag. But one time pag pasok ko may kapalit na ako. Si Drake ang humanap ng kapalit ko dahil yun lang naman ang iniisip ko kaya hindi ako makaalis sa café. Simula din ng araw na yun palagi ng nakabuntot sa akin si Drake. Lahat ng makikita nitong lalaki na nagtatangkang lumapit sa akin ay agad nitong pinipigilan. Nang matapos akong mag bihis lumabas na ako ng banyo. Nakaramdam kasi ako ng pagod. Buong mag hapon kasi ang naging practice pala sa graduation. Nang mahiga ako sa kama, agad kong pinikit ang mata ko. Hinatak agad ako ng antok. Bakit ba wala pa si Evie? May usapan kasi kami ngayon na mag m-mall. Mag hahanap kasi kami ng dress na gaagmitin naming para sa graduation. Sabi kasi nito dadanan niya nalang ako dito sa apartment. Pero Kanina pa ako nakabihis hindi pa din siya dumadating. Nang hindi na ko makatiis. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko. Tinawagan ko si Evie para tanungin ito kung nasaan na ito. Nakailang ring ang phone ko bago nito sagutin ang tawag. "Evie. Saan ka na ba?" Tanong ko dito. "Sorry Jhass. nakalimutan ko." Sagot nito. agad akong nag-alala ng marinig ko sa boses nito na parang hindi ito mapakali. Ano ka yang nang yari? "May problema ba?" Agad kong tanong dito. Nang hindi sumagot si Evie mas kinabahan ako. Alam ko kasi na kapag tumahimik lang ito may problema ito. Agad akong nagpaalam dito. "Nasaa ka ba? Nasa apartment ka ba? Wait mo ko puntahan kita." Pag kasabi ko nun agad kong binaba ang tawag, Nasa tapat na ako ng apartment ni Evie. Kumatok ako ng dalawang beses bago ako nito pinagbuksan. Halata sa mukha nito na may problema ito. "Anong nangyari?" Agad kong tanong dito ng makapasok ako. Naupo ito sa sofa at tumabi ako. 'Ano bang nangyari?" ulit ko sa tanong ko kanina. Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "S-si Amelia. Kagabi pa nawawala. s**t! Jhass anong sasabihin ko kina tito?" Paliwanag nito na halata ang labis na pag-aalala. Nagulat ako sa sinabi ni Evie. Naguguluhan akong nakatingn sa kanya. "Baka naman may pinunutahan lang. Alam mo naman yung batang yun kung saan-saan sumusuot." Pagpapakallma ko dito. "No! it's different from before." Sabay may pinakita sa akin na sulat si Evie. Naguguluhan kong binasa ang nakasulat sa papel. Napahawak ako sa aking bibig matapos kong basahin ang nakasulat sa papel. "P-pano? B-bakit?" nauutal kong tanong dito. "Noong isang araw kasi pumunta dito si Amelia. Nag makaawa na kung pwedeng dumito muna siya sa akin. Umiiyak, pero ng tanungin ko kung bakit. Ayaw niyang sumagot." Huminto ito sabay humugot ng malalim na paghinga bago muling nagsalita. "This last night. manghihiram sana ako sa kanya ng ballpen. Nasa banyo siya kaya binuksan ko nalang yung bag niya para makuha yung ballpen. Pero imbis na ballpen ang makuha ko, Ang nakuha ay pregnancy test. And when I saw the result it was positive." Tuloy-tuloy nitong paliwanag habang ako pinoproseso ko ang mga sinabi ni Evie. Amelia was.....napatakip ako sa bibig ko. "Where is she?" biglang tanong ko ng makabawi ako sa pagkabigla. Wag niyang sabihin na totoo ang nakasulat sa notes na to? "She's missing. kagabi, nang malaman ko yung tungkol sa pagbubuntis nya kinausap ko agad siya. i asked her to tell me who's the father pero di niya ako sinagot. sabi ko sasamahan ko siya kina tito at tita na nasabihin ang bagay na yun pero umiyak lang siya ng umijyak. Sabi niya walang pakialam ang parents niya sa kanya." Halata ang pag-aalala sa mukha nito. "Bigla akong nakaramdam ng awa kay Amelia. bata pa ito. Anong alam nito sa pagbubuntis? Pano na ang pag-aaral nito?" Matagal ko ding nakasama si Amelia at malapit talaga ang loob ko dito. Pano pa kaya si Evie na sobra kung pumotrekta dito? nang matapos namin mag-usap ni Evie. Nangako ako na tutulungan ko itong mahanap si Amelia. Nag paalam na ako dito ng sabihin nitong may kailangan itong puntahan. Nasa jeep na ako pauwi ng bigla kong maalala si Drake. Tama baka makatulong si Drake na mahanap si Amelia. sa isiping yun agad kong kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag ko. Tinawagan ko si Drake. Ngunit nakailang miss call na ako hindi pa rin nito sinasagot ang tawag. Napag desisyonan ko nalang na sadyain ito sa opisina nito. bumaba na ako ng jeep at pumara ng taxi. Nag taxi nalang ako para isang sakayan nalang kesa sa mag jeep ako ng dalawang beses. Nasa tapat na ako ng malaking building na pag mamay-ari ni Drake. Bilang lang sa daliri ko kung ilang beses akong nakapunta sa building na to. Pero hanggang ngayon namamangha pa rin ako. pano kaya nagagawa ni Drake na pamahalaan ang ganitong kalaking kumpanya? nang nasa entrance na ako agad kong nakita si mang Nestor. Nang makalapit ako agad ko siyang nginitian. "Ma'am jhass, Kumusta na po kayo? Ang tagal niyo na pong hindi pumunta dito. noong isang taon pa po ata huling beses kong kita sa inyo." Bati nito sa akin. Ngumiti ako bilang sagot dito. napakamot ako sa pisngi ko. "Mas Lalo po kayong gumanda." Sabay bola nito. "Hay kayo talaga mang Nestor wala pa din kayong pinag bago. Masyado pa din kayong bolero. Ano po nakailan na po kayo ni misis? Bumigay na po ba sa alindog niyo?" Natatawa kong tanong. Last year kasi sumugod dito sa kumpanya ang misis ni mang Nestor. Nahuli daw ng kapitbahay nila na may ibang babae ito. Yun nag karoon ng world war 3. Napakamot ito sa ulo. "Talaga si ma'am jhass. Syempre labing-labing na kami ulit." nakangiti nitong sabi. "Si Drake po pumasok?" Pag-iiba ko sa usapan. Gusto ko munang malaman kung nan dito si Drake o wala. baka masayang lang ang pag-akyat ko kung wala naman ito. "Ayy oho! pumasok po. Dadalawin niyo po ba? Kay swerte talaga ni sir Drake sa inyo. maganda na. mabait pa." Bolo ulit nito. Hyst! bakit ba ang hilig mambola ng mga lalake? Nag paalam na ako kay mang Nestor at nag patuloy na sa paglalakad. Lumapit ako sa front desk. HIndi na pala si Morin ang nasa front desk? oo halos kilala ko na lahat ng tauhan dito. maliban nalang sa mga bago sa paningin ko. "Hi po!" Bati ko sa nasa front desk. Nag angat ito ng mukha at taas kilay akong tinignan. "Hi! Gusto ko sana makausap si Drake." Magalang kong sabi dito. Ngunit tinignan lang ako nito mula talampakan hanggang bunbunan. Siguro pati buto ko gusto nitong usisain. "Sorry ma'am. do you have an appointment?" imbis ay mataray nitong tanong. Pinakalma ko ang sarili ko kahit na gusto ko na siyang tanungin kung bakit ang taray niya sa akin. Di ko naman siya ina ano! "Wala ehh. but he kn...." Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita. "sorry pero hindi kami tumatanggao dito ng nanlilimos." Napatingin ako sa mga taong napahinto sa pag lalakad at napapatingin sa amin. Mukha ba akong manlilimos? " At kung sasabihin mong girlfriend ka ni sir Drake wag kang umasang maniniwala ako, masyado ng gasgas yung mga ganong palusot. s tv lang meron nun. Sa hitsura mo palang sigurado ng hindi ka ni sir papatulan. umalis ka na! bago pa kita ipahuli sa mga guard. Illusyunada." sabay irap nito. nag pantig ang pandinig ko sa huli iyang sinabi. Ano bang problema ng babaeng to? Sinabi ko bang girlfriend ako ni Drake? Nag sasabi lang naman akong kailangan kong makausap si Drake. Pero agad ding bumangon ang galit ko ng maalala ko ang sinabi niya kanina sa akin. 'illusyunada' Handa na akong sagutin ito at ipamukha na hindi ako illusyunada ng biglang dumating si Morin. Kinakabahan itong tumingin sa akin. "m-ma'am jhass kayo po pala." nauutal nitong sabi. sabay tingin sa babaeng mataray. "humingi ka ng tawad." Bulong ni Morin sa babae. kunot noo naman itong tumingn kay Morin. Tinaasan pa nito ng kilay si Morin. "Kung gusto mo pang may trabaho bukas. Humimgi ka ng tawad." bulong pa ni Morin dito. Pero matigas pa din ang mataray nitong mukha. "Si Ma'am Jhass yan. Girlfriend ni sir Drake. ipanalangin mong hindi ito umabot kay sir Drake." Pag babanta ni Morin dito. Agad namang nag kulay suka ang mukha nito ng tumingin sa akin. Hindi naman ako mapagmalaking tao at mas lalong hindi ko ginagamit ang pangalan ni Drake para mang maliit ng ato. pero ewan ko ba, nangingiti ako sa hitsura nito ngayon ng malaman nitong girlfriend daw ako kuno ni Drake. "S-sorry ma'am. H-hindi ko po sinasadya. Akala ko po kasi kung sino lang po kayo." Sabay pasada nito ulit sa suot kong damit. Galing naman ng babaeng ito. Nag so-sorry pero kung makatingin sa akin parang nangmamaliit. Pinilit ko nalang na ngumiti para hindi na lumaki ang problema. "Sa susunod ayusin mo nalang ang trabaho mo. Wag kang babase agad sa physical na aspeto ng tao. Wag ka ding agad magbibitiw ng masakit na salita. Na hurt ako dun sa tinawag mo kong 'Illusyunada'" ani ko sabay ngiti. "Morin akyat na ako ha. Nasa office ba si Drake?" Tanong ko kay Morin. "Yes ma'am nasa taas po." Nakangiti nitong sagot. Nagpaalam na ako na mauuna na. Habang nag lalakad ako palayo rinig ko na pinapagalitan ni Morin yung babae. Nailing nalang ako. Bakit ba kasi madaming mapanghusga na tao? Habang nasa Elevator ako hindi ko maiwasang isipin kung anong magiging reaksyon ni Drake pag Nakita ako dito, Ngunit agad din iyong napalitan ng inis ng biglang pumasok sa alaala ko si Thalia. Secretary ito ni Drake at malamang na nandito ito ngayon. Bakit ba kasi si Thalia ang secretary nito? Dati naman ay lalaki ang mga naging secretaria nito. Nang bumukas ang elevator sa floor kung saan ang office ni Drake agad akong lumabas. The coldness of the air blow into my face. Bakit parang bigla akong kinabahan? Nagsimula na kong maglakad patungo sa pinto ng office ni Drake. Nang nasa tapat na ako. kakatok na sana ako ng bigla kong marinig ang boses ni Drake na tila na f-frustrate. " s**t! I can't! malapit na ang graduation ni Jhass. Hindi ba pwedeng ipaayos nalang yan sa iba? My baby needs me. Ayokong mag tampo siya sa akin pag hindi ako naka attend sa graduation niya." ani nito sa kausap. Hindi ko makita kung sino ang kausap nito. Nakatalikod kasi ito. "But your company needs you to buds." Sagot naman ng lalaking kausap nito. Bakit biglang natuwa ang puso ko dahil sa mga sinabi ni Drake. He really cared for me. Pero agad ding naglaho ang ngiti ko ng maalala ko ang sinabi ng kausap ni Drake. Kailangan si Drake ng kumpanya nito. "But f**k! for f*****g 1 year hindi ko makikita si jhass? buds para akong tinorture nun. What if pag wala na ako dito may umaligid na iba kay Jhass? Buds makakapatay ako ng di oras!." Napa sabunot pa ito sa buhok. "Your such a p***y buds. Wag ka ngang OA! may internet na kaya. Pwede mo naman siyang tawag oras-oras, May skype din video call kayo. gagong to! ang dali ng paraan pinahihirapan ang sarili." Tumalim ang mata ni Drake na nakatingin sa lalaking kausap. Agad akong nagtago ng biglang mapadaan ang mata ni Drake sa pinto. "Gago ka lumayas ka na nga dito. Wala kang dulot." Pag papalayas ni Drake sa lalake. "Buds. Pag-isipan mo. Malulugi ang kumpanya mo sa new York pag hindi mo inayos ang gulo doon. Isipin mo nalang kung mawawala yun sayo. Pinag hirapan yun ng papa mo." Ani ng kausap ni Drake. Nang marinig kong humakbang na patakilod ang lalaki ay agad akong nanakbo paalis. Nag hanap ako ng pwede kong pagtaguan. Nakakita ako ng isang lamesa. Nagtungo ako doon at nagtago sa ilalim. Nang marinig kong nakalagpas na ang yabag ng lalaki. Tyaka lang ako umalis sa pinagtataguan ko. Ngunit pag silip pa lang ng ulo ko sa labas ng lamesa. pares ng asul na mata ang nabungaran ko. "Ay palaka." Naisigaw ko dahil sa sobrang gulat. Nagusot ang makinis nitong noo. ang kilay nito ay nag salubong. "Who's the frog? Me?" tinuro pa nito ang sarili. tumago ako bilang sagot, Bigla itong tumawa, Ano ba to? nababaliw na? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Sayang gwapo pa naman kaso may saltik. "This handsome face is look like a frog? don't make fun on me baby Jhass." Nagulat ako ng tawagin niya ako sa pangalan ko. Kilala niya ako? Paano? "don't tell me. you don't remember this gorgeous handsome face." ani nito Habang naka turo sa mukha. Ehh hindi ko namn talaga siya nakikila. Sino ba siya. Kinunutan ko lang siya ng noo. "Ohh! i'm hurt you really don't remember me." Umakto pa itong nasasaktan Habang nakahawak sa puso. Lalagpasan ko nalang sana ito dahil na w-wirdohan ako sa kanya ng tawagin niya ulit ang pangalan ko. Pero hindi tulad Kanina na ang aura nito na mukhang wirdo ay biglang napalitan. "Don't you ever try to hurt Drake. I know madami siyang hindi sinasabi sayo. Pero sana pag dating ng panahong may malaman ka tungkol sa kanya. Sana wag mo siyang sasaktan. I know how big the sacrifice he made for you. Sana wag yun masira ng isang pagkakamali. Listen first for his explanation before you judge him." Sobrang seryoso nito Habang sinasabi ang mga iyon. Halos pang taasan ako ng balahibo sa katawan dahil sa mga sinabi nito. Anong sinasabi nito na wag kong sasaktan si Drake. bakit ko naman yun gagawin? At tyaka anong sacrifice ang sinasabi nito na ginawa ni Drake? Di naman kaya tungkol doon sa ayaw pag alis ni Drake para sa akin? Akmang tatanungin ko pa sana ito dahil Naguguluhan ako ng may biglang mga brasong pumulupot sa bewang ko. Nang lingunin ko kung sino ito. Salubong na kilay at madilim na mata ang nakikita ko. Umiigting din ang pangan nito Habang nakatingin ito sa lalaking kausap ko. "Oh! easy buds. Wala akong ibang ginawa. We're just talk." paliwanag nito kay Drake na masama pa din ang tingin dito, Bumalik nanaman ang wirdo nitong ngiting sa labi. "f**k off! fuentes." Galit na sigaw ni Drake na kinatawa lang ng tinawag nitong Fuentes. "So pano ba yan baby girl. I have to go. Baka makapatay yung isa dyan." Bago pa ito tumalikod ay kinindatan pa ako nito. "f**k you Motherfucker Don't call her baby girl! and don't wink at her. I will kill you!" Sigaw naman ni Drake kay Fuentes. PInakita naman ni Fuentes ang gitnang daliri kay Drake habang naglalakad na palayo. bago pa ako maka recover humigpit ang hawak sa akin ni Drake at hinila na ako paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD