Sa biyahe habang pauwi ng Bulacan ay nawala na ang mga pagdududa ko lalo pa at sinabi ni Carl na uuwi din daw siya bukas ng gabi. Ngayon pa lang ay namimiss ko na siya pero iniisip ko na magkikita din naman kami kinabukasan. Tatapusin lang daw niya ang mga trabaho sa opisina para makabalik kaagad, sinabi niya sa akin kanina na bukas na lang ako umuwi ng Bulacan para makasama pa niya ako. Kaso bukas ay day off ng isa sa mga stay out din na katulong kaya hindi puwede. Sumimangot pa siya na tila nagtatampo. Pero sinabi ko na ilang oras lang naman na magkikita na ulit kami kinabukasan. Sinabi niya na sasamahan niya ako sa sa university para mag-enrol at mag-entrance exam. Kaya naman nakaramdam ako ng excitement, makakapag-aral na ako. Nakailang yakap at halik pa siya kanina bago buma

