Nakakapanlumo ang kalagayan ni tita grabe ang sinapit nya hindi ko maisip na ganun pala ang pinagdaanan nya naawa ako sa kanya pero wala akong magawa
Ilang linggo na ang nakakalipas ng ikwento sa akin ni tita na ilang linggo sya pinagsamantalahan ng hinding kilalang lalaki, ang sabi pa nya ay ipapapatay daw sya pag nalaman na nagsumbong kami
Pinagsawaan, ginapos, kinulong ng hindi kilalang lalaki, napilit ko lang umamin si tita dahil naiyak nako sa trato nya sa akin nagmakaawa akong sabihin nya kung ayaw nya na sakin pero hindi ko inaasahan ang itutugon nya napatakip nalang ako sa bibig ko non at naiiyak ng sabihin nya sakin lahat
Pag katapos syang pahirapan at pagsawaan ay hinintay lang gumaling ang mga galos nya, parang maiuwi na parang walang lang ngyari.
May nag asikaso daw sa kanya at pinaghilom ang mga sugat nya sa pulsuan dahilan ng pag gapos, bago sya iwan sa hindi kalayuan sa village namin.
Ipinara nalang sya ng taxi ng isang aleng nakakita sa kawawa lagay ni tita at binayaran na ng sobrang ang driver para ihatid sya dito, tanging village lang ang nabanggit nya sa driver, buti at mabait ito kaya nagtanong tanong ang driver para deretso sya maiuwi sa tapat ng bahay
Hindi ko maiwasan maiyak pag naalala ko iyon, lalo na ngaun ganun parin si tita dahil siguro sa trauma at awa sa sarili, hindi ko rin alam kung paano sya tutulongan dahil wala rin ako mapagsabihan, mapapahamak lang kaming dalawa kung mag kwento pa ako sa iba.
kaya minamabuti ko nlng na sarilihin ang nararamdaman ko,"sana maging ayos ulit ang lahat"mahinang bulong ko sa aking sarili
" hey are you okay? Kanina kapa tulala dyan sa bintana.." nagaalalang tanong ni logan. naging magkaibigan na kami simula nung magpakilala sya ng personal samin ni kai, mabait sya sobrang bait parang nakikita ko sa kanya si carlo.
Mapait akong ngumiti sa kanya " ayos lang ako " tugon ko , ngumiti naman sya na may pag aalala sa mata, alam nya na ang ngyari sa tita ko hindi lahat, kung ano lang alam nila kai ganun din sya
Nag umpisa na ang klase namin
DISCUSS
.
.
.
.
.
.
DISCUSS
.
.
.
.
.
.
DISCUSS
~FASTFORWARD~
natapos na lahat ng klase namin napag desisyonan ko na wag muna sumabay kay kai gusto kung makalimot. naglakad lakad ako sa isang park, mahilig ako sa mga puno at mga bulaklak feeling ko sila lang ang nakakatulong sakin para kumalma ako at makalimot.
Matapos ako magmuni muni sa park naglakad lakad ako hindi na ako sumakay parang gusto kung lakarin ang pauwi ng village, gusto ng katawan ko ang salitang pagod para makalimot sa lahat.
Habang naglalakad lakad ako may nakita akong hiring sa isang resto mukang pang sosyal. ang resto nato kahit papano ' mag apply kaya ako para makatulong kay tita' saad ko sa isip.
naghanap ako ng pwede mapag printan ng resume ko para makapag pasa agad 'baka maunahan pako '.
Masaya akong palabas ng resto ng biglang....~BLAG~~ "Ouch" ang sakit!!! Nauna ang pang upo ko sa sahig!!! 'Anak ng lalabas ka nalang nga ria! Hindi kapa tumitingin sa daan!! Tss'.. nagmulat ako ng mata nakita ko ang dalawang pares na makintab na sapatos sa harap ko, tiningala ko ang may ari nito, laking gulat ko na mamukaan ang nabangga ko
~O_O~
Ang adonis na may asul na mata, tch.. magkikita nalang nga kami sa ganito pang pagkakataon!.. 'Ano ba ria!! Engot engot ka talaga huhu pano ka magugustuhan nyan tss...' o.o what!! Ria wag mong sabihing... ' no..no.. hindi sa ganun pero parang ga...' aiiist!!.. ansakit talaga ng p**t ko 'bakit kasi ang tigas ng lalaking to!' Tao paba sya? Tss..
"Ah..eh.. sorry, hindi kita nakita e" nahihiyang saad ko, tumingin lang ng malamig ang lalaki 'parang ayaw ata ng sorry ng mokong na to tss..'
hindi parin umiimik ang binata nakatitig lang sya sakin ng wala emotion sa mga mata. nagkatitigan lang kami na waring nag hihintay ng isasagot nya sa sinabi ko.
pero mukang mailap mag salita to..'mukang masungit, mayabang, playboy dahil gwapo e tch..' ako nalang din ang sumuko sa tinginan namin, 'nakakahiya hindi ko na matagal ang titig nya' masyado nang malakas ang kalabog ng dibdib ko.." ah.. eh.. daan kana po sorry ulit hindi ko po sinasadya" pag papaumanhin kung sabi habang yumuyuko yuko ng kaunti.
Bumaling nako sa gilid para bigyan daan ang binata, nag dere-deretsyo lang ang lalaki para umupo sa reserve table nya.
nasundan ko ng mata ang bawat pag lakad nya hanggang maupo sya.. ang hot nya talaga..tss..'wala man lang balak kausapin ako' turan ko sa isip ko, napansin kung parang masungit yung lalaking yun tss.. 'ang ganda pa naman ng mata wala nga lang emotion'.
Pagkalabas ko sa resto lumingon pa ulit ako sa gawi ng binata na pinagsisihan ko din agad, dahil nakita ko may humalik sa kanyang babae.
maganda, maputi, sexy na parang modelo at mukang sosyal, nalungkot ako sa nakita ko parang nahati ang puso ko nakatitig lang ako sa kanila ng bigla lumingon ang binata sa gawi ko.
kumakain lang ang kasama nyang babae at sya namang katitigan ako, hindi ko talaga maintindihan kung bakit pamilyar sya sakin, nagiwas din ako ng tingi sa kanya at tumalikod na para umuwi.
Nag aayos nako ng higaan ko..nakarinig ako ng tatlong katok kaya agad agad kung tinapos ang pag aayos dahil alam ko naman kung sino yun
*TOK *TOK*TOK*
"Pasok po" mahinang sabi ko, nakita ko si tita isabell na pumasok, makikita mo sa muka nya ang paghihirap, malalim na eyebag, nangangayayat na din sya at parang hindi nya na naaasikaso ang sarili nya..
" upo po muna kayo rito tita" pang anyaya ko sa kanya na tinatapik ang tabi ko..
Naupo naman sya sa tabi ko hinawakan nya ang dalawnag kamay ko kahit na walang emosyon ang mata nya may napapadaan namang guhit ng pag aalala na makikita sa kanya.
"hindi na kita kaya supportahan ria, sorry gustuhin ko man bumalik sa dati pero nasasaktan ako at natatakot" naiiyak na aniya.
Pinisil ko nalang din ang kamay nya nakangiti pilit lang ako nakatingin sa knyang habang sya ay umiiyak " ayos lang po, malaki na po ako at kaya kuna ang sarili ko" saad ko sa kanya na naluluha na din, yinakap ko lang si tita hanggang tumahan na sya
Pagkalabas ni tita tumihaya ako at tumingin sa kisame,' sana mapag sabay ko ang pag aaral at trabaho ' mahinang bulong ko, alam kong pagod na si tita, at dahil nga nawala sya ng halong ilan linggo na awol na sya sa trabaho nya
ang pinagkakasya nalang namin ay ang kakaunting naipon nya at ang kakaunting naipon ko sa ilang taon, 'buti nalang nakahanap ako ng trabaho' mapakla akong napangiti, dahil alam kung mahihirapan ako pero kakayanin ko para samin .