Chapter 14 - Problem

2094 Words
SOMEONEs POV Nag titipa ako sa laptop ng biglang may pumasok na hindi man lang kumatok! "What?!" Kunot noong bungad ko rito "Chairman.." nangangambang tugon nito, tinignan ko ito ng masama na may pagtatanong sa mata " kumikilos na po sila" nakayukong saad nito "What?!" Gulat kung tanong rito, " kaylan pa ibig bang sabihin naunahan na tayo!!?" Sigaw ko ng tanong " pasensya na chairman pero naunahan nila tayo, hindi ko rin inaasahan na mag babayad sila ng daang daang investigador sa ibat ibang bansa" mahabang paliwanag nito Napahampas ako sa lamesa nagpupuyos sa galit ang aking mga mata "how about us?! Do we have information about her??!" Nagpipigil sa galit na turan ko "Yes but they got it 2days ago they lead us to some information, pinasundan ko ang tao nya sa mga tauhan natin, we get the rest  of the information  na kulang sa clue na ibinigay nila and we want your permission to move as soon as possible before it's to late.." mahabang paliwag nito Napahilot ako sa sentido ' bakit ngaun lang !! 'mga walang kwenta! " bakit hinintay mo pa ako move!move!! Sana inuna nyo mahanap bago nila mahanap fvck!"napaikot ikot akong nailagay ko ang kamay sa baba ko at nag isip ng malalim ~~tok*tok*tok~~ Napatingin ako sa tauhan sa harap ko bago bumaling sa pinto " come in!" Pigil na inis na saad ko "Chairman" yukong sabi nito ng mapatingin sakin at bumaling sa tauhan nasa harap ko "boss , kumikilos na po sila" panimula nito " what do you mean?!" Kunot noong tanong ko rito " chairman, they plan to take her" tipid na sagot nito.. gulat ko itong tinignan 'hindi pwede!' "What?!,, ohh god .... " nangangamba kong saad na napahawak sa noo " do everything.. Just. Do. Everything! Kaylangan ko sya!!gawin nyo ang lahat ng paraan kung kaylangan bantayan do it!" Sigaw ko sa mga ito "Yes chairman" sabay na sagot ng tauhan ko at umalis na sila, napahilot ako sa sentindo ko at nag iisip... ' misty '.... ARIAs POV Napatingin ako sa sugat ko sa tuhod, humihilom na ito, ilang araw na rin ang nakalipas ng magtapo ang landas namin ng damuho na yun ~~ding dong* ding dong*~~ Narinig ko ang doorbell ng gate namin, maypagtataka kung tinignan ang bintana ' sino naman kaya yun, bihira lang ako may bisita dito', napag pasyahan kung bumaba at silipin ang binta ng sala " hala si aling leonor"mahinang bulong ko Agad agad akong lumabas ng pintuan para pagbuksan ito ng gate, sya ang may ari ng bahay na ito na tinutuluyan namin.. " iha , napaaga ang daan ko kaylangan ko kasi ng pera ngaun at na disgrasya ang anak ko sa motor, kaylangan kuna maningil ng upa may pangbayad kana ba sakin ? Tatlong buwan na yun iha.." mahabang saad nito Napakamot ako sa ulo ko at nahihiyang tumingin sa kanya, wala pa naman akong pera nag uumpisa palang akong mag ipon at hindi pa ako nakakasahod.. "A-Aling leonor, pasensya na po wala pa din po akong hawak ngaun para sa tatlong upa naibayad ko kasi sa bill ng kuryente at tubig" mahabang paliwanag ko.. "Naku iha,kaylangan ko talaga ng pera sa lalong madaling panahon, bibigyan kita ng palugit dalawang linggo kapag hindi kapa naka bayad sakin ng utang mong tatlong buwan paalisin kita iha" naaawang saad nito Kilala kasi ni tita si aling leonor at alam din nyang wala si tita dito ang dinahilan ko kay may kaylangan uwian pamilya sa probinsya at ilang buwan mawawala.. " sige po, gagawa po ako ng paraan pasensya na po kayo aling leonor" malumanay na saad ko..'hindi ko alam saan kukuha ng pera..' " sige iha,ang tagal naman kasing nawala ng antie mo hindi paba uuwi yun at ikaw ang nahihirapan sa pag bayad?" Kuyosidad na tanong nito.. " aa.. may inaasikaso po kasi sa probinsya wala na din po kasi syang trabaho kaya po ako na ang nag iipon pang bayad pasensya na po talaga pag nakagawa po ako ng paraan ako na po mismo ang magdadala sa inyo" mahabang saad ko "O sige iha salamat at kaylangan ko talaga ng pera pag wala pa ikaw pangbayad ng dalawang linggo mula ngaun pauupahan ko ang bahay at mapipilitan ako paalisin ka iha kasi kaylangan na lumabas ng anak ko sa araw na yun, nakahanap na din ako ng papalit sayo kinukulit na ako pero pinakiusapan ko pa kapag naman nakabayad ka irereto ko sila sa kumare ko" mahabang paliwanag nito "sige iha aasahan kita ng dalawang linggo haa.. mauna na ako mag iingat ka rito" saad nito at umalis na.. Tinignan ko lang ito habang papalayo at napabuntong hinga nalang bago isara ang gate, malungkot akong pumasok sa bahay ' hindi ko alam san kukuha ng pera' Nag asikaso nako ng makakakain, halos wala akong ganang kumain pero nagugutom ako kaya pinilit ko nalang.. ng matapos ako s apagkain pumasok nako ng trabaho Naglalakad lakad ako hanggang sa makapunta sa trabaho, oo ng lakad nalnag ako gusto ko mapag isip at maaga pa naman.. ' kasasahod ko lng ng nakaraan naibayad kuna sa kuryente at tubig' napabuntong hininga ako ng ilang beses, 'ang hirap mag isa' bulong ko sa sarili Nakarating nako sa resto at ginawa na lahat ng trabaho nanamlay ang katawan ko sa kakaisip kung san kukuha ng pera, oo may mayaman akong kaibigan pero nakakahiyang lumapit.. 'anong gagawin ko'.. Natapos na ang oras ng trabaho ko hapon palang at may klase ako pa ako.. nag bihis ako sa locker ng maabutan ako ni ally.. " ria ayos ka lang ba ? Kanina kapa matamlay dyan" tanong na aniya na hindi akp nililingon, nagbibihis din kasi sya " oo ayos lang namomoblema lang ako, kaylangan ko ng extra na trabaho pandagdag ipon sana.." matamlay na saad ko " ganun ba.."maikling sagot nito na parang nagiisip pa " may alam ako ii.. kaso lang baka hindi na kayanin ng schedule mo diba ng aaral kapa?" Seryosong sabi nito na nilingon na ako " oo pero kahit sana tuwing weekend yung sasakto sa oras ng out ko dito sa resto.. " napabuntong hininga nalang ako at nag lock na ng locker "Sige tignan ko kung mapapakiusapan ko yung kilala ko na tuwing weekend ka at itatanong ko na rin kung pwede na duduty ka sa time ng out mo sa resto" ngiting sabi ni ally Masaya akong nilingon sya hindi ako makapaniwala na hulog ng langit si ally.." tagala ba ? May alam ka kaylangan kaylangan ko talaga pang bayad upa " masayang sabi ko rito na hinawakan ang kamay nito.. " oo, pero teka hindi pa tayo sigurado kakausapin ko palang " nakangiting saad nito " naku at least may possibility na may ganun work sa totoo umaasa lang ako na may ganun trabaho na pili ang oras" masayang sabi ko " salamat ally" nakangiting dagdag ko pa " walang ano man , ikaw paba ang sipag mo saka mabait ka magugustuhan ka din nun kilala ko basta, balitaan kita agad " nakangiting aniya "sige salamat talaga una na ako salamat talaga ally" bumeso ako rito at nag paalam na  Pumasok na ko sa school, ang saya ko dahil pwede akong makagawa ng paraan para s apalugit saakin ni aling leonor.. ' sana pumayag ang kilala ni ally' " bes ! Ano na muntik kana mamarkahan ng late buti lumabas si sir" saad ni kai " hindi nga sana ako papasok ii pero baka matanggal ako sa scholarship hays" saad ko rito, wala talaga akong balak pumasok sana kaso hindi pwede parang pagod kasi ang katawan ko at gusto mag pahinga.. " naku, ang hirap naman kasi sitwasyon mo, kung may magagawa lang ako" malungkot na hulong ni kai, alam ko ang tinutukoy nya kaya nginitian ko nalang ito at tinap ang ulo nya para mapatingin sa akin " ayos lang ako kai, wag ka mag alala pag hindi kuna kaya ikaw mismo ang lalapitan ko" nakangiting saad ko rito, kaya napangiti na ein sya at tumango "Psst Andyan na si sir" sabi ni cal na nakangiti "MISS RELISH!" Nagulat ako sa pag tawag ng prof. Sa akin nakaidlip ako na naka salungbaba.. rinig ko naman ang bungisngis sa paligid ko "who told you that you can sleep at my class!!" Galit na sigaw ng prof. " sorry sir"nakayukong saad ko " sorry sorry , wag mo kalimutan iha na scholar ka ng school wala kang pambayad ng tuition fee dito talino lang ang laban mo pwede ka mapatalsik pag ka ganyan ang performance mo!" Mahabang turan nito " walang lugar ang dukha sa school nato tandaan mo yan! Kung tatamad tamad ka makakaalis kana sa subject ko!" Inis na sigaw nito Napakuyom ako ng kamay sa ilalim ng mesa , lahat ng sinabi nya tama kaya kaylangan ko gawin ang best ko sa klase kahit sobrang pahod ako sa trabaho.. hindi ko pwede idahilan ang trabaho sa school nato.. Hindi na ako umiik pa at Yumuko nalang ako, wala akong magawa kundi mag aral ng mabuti.. nag lesson na ulit ang prof at nakinig nalang ako "Okay dismiss" mahinahong saad ng prof. " ria ayos ka lang ba ?" Nagaalalang tanong ni kai "Oo, pagod lang ako sa trabaho "pilit na ngiting saad lo rito, kumunot naman ang noo ni cal at napairap "That instructor is annoying" mahinang saad ni cal, she roll her eye at the professor na papalabas ng pinto  " let it be its my fault, bawal naman talagang matulog sa klase" mahinahong sabi ko,sabay naman sila napairap at na una na mag lakad palabas, alam lung naiinis sila s aprof dahil ayaw nila ng nadodown ako o si kai kaya galit si calla ngaun.. napa buntong hinga nalang ako at sumunod na sa kanila.. Pauwi na kami nila calla nauna kami napadaan sa parking lot kaya hinintay namin itong maka sakay.. maya maya ibinaba nito ang window ng kotse nya " guys tommorow dont forget the party okay susunduin ko kayo sabay tayo mag aayos !" Sigaw nito ng nakangiti , tinanguan lang namin ni kai si cal at nag babye na  Nagkasabay kami ni kai ng uwi ngaun kaya sabay din kami sa jeep, nauna na syang bumaba at sumunod naman ako ng makarating na sa village.. Nakarating ako sa bahay, hindi nako nag atubiling magluto pa napagod ako kaya itutulog ko nalang ito.. Nang matapos ako mag linis ng sarili, Nagayos na ako ng kama at nahiga na akinain na ako ng antok, dilim ang sumakop sa paningin ko.. Nagmulat ako ng mata at nakita ang kisame ko, nakaramdam ako ng gutom kaya bumangon ako at nag hahanap ng gatas.. gusto ko ng gatas ngaun.. wala ako gana kumain ng rice gatas ang hinahanap ng tyan ko .. Wala akong nakitang gatas kaya napag pasyahan lo lumabas at pumunta ng convience store 11pm pa lang naman may mga tao pa sa labas Nag lalakad ako papunta sa convience store, pakiramdam kong may sumusunod sakin kaya binilisan kong maglakad at pumasok agad sa malapit na store..napahinga ako ng maluwag ng tignan ko ang labas ng store ay wala naman tao.. Binaliwa ko nalang dahil baka guni-guni ko lang iyon, naghanao na ako ng fresh milk, kumuha na din ako ng yogurt na straberry flavor.. napangiti ako ng magbayad na naeexcite ako sa nabili ko.. ang babaw ng kaligayahan ko .. Tumambay na muna ako sa loob ng store at ininom ang binili ko.. habang naglinga linga ako nakita ko ang katabing bahay na binatang anak ni aling rosa.. bumibili ng snack..napaisip ako at tumingin sa labas ng store.. Napagdesisyonan kong lapitan ito.."ahm... hello pwede bang humingi ng favor" nahihiyang saad ko Tinignan naman ako nito ng maypagtataka sa mata"ano yun ?" Nagtatakang saad nito " uuwi kana ba ? Makikisabay lang sana akong mag lakad kung uuwi kana ? Okay lang din saking mag hintay" nahihiyang saad ko rito Tinignan lang ako nito ng naguguluhan.. " ah... katabing bahay mo lang naman ako diba anak ka ni aling rosa?" Mahinang saad ko , tinignan muna ako nito saglit bago sumagot "Oo bkit?" Naguguluhamg tanong nito " ah.. m-makikisabay lang sana ako.. madilim na kasi kaya medyo natatakot nakong maglakad.. kung okay lang sana?" Pagsisinungaling kong aniya, hindi ko pwede sabihin may sumusunod sakin baka hindi nyako pasabayin at matakot pa sya.. "Ayos lang.. sige upo ka muna dun.. pipila lang ako para magbayad"seryosong sabi nya "Sige salamat aa" saad ko rito at ngumiti bago tumalikod at pumunta sa upuan ko kanina Nagmumuni muni ako ng biglang may kumalabit sakin napalingon ako rito.. " tara na " saad nito " salamat aa " sabi ko rito habang pinagbuksan nya ako ng pinto ng store, ange gentleman naman nya pinauna ako lumabas napangiti ako sa ginawa nito ngaun ko lang sya nakita mukang mabait.. " alfred nga pala" pagpapakilala nito at inabot pa ang kamay " Aria" maikling sabi ko at tinanggap ang kamay niya  " hindi ko alam na may kapitbahay pala akong maganda.." nakangiting sabi nito " hala, hindi naman " aniya ko Ngumiti lang sya at tahimik na kaming nag lakad hinintay nya din makapasok ako sa gate " salamat alfred" pasasalmat ko na aniya " walang ano man kapag gusto mo lumabas ng ganito oras katokin mo lang ako sa gate namin magkatabi lang bahay natin, madalas din akong lumabas ng ganitong oras para bumili ng snack" ngiting saad nito ng pinapakita ang hawak nyang paper bag na puro chitchirya.. "Sige salamat ulit goodnight" nginitian ko lang ito at pumasok na sa loob ng mailock kuna ang gate..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD