ARIAs POV
Dalawang linggo na ang nakalipas ng malaman ni calla ang pinagdadaanan ko. Madalas silang pumasyal dito sa bago kong inuupahan.
Umalis na ako sa bahay namin ni tita isabell. Bukod sa hindi ko kinayang gawan ng paraan na bayaran ang tatlong buwan. Nagastos ko pa ang unting naipon ko para sa mga pagkain na nais ng panlasa ko.
Pakiramdam ko kasi pag hindi ko natikman ang gusto kong kainin, ay hindi ko rin mabigay ang gusto ng mga baby ko.
Kaya mas pinili kong lumipat ng uupahan. malapit na ako sa bahay nila kai ngaun, maliit man ang bahay tama lang sa akin. Mura din ang kuha ko dahil kamag anak ni tito ang papa ni kai ang may ari.
Tinutulungan ako minsan ni kai at calla dito sa bahay, masyado silang maalaga tinalo pa nila si tita isabell. Hindi na rin ako masyado nalulungkot pag naalala si tita, hindi kuna nararamdman ang mag isa.
Kasalukoyan kong inaayos ang mga pinamili ni calla sakin. Nahihiya man ako kay cal ay tinanggap ko na din ang minsan nyang pag bili ng grocery.
Madalas kaming mamili ng grocery, minsan yun na ang pinaka bonding namin. Dati naman nag uusap usap lang kami sa park about sa walang kabuluhang bagay.
Pero ngaun about sa mga anak na namin ang pinaguusapan namin. Oo anak namin tatlo, napag desisyonan nilang maging godmother ng mga baby ko. Tag isa daw sila ng anak sa sinapupunan ko pero syempre ako ang orignal mom.
Masaya na ako sa lagay ng buhay ko, lagi silang nandyan ni kai para sakin. Balak pa nga nila kai at cal na pag laki daw ng tyan ko mag sasalitan sila sa pag bantay sakin.
Balak din na mag trabaho ni kai, ang gusto nila sa susunod na school year which is ang last school year namin dahil gragraduate na kaming tatlo.
Ang gusto daw nila mag iisang bahay nalang kami. Ang sabi ni cal dun daw kami sa condo nya pero nakakahiya. Kaya ang sabi ni kai uupa nalang daw kami ng bahay at share share sa bayarin sa bahay.
Pumayag kami sa suggestion nya, nakangiti akong inaalala ang bawat paguusap namin ' ang swerte ko sa mga bff ko" napangiti ako ng malawak habang hawak ang tyan na nakatayo sa kusina.
" babies wag nyo masyado pahirapan si mama aa" ngiti kong sabi sa sinapuponan ko
"Ria!" Sigaw ni kai ng makapasok ito. "May dala akong pananghalian wag kana mag luto baka mapagod ka lang dyan alam kong gusto to ng mga baby natin niluto ko to dinamay na kita" masayang sabi nito
Lumapit ako rito at nag ning ning ang mata sa dala nito kaldereta. favorite ng mga baby ko ata sa tyan ito madalas ko kasing hanap hanapin ang ulam na to.
"Wow , salamat kai" maligayang sabi ko at kinuha na ang dala nya at sinimulan ng kainin. Naramdaman ko naman na sumunod ito sa dining table .
Inangat ko ang paningin ko ng napansin kong hindi sya umiinik. Tila may gusto syang sabihin, nakita ko itong nay pagaalala ang mga mata
" bakit kai?" Tanong ko rito na nagtataka
" w-wala naman hintayin nalang natin si cal" nagtataka ko itong tinignan, nag kibit balikat nalang ako at binaling nalang ulit ang paningin sa kinakain ko maya maya oa dumating na din si cal.
"Ria?" Pag hahanap nito ng makapasok
" dito cal" pag sigaw ni kai na tinutukoy ang dining, may nakaharang kasing kabinet sa sofa kaya hindi halata ang maliit na lamesang nasalikod ng cabinet.
" Guys, kinukulit na ako ni kuya lance its about the vacation?" Naiirita itong umupo sa isa pang upuan meron kasing apat na upoan ang ding table.
Tinignan lang ako ni kai na may pagaalala sa mata. Alam ko ang gusto nyang itanong sa paraan ng pagtitig nito.
Napabuntong hininga nalang ako bago mag salita " ayos lang naman sakin?" Hindi ko siguradong sambit, ng matawagan si cal ng kuya lance nya ay nag hahanap kami ng bagong uupahan nun
Kaya mag kakasama kami ng tawagan sya ng kuya nya. Alam nya ang meron samin ni Ian. kaya hindi sya sigurado kung sasama ako o hindi kaya ayun ang sagot nya sa kapatid.
Ng sabihin nya samin yun, hindi ako umimik dahil ayaw ko sumama. Ilang araw na ang nakalipas at hindi na nila inopen pa ang topic na yun. Alam naman kasi nilang ayaw ko makita yung ama ng mga baby ko. Kaya siguro sya kinukulit ng kuya nya.
Napabuntong hininga nalang ako ulit.." sige na sasama na tayo para matapos na ang kuya ni cal" malumanay kong sabi
Nagkatinginan naman ang dala na tila gulat na gulat. Nginitian ko lang sila ng pilit, kahit naman ayaw ko wala ako magagawa " sasama na tayo para hindi na gulohin pa si cal" ulit ko sambit
"No.. okay lang ria, hindi naman ako masyadong nakukulitan kay kuya" nagaalalang sabi ni cal na napabuntong hininga, alam kong nakukulitan na sya at naiirita ilang beses nya nang sabihin minsan yun ng hindi namamalayan.
Nginitian ko lang sila at bumuga ng hangin " hindi sasama na tayo ilang araw lang naman tayo dun " sabi ko pa
Nagaalala ako tinignan ni cal.. " 1week" saad na aniya
kala ko 3days lang.. '1week ko makakasama ang damuho na yun!' Bumuntong hininga ako, wala nako magawa nakakahiyang bawiin ang binitawan ko.
Nginitian ko nalang sya ng mapakla " sige pero pag tapos na klase natin ilang linggo nalang naman " aniya ko
" wag ka mag alala hindi ka namin iiwan hindi namin hahayaan mapansin nila at mapansin nya" nakangiting sabi ni kai
" right! we will not leave your side" matamis na sabmbit ni cal
" sige, aasahan ko kayo aa" ngiting ganti ko sa kanila
Natapos na naming pagusapan ang tukol sa bakasyon namin. Tumambay pa sila saglit nag usap usap pa kami at nanood ng movie sa sala. Umuwi na din sila ng mag gabi na.
Nag ayos na din ako ng sarili bago mahiga sa kama. Iniisip ko ang mangyayati sa bakasyon na yun. Ayaw ko talaga syang makaharap dahil hindi ko alam anong reaksyon ang mapapakita ko sa harap nya.
Kung noon ay ayos lang dahil hindi ko pa alam. Ngaun may dalawang tumitibok na puso sa sinapupunan ko ng dahil lang sa aksidente.
Natatakot ako na sa ilang araw na malapit kami sa kanya. Hindi mawala sa isip ko ang pag-aalala na baka makahalata sya o ang mga kaibigan nito. 'Hindi nya pwedeng malaman'.
Ayaw kong itanggi nyang anak nya to. Ayaw ko na hindi pa nga inilalabas ang mga anak ko ay makakarinig na sila ng salitang ayaw sa kanila ng tatay nila.
" babies, hindi kayo iiwan ni mama kahit anong mangyari, sorry kung hindi ko kayang sabihin sa daddy nyo, natatakot ako sa mga sasabihin nya. Sorry babies kasalanan ni mama" malungkot na bulong ko sa sarili.
Napahinga ako ng malalim para mapakalma ang lungkot na nararamdamn ko. Bawal ako ma stress at mahing madamdamin nabasa kong nararamdaman ng mga baby ko kung anong nararamdaman ko...
Ipinikit ko na ang mata ko ng mapakalma ko ang emosyon, para makatulog unti unti na akong kinain ng dilim...
ZzzzzZzZzzzz
"Mimi!" Sigaw ng maliit na boses, llnolingon ko ito at nakita ang cute na cute na bata na nasa edad 3yrs old.
"Mimi tuya stole mey toy" nakanhusong saad ng batang babae kinarga ko ito at pinagmasdan ang cute nya sobra napangiti ako dahil sa pag nguso nito gusto ko pisilin ang pisnge nya na bilog na bilog
"Momi!" Tawag sakin ng batang lalaki na kamuka ng batang karga ko ang cute nya rin at bilog na bilog ang pisnge " dada is here momi" masayang nitong sambit
"Dada!" Masiglaw sabi ng karga kong bata, nagpupumiglas syang at gusto bumama hinayaan ko ito at inilapag
Tumakbo naman agad ito sa isang bulto na lalaki na walang muka what?! Blured nanaman. Naningit mata ko para kilalalanin ang itsura ng lalaki. Ngunit bigo ako at wala talaga akong maaninag.
Nakita kong tinuturo ako ng batang babae at hinihila ang kamay ng lalaking tinatawag nilang dada.
Kinarga nito ang batang babae at hinawakan ang kamay ng batang lalaki. Lumakad ito papalapit sakin unti unti kong na aaninag ang muka nito. Napalunok ako ng ilang beses habang lumalapot ito sakin.
Nang makalapit ito bigla itong humalik sakin. Sa sobrang lapit ng muka namin bumungad sakin ang gwapong muka ni Ian na nakangiti ng matamis.
Napalunok ako na parang nanunuyo ang lalamunan.. "I-IAN?" Hirao na hirap na sambit ko
Maya maya pay nakarinig ako ng tumatawag sakin
"Ria.."
"RIA!"
Napabalikwas ako gising gulat na gulat kong tinignan si kai..'panaginip lang pala'
" ano?!ayos ka lang ba ? Dahan dahan ka sa pagbagon mamaya mapano baby natin nyan e!" Panenermon ni kai sakin na nagalala
"Ano?! May nararamdaman kaba ? Bakit mo tinatawag si Ian ?" Sabi nito
Nilingon ko ito, 'narinig nya?' Napailing iling ako na tila tinatanggal ang laman ng isip ko "w-wala nanaginip lang ako" aniya ko
Hindi naman sya umimik at nag ayos na ng mga gagamitin ko. Madalas silang ganyan ni cal naparang ayaw na ako paggalawin. Gusto nila sila ang kumilos ng kaylangan ko par ana nga akong prinsesa ng dalawang to.
Kumilos na ako at nag asikaso na din kami ni kai sabay kaming kumain. Minsan naliligo sya sa kanila tapos pupunta ditong bihis na nag dadala ng almusal at sabay kaming kakain.
Ng matapos na kaming mag gayak ay pumasok na kami ni kai sabay kaming pumapasok palagi. Madalas naman kami sinasalubong ni cal sa parking lot.kaya halos sabay sabay na kaming tatlong pumasok ng classroom simulan ng malaman ni cal na buntis ako at simulang makalipat ako ng bahay.