--16— PREY's POV Nakatuon ang pansin ko sa mga pictures nina Shanika at Clareth. Maraming stolen pictures. Laging nakaalalay si Clareth sa kanya. Yung mga ngiti nila parehong-pareho. Mas matangkad lang si Shanika. yun lang ang nakikita kong pagkakaiba nila. Nakatanggap ako ng invitation galing kay Shanika. Si Rica ang nag-abot sa akin kahapon. Date daw sa Feb 13th. Nahiya pa siyang esakto sa Feb 14 e. Take note. Hindi lang ako ang may invitation. Meron din sina mommy at daddy. Hay. Malapit nang mag-10:00. May appointment ako kay Miss Zynthia. Iniligpit ko muna ang mga albums bago gumayak. Kakababa ko lang ng hagdan nang isang pigura ang nakasandal sa may main door. She's in stripe long sleeves and ripped jeans. Ngumiti siya sabay taas ng kanang kamay. "Tatayo ka na lang ba

