8

3575 Words
Horizon 8 Prey's POV Nakakahiya! Hindi ako agad bumangon dahil parang slow motion na nagflashback sa isip ko kung mga nagawa ko kagabi dahil sa kalasingan. s**t?! "Hoy bangon ka na. Anong petsa na." niyugyog ako ni Nicole. Nagtaklob ako ng kumot. "Ayoko pa. Nakakahiya ako kagabi. Diba? Nakakahiya?" Rinig ko ang pagtawa ni Jasmine. "Oo bruh! Alam mo bang kulang na lang kargahin ka ni Shanika?! Haha. Yuck ka mypren!" Shit! Tinakpan ko nga ang tainga ko. "Tumigil ka Jassy. Lumabas ka na nga dun. Magpakanegra ka. Maraming chix dun. Mamili ka na."pagtataboy ni Nicole sa kanya. "Uy yan na lang hinihintay ko. Go signal! Hahaha! Okay bye. Baby Prey." Sumilip muna ako para masigurado kong wala na si Jassy. Saka lang ako bumangon para maupo. "Stupid ba ako kagabi?" "Medyo." Sagot ni Nicole. "Masakit ba ulo mo? Nilagyan daw nung babae ng pampatulog ang alak mo. Buti na lang nandun siya." Hindi ako umimk. "Hoy dapat kang magthank you dun sa tao. Inalalayan ka pa papunta dito. Yun kasing si Jasmine nakarami din ng inom." "Saka na." Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha ako. Naalala ko kung paano ko tinapik-tapik ang mukha niya. Anglapit-lapit ng ng mga mukha namin na parang hahalikan ko na siya. "s**t! Bakit ko ba ginawa yon? Hindi siya si Angel." "Si Clareth ba? Hawig sila." Napatingin ako sa kanya. "Alam mo? Si Jasmine lang ang may alam nun." "May picture pa kayong tatlo diba? Nung tumakas kayong dalawa ni Jasmine sa driver. Tapos pinuntahan niyo siya sa school niya." Ilang taon lang kami nun? 9 yata or 10. Hindi lang naman kaming dalawa e. Isinama namin yung kaibigan naming nagbebenta ng kornik sa labas ng school. "Magha-hire ako ng private investigator. Gusto ko siyang makita. Magpapatulong ako kay Ate Prime." "Bakit mo siya gustong makita? Angtagal na kasi nun. Baka hindi ka na niya kilala." "Magpapakilala ako ulit. Basta bruh, may kulang sa pagkataon ko. Pakiramdam ko siya yon. Ilang beses ko siyang napapanaginipan. Sabi ni Mauren, kahit tulog daw ako tinatawag ko ang pangalan niya." "oh anong sabi ni Mauren?" Umiling ako. "Wala. Nagpakwento lang siya kung sino si Angel Clareth." "Sinabi mo lahat?" Tumango ako. "Ayokong magtago ng kahit ano sa kanya." Natampal niya ang noo niya. "God! Bakit mo kinwento lahat? Hindi mo ba naisip na nagselos yon? Dapat selective ka lang sa ikukwento mo lalo at first love mo si Clareth!" "Dahil ayokong magtago ng kahit ano sa kanya."pagrarason ko naman. "Ang babata pa namin nun." "Bata pero you're haunted by her thoughts. Hay! Huwag ka na ngang magpaliwanag. Iniwan ka rin naman ni Mauren e. Uli-uli huwag mong ikukwento lahat. Tama na yung iilan lang kaming may alam tungkol kay Clareth. There are things better left unsaid." Umahon na siya sa kama. "inumin mo yang gamot pagkatapos mong kumain. Enjoy the rest of the day. Bukas balik na tayo sa Manila." "Bruh..." Nilingon niya ako. "Nakuha mo ba kung saan nag-i-stay si Shanika? Magpapasalamat lang ako." "Hindi e. Baka si Jassy." "Huwag na. Angdaldal nun e." Lumabas na ulit siya. Hinanap ko na lang ang sss account ni Shanika. Angsakit sa mata nitong mga pictures niya. Lalo yung mga naka-two piece lang. o mga dress na too much expose ang skin niya. May curves pero masakit talaga sa mata!     Coz you like it conservative. Sigaw ng isip ko. tsk. Tss. May mga pictures siya kasama ang pamilya niya. hindi ko na namalayang matagal akong nakatitig sa picture nila kung hindi pa nagmessage si daddy. Namimiss na daw ako. Clingy ni daddy minsan, lalo kapag may gustong pabor. So malamang may follow up pa to. "Anak, may ipapakilala ako sayo. Pagkauwi mo clear mo schedule mo ha?" Sabi ko na nga ba e! "Ok" Lang ang nireply ko. siguradong pumapalakpak ang tainga ni daddy ngayon. Mabalik na nga ako sa account ni Shanika. Whattafvk? Ano tong pinost niya? Anghilig talaga niyang ibalandra ang katawan niya. . Kung girlfiend ko lang to binalot ko na siya ng kumot saka inilublob sa pool ng orange juice! Ayoko na siyang i-message. I-enjoy ko na lang ang natitirang araw ng bakasyon dito. --oo— Manila! As promised kay daddy nagclear ako ng schedule ko. Sa pag-adjust ko hindi tuloy ako makakasama sa paghatid kay Jassy at Nicole sa Singapore. "Hinihintay na daw daw ni Sheldon sa resto. Ganyan talaga ang isusuot mo hija?" Anong problema ni daddy sa suot ko? Stripe loss polo blouse at nakajumper jeans ako. Black shoes at may nakatali na long sleeves sa beywang ko.     "What's wrong dad?" "Hija, date yung pupuntahan mo." "oh akala ko ipapakilala lang daddy? E sabihan mo change outfit siya. siya ang mag-adjust para sa prinsesa." Natatawa kong sabi sa kanya bago ako naupo. "Wala namang problema sa outfit ko diba mommy? Cute naman ako. Mana sayo diba?" Tumango naman si mommy. "Tama nga naman ang prinsesa natin mahal. Yung si Sheldon ang mag-adjust. Tingnan mo tong baby ko, angcute cute niya." Nag-high five kami ni mommy. Talo na naman si daddy! Haha. "Nga pala anak, ready na yung books na dadalhin sa orphanage. Pwede mo bang daanan mamaya?" "Sure mom. After ng date." Quote and quote ko pang gesture. "Dalhin kong tagabuhat yung Sheldon." Siyempre joke ko lang yon! Hindi ko siya dadalhin, I'm a strong person hindi ko kailangan ng alalay! -- Kahit anong kumbinsi ni daddy, hindi na ako nagpalit. Haha! Una hindi ako interesado kay Sheldon. Pagbibigyan ko lang talaga si Daddy. Gaya ng gusto kong mangyari, mukhang disappointed si Sheldon nang makita ako. Napakapormal naman kasi niya.     Pinaghila niya ako ng upuan. "thanks. So let's go to business. Bakit ka pumayag sa date na to?" "I didn't know the only daughter of Mr. Peterson is so blant." Sabi nito pagkaupo. Humalukipkip ako. "Look, ayokong magsayang ng oras. So bakit nga? Negosyo? May utang kayo sa pamilya namin? Sabihin mo na para matapos na to. May lakad pa ako." "Look, hindi porke nakipag-date ako sayo ay negosyo na ang dahilan. What if gusto talaga kita?" Nagpakawala ako ng nanunuyang tawa. "What if mo mukha mo." Hinugot ko sa bulsan ko ang isang coupon na tinupo ko ng dalawang beses. "Oh bankruptcy report ng negosyo niyo. Ipupull out na pala ni daddy ang investment niya e. so ito yung plan mo? Stupid." Hindi siya makapaniwala sa binabasa niya. "s**t. Hindi ko to alam." "Wow! Malamang hindi mo malalaman kasi busy ka sa other agenda mo. Know what? Kaysa sayangin mo oras mo sa date na to bakit hindi mo puntahan ang daddy mo? Magagawan pa ng paraan yan kasya gawin kang pagmabayad utang. And hello, hindi tayo talo." Buong pagmamayabang kong sabi dito. Akmang tatayo na ako. "Wait. Can you stay for a while? Siguradong may bantay si daddy dito. Pwede na lang ba nating ituloy tong date?" Sana pala hindi ko na pinauwi yung driver para pwedeng pwede akong umalis. Hay! Nakakainis! Patitiyagaan ko tuloy tong si Sheldon ng dalawang oras pa. Hindi naman interesting person tong si Sheldon. Bunso siya sa apat na magkakapatid. Siya lang ang hindi nagventure sa business. Nagpatayo silang magkakaibigan ng basketball clinic. Yun ang naging hobby/pinagkakakitaan nila. Parang skipbeat din pero yung basketball clinic medyo maliit ang kita dun. "Hindi ka ba malungkot na wala kang kapatid?" Napatingin ako sa kanya. "Kailangan ba malungkot?" "no. I mean, being only child. Hindi ba nakakalungkot lumaki mag-isa?" Umiling ako. "By group ba dapat ang paglaki?" ismid ko sa kanya. "but seriously speaking. Depende sa pagtanggap mo. At may mga kaibigan ako na parang kapatid ko na rin." Tumango-tango lang siya. "Good for you." "why? Masaya ba ang may mga kapatid?" "In a way. Pero busy masyado ang mga kapatid ko kaya parang only child na rin akong lumaki. 10 years kasi ang age gap namin ni ate." At sinimulan na niyang ikwento ang boring niyang childhood! Hay! Text ko na lang si mommy, pasundo ako sa driver niya para makasibat na ako. Mahawa pa ako sa gloomy mood ni Sheldon. Mommy: Okay. Wala si Tonyo dito. Pasundo na lang kita sa kasama mong kukuha ng libro. Same way lang din e. Daanan niyo na rin yung mga donations ni Ninang Elly mo. Me: Sino yon? anak ng kumare mo? Send mo number niya. Tawagan ko. Sinend naman niya ang number. Nagriring pero hindi sinasagot. Baka nagdadrive pa. "Boring akong ka-date no?" kakamot-kamot sa ulo na sabi ni Sheldon. "Hindi lang siguro pareho ang interes natin." Sagot ko na lang. "Pero okay ka naman e." Nagkwento na ulit siya sa mga out of town basketball clinics na ginagawa niya. Mukhang dun nga siya masaya sa pagtulong lalo sa mga batang mahilig sa basketball pero hindi afford ang mga mahal na trainings. "Pwede mo namang isabay ang negosyo sa hobby mo." Sabi ko sa kanya. "It's a matter of time management." "Bobo kasi ako sa negosyo. Kaya ayoko nang subukan." "Hindi ka pa man din nagsisimula dinadown mo na ang sarili mo." Ilang minuto pa ang lumipas nagring ang phone ko. yung binigay ni mommy na number. Nag-excuse ako para sagutin ang call. >>>Hello.. (Hi...nandiyan ka pa sa resto? ) >>Oo. San ka na ba? (Parking lot. Wait. Baba lang ako.) Minabuti kong hintayin siya sa labas ng resto. Kung sino man siyang may magandang boses na parang authoritarian tulad ni Nicole. Angtagal niya. tinawagan ko na ulit. >>>saan ka na ba? Angtagal ng five minutes po (Saglit. .huwag mong ibababa ang call. .) Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko si Sheldon na nakatutok sa phone niya. nang magkatinginan kami ay nagmouth siya ng I'ts okay. Then nagthumbs up. Biktima lang din siya ng financial problema ang naiisip na solusyong ay kasal. Hay naku! (Kita na kita...) Nagpalinga-linga ako. f**k?! Isang nakangising Shanika ang sumalubong sa tingin ko. Naka-spag-strap na top, above the knee skirt and gladiator sandals. Kakatutob sa tainga niya ang phone.              (Shocking? Baba mo na.) Nang makalapit siya ay inilahad niya ang kanang kamay niya sa akin. "hi I am your sundo for today. Glad to see you." Hindi nice na makita siya at ang outfit niya! "Tsss... May date pa ako umuwi ka na lang." Angliit naman ng mundo para sa amin? Paano siya naging kaibigan ni mommy?! Tsk. Oo nga pala, naging client daw sila sa Boracay. "Ah siya ba?"tumingin siya sa loob. "Tara let's join him." Wala na akong nagawa dahil hinila na niya ako papunta sa table. Ang-obvious naman ni Sheldon. Parang hindi na niya maisara ang bibig niya nang makita niya si Shanika. Aligaga siyang tumayo. "Hi... Sheldon Acedera here."lahad nito ng kanang kamay. Nakipagkamay naman siya. "Acedera? Kayo yung may-ari ng textile company sa Pasig?" "Yes." "Ah okay. Nice to meet you." Sabi ni Shanika. Nagrequest ng isa pang upuan si Shanika. Pinwesto niya ito sa tabi ko. Sabi ko sunduin ako wala akong sinabing makipagkwentuhan pa siya. Nakakainis naman! Kapag nakikipagkwentuhan pa si Sheldon parang hindi niya alam kung saan siya titingin, kung sa mukha ni Shanika o sa dibdib.  Nagring naman ang phone ni Sheldon kaya kailangan niyang lumabas para sumagap ng signal.  Tinanggal ko ang long sleeves na nakatali sa beywang ko. Nagtataka si Shanika nang iabot ko sa kanya to. "Hindi ka ba nilalamig? Kay Nicole yan. Sure ako kasya sayo kung yun ang iniisip mo." Ginawa naman niya. "Button it up." Utos ko ulit. "Ay grabe. Manang." Reklamo pa habang nagbubutones. "yan okay na?" Humarap siya sa akin. Naka-unbotton pa ang tatlo. "Look, this is fashion. Inaano ka ba ng taste of clothes ko?" kunot niyang sabi. Nakakayamot e! Yung cleavage niya kita pa rin! Naalala ko yung picture niya sa Boracay na ang daming bastos na comments. "Bahala ka." Ibubutones din naman pala ang dami pang satsat. Heto tumatawag si daddy. >>>Dad... (Kumusta ang date hija?) >>>Ok lang. Dad, huwag mo munang i-pull out ang investment sa company nila. Iconvince ko siyang tumulong sa family. (Okay. Huling pagkakataon para sa pamilya nila. May isa pang date anak. Anag ng president. ) natatawang sabi pa ni daddy. Binabaan ko na nga ng tawag. Diyos ko siya! Napakamot ako sa noo ko . "Napopogian ka ba sa kanya?" "Huh?" Baling ko dito kay Shanika na umiinom ng juice gamit ang straw. Binaba niya ang baso saka tumingin sa akin. "Napopogian ka ba kay Sheldon sabi ko." "Oo. Sakto lang. bakit?" Umiling siya. "Wala naman. Pogi naman talaga siya. Pero hindi kayo bagay." "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo." Pagsusungit ko sa kanya. Ahy leche! Tinapik-tapik niya ang pisngi ko. "Well, baby shorty I am giving it for free. Sinasabi ko lang na hindi kayo bagay." Pinalo ko ang kamay niya. Batawa pa siya. Bueset to! "Precious, I need to go. May sundo ka ba? May emergency kasi. Inatake sa puso si Kuya Sherwin." "Ako yung sundo niya." Proud na sabi ni Shanika. "Sige na. Ako na bahala dito. Bayad na ba tong mga inorder niyo?" Tumango si Sheldon. "Buti naman. Sige umalis ka na." Ang-rude niya! Grabe! Naupo ulit siya saka kumain ng desserts. Umalis na si Sheldon. "Hoy umalis na rin tayo." Yaya ko sa kanya. "Uubusin mo talaga yan?" "Oo. Sayang tong cakes. At hindi ako nakakain sa bahay dahil maaga tumawag ang mama mo." Hay! Naupo na lang ulit ako. Pati yung dessert ko nilalantakan na rin niya. "Masarap dito huh. Suggest ko nga to sa friends ko." pagkalapag niya ng kubyertos ay tumayo na siya. "Tara na shorty." Makashorty to ah! Nakakainis! Masyadong pinapamukhang hindi ako katangkaran! -- Nasa Clinic na kami ni Ninang Eleanor. Isa siyang ophthalmologist. "Wow, kaibigan pala ni tita si Doc Lea." Manghang sabi ni Shanika. "Bakit? Kilala mo?" "Oo naman. Family opthalmologist siya. Tamang-tama kunin ko result ng check up ko." Sa sobrang excitement yata niya nakalimutan na niyang kasama niya ako. Nauna na siyang naglakad e. Wala din akong pakialam. Iniayos ko muna yung mga boxes ng libro sa likod ng Ford Ranger bago ako pumasok sa clinic. Naratnan ko silang seryosong nag-uusap. Ibinalik ni Shanika yung mga papel sa envelope. "Stunning pa rin hanggang ngayon ninang ah." Bati ko kay ninang pagkatapos kong magmano. She's in her late 40's but still looking young. Suki ng mga Zumba sessions din si ninang. With neon colored outfits. Haha. "Ready na po ba yung mga libro Nang? Idederetso na kasi namin sa ampunan." "Ah yes. Papabuhat ko na lang sa guard. Magkaibigan pala kayo nitong si Shanika." "Not really."sagot ko. "We know each other but we're not friends." "Trot doc. Mainit ang dugo niyan sa magaganda kaya hindi kami friends." Inirapan ko na lang siya. Anglakas ng bilib sa sarili! "Doc mauna na ako sa labas. Magpapahangin lang." "Sige. Ingatan mo yang mga mata mo Shan. Baka hindi ka na makapagpalipad ng eroplano kapag inabuso mo yan." "Oo na po." Tinaas niya ang kanang kamay niya. "Promise doc." Lumabas na si Shanika. "At ikaw? Bakit mainit ang dugo mo sa kanya? Irap ka nang irap hija baka hindi na bumalik yang mata mo ikaw din." Naupo ako sa nakareserbang upuan para sa pasyente niya. "Mayabang kasi yun ninang. Anyways, thank you sa books. Siguradong matutuwa ang mga bata dun." "Ikaw talagang bata ka. Mabait naman si Shanika minsan lang e hindi maintindihan ugali. Gawa siguro ng aksidente noon. Pero kung kikilalanin mo siya siguradong magkakasundo kayo." Mag-uusisa pa sana ako pero pumasok naman na si Shanika. "Shorty, kailangan na nating umalis. Ayokong maipit sa traffic." Nakasalamin na pala siya. Nagmature lang nang kaunti ang itsura niya. "Shorty, hindi k aba tatayo diyan?!" ulit na naman niya. Nainis ako sa Shorty na yan. Nagpaalam na kami kay ninang. Inihatid niya kami hanggang sa kotse. "Shan ha? Yang mata mo." "Doc pang-ilang reminder na yan. Sige po!" sabi nito bago sumakay sa driver's seat. Nagbeso kami ni ninang. Pi-nat niya ako sa balikat. "Be good to her hija. Mabuting tao yan sutil lang." natatawa pa niyang pahabol. "Shorty! Bilis na!" sigaw ni Shanika kasabay ng sunod-sunod na busina. Binalibag ko ang pinto pagkasakay ko. "Shorty talaga? May Pangalan ako!" "Okay. MY PRECIOUS." Tapos ngayon gagayahin niya yung karakter sa Lord of the Rings sabay tawa. "Fasten your seatbelt My Precious." Bueset! Hindi ko pa naisusuksok ang lock bigla niyang pinaharurot! Pambueset sa buhay to talaga! -- Blessed Heart Orphanage. Nasa area na kami ng mga visually impaired children. Ngayon lang ako nakapunta dito kaya pinaubaya ko na sa kanya ang pagbabahagi ng books. Hindi maitago ang ngiti sa mga bata nang mamigay si Shanika ng libro. Hinahawakan niya ang kamay ng mga bata saka niya pinaparamdam ang book cover. Specially made for blind ang mga books na dala namin. "Ate basahan mo ulit kami ng kwento."request nung isa. "Sure sure! Teka pahiram niyan." "E dapat ate nakapiring ka din!" sabi na nung batang lalaki. "Sige ba! Akala niyo ha?!" Lumapit siya sa kinatatayuan ko. "May panyo ka? Naiwan ko sa sasakyan yung panyo ko e." She has that familiar scent. Tumango ako. "saglit." Hinigit ko sa bulsa ko ang panyo saka inabot sa kanya. "Ikaw na magpiring sa sarili mo. Sasabihin mo hindi na naman kita abot." Tumawa lang siya saka naupo sa may gilid ng kama. "Ikaw na magpiring sa akin. Magubat pa kili-kili ko e. nakakahiya." Tapos tatawa-tawa talaga. "Bueset ka! Anglakas mong magganyan tapos magubat?! Anong problema mo?!" "e sa nakalimutan sa kamamadali e! Sige na! Naghihintay ang mga kids." Tinupi ko nang apat na beses ang panyo saka ipiniring sa kanya. Yung scent ng buhok niya. Mint! Perfect mint scent that is so familiar to me! "Okay na?" "Ah yeah..." Tumayo siya saka humarap sa akin. Kinapa-kapa niya ako mula sa balikat hanggang sa mukha. Isinabit niya sa neckline ko ang salaamin niya nang walang anu-ano ay pinisil niya ang pisngi ko.  "Ano ba?! Magbasa ka na nga!" palo ko sa braso niya. "guide mo kaya ako. Hindi ako pamilyar sa space." Iginiya ko siya sa bandang gitna kung saan maririnig siya nang lahat. Beauty and the Beast ang binabasa niya. Gamay na gamay niya ang braille. I wonder how these kids imagined a story with their situation. Paano ilalarawan ng isang bulag ang makulay na hardin kung hindi pa niya ito nakikita? Paano iniimagine ang maganda? "And they live happily ever after!" isinara ni Shanika ang libro. "Okay ba? Honest ako kids ha? Nakablind fold ako. Tanungin niyo pa sina nurse." Nagpalakpalak na sila. Nakailang beses siyang pikit at mulat ng mga mata niya pagkatanggal ng panyo. Lumapit na ako para ibigay sa kanya ang salamin niya. "Thanks."sabi niya pagkasuot nito saka ako tiningala. Nag-aabot pa rin ang mga kilay niya na parang inaaninag ako. "Shorty ka pa rin kahit Malabo paningin ko ah." Kung pwede kang magmura at ihampas sa kanya ang librong hawak-hawak niya ginawa ko na talaga! --00— Papunta na kami sa Ocean's Drift. "Sayang hindi mo nakuhanan ng video yung mga reactions nila kanina." Sabi nito habang nagmamaneho. "Masaya sila." Sabi ko lang. "Paano ba naiimagine ng isang bulag ang mga kulay kung hindi pa nila ito nakikita?" "Using other senses. Itinuturo sa mga blind people ang mas matalas na paggamit ng ibang senses. Usually sa emotions. Halimbawa yung red, the feel of anger, s****l excitement, aggression. Pero siyempre mga bata yun kaya anger." Pagpapaliwanag niya. "Yellow?" "Friendliness, cheerfulness, optimism, confidence, sometimes fear."sagot niya na hindi inaalis ang tingin sa daan. "maraming pwedeng paraan para maidescribe ang colors sa imagination ng mga visually impaired. Patience lang para matutunan." Tumingin na ako sa labas. "Just weird. Parang anglungkot ng buhay kapag hindi mo nakikita ang paligid." "Sobra." Sagot niya saka pinaharurot ang kotse. -- Pinapakita ni Shanika kay mommy ang mga pictures and videos sa orphanage. Feeling close to kay mommy! Nakakainis! Mauubos ko na nga tong orange juice sa inis ko. "Anak, nakausap mo na ba ang mga kaibigan mo?" Napaangat ako ng tingin. "Ha? Ah opo. Okay lang daw. Excited si Jassy." Billboard para sa anniversary ng Ocean's Drift. Since kami ang nagtimpla ng Racer's Lux gusto nila kami na rin ang magmodel nito. "Mabuti naman. Siguradong matutuwa si Daddy mo nito." "Okay na rin si Axel sa schedule niya tita."sabad ni Shanika. "Gosh! Excited ako sa billboards!" Hindi na ako umimik. Kung kokontrahin ko siya siguradong ako din ang talo dahil kakampihan siya ni mommy. Bisita e! Close sila e! Hindi pa talaga nakontento si mommy gusto pang ayain for dinner si Shanika. "May family dinner din po kasi kami Tita. Next time po siguro. Sunduin ko pa si ate sa airport e.Deretso na kami sa resto kasi." "Sayang naman. Sige. Next time ha?" Tumango naman siya. "Promise tita. Hindi pa naman ako magreresume sa work e. I have all the time in the world." Inutusan ako ni mommy na ihatid siya sa may sasakyan niya. Pagkarating sa may kotse niya ay tinatanggal niya ang pagkakabutones ng long sleeves. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" "Hello. Nagtatanggal ng long sleeves. Sayo to diba?" "May pupuntahan ka pa diba? Just wear it. Ilaba mo na lang." pagsusungit ko dito. "Baka lumuwa mata ng waiter sa damit mo." Natawa naman siya saka muling binalik ang pagkakabutones ng upper part. "You are one conservative woman. Oh siya alis na ako. See you around shorty." "Nyeta ka!" pinalo ko ang braso niya nang akma nitong ipapatong sa ulo ko ang kamay niya. "Subukan mo! Sasamain ka sa akin!" Pumailanlang ang tawa niya. Bueset talaga to e! Sobrang emphasized ang height difference?8
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD