--23.1-- PREY's POV Teka! Angbilis ng t***k ng puso ko habang papalapit kami sa bahay. Dad, girlfriend ko na po si Shanika. Mommy, si Shanika po. Dad, Mom, manugang niyo po. Hoooh! Paano ko ba siya ipapakilala bilang girlfriend ko? Itinigil ko ang kotse na pinagtaka niya. "Uy bakit?" "Paano kita ipapakilala sa parents ko na girlfriend ko?" Pinagtawanan pa niya ako. Kurutin ko to e! Anong nakakatawa sa tanong ko?! "Yun talaga ang problema mo? E sa masyado silang boto sa akin baka bukas makalawa may wedding planner na e." she held on my cheeks. "Titigan mo ako. Sabihin mo. Daddy mommy girlfriend ko na po ang girl of my dreams..." Pinalo ko nga nang marahan ang kamay niya. "Feeler. Bahala na nga." -- Kinakabahan pa rin ako habang kaharap ang mga magulang ko. Lalo si mommy na nalu

