30.2 SHANIKA'S POV Tulog na tulog pa si Precious, Gapangin ko kaya siya? Kaso baka dagdagan pa niya yung parusa ko. Nakakagaan ng pakiramdam kapag tinititigan ko siya. Napangiti ako nang minulat niya ang isang mata niya. "Good morning baby."Bati ko dito. Nilagay niya ang kliwang kamay niya sa may pisngi ko saka pumikit ulit. "anong gusto mong breakfast?" Umiling siya. "Tulog ang kailangan ko." "Baby marami ka nang tulog. Mag-date tayo oh." Kumunot ang noo niya. Umayos siya ng pagkakahiga, iniangat niya ang ulo ko siya pinaunan sa braso niya. "We have a lifetime to do that." Shit! Lifetime daw! Kilig ang buong pagkatao ko! Kaya magrereklamo pa ba ako? Siyempre hindi na! Yumakap ako sa beywang niya. Kahit ganito na lang kami maghapon! "May isusuot ka na sa party mamaya?" Ungol lan

