*Janine* Isang lingo na ang lumipas mula noong na-meet ko ang parents ni Marco; nakakatuwa nga kasi magkatextmate na kami ni Tita Lisa. She is very sweet – text niya lagi ang una kung mababasa sa umaga at goodnight naman niya ang nagpapakumpleto sa gabi ko. Minsan nga gusto kong isipin na si Marco ang ka-text ko. Haaayzzz… wala akong magawa, mukhang ang ina lang niya ang may gusto sa akin. Nandito ako ngayon sa dance practice namin para sa opening number ng concert ng Adonis band. Natapos na rin ni Patricia ang choreography kaya mastery na lang ang ginagawa namin ngayon. Speaking of development, may update na kami sa mga impormasyong nakalap namin tungkol sa mga Adonis band members. Habang nalaman ko kung ano talaga ang namagitan kina Marco at Natasha, may mga natuklasan naman sina Pat

