Nadatnan kong naghihintay na sa dining table ang mag-amang de Blanch. Nangingiming akong tumayo sa gilid nila. "Ano pa ang hinihintay mo? Gusto mo pa bang ipaghila ka namin ng uupuan mo?" matigas na sabi sa akin ng senor. Huminga muna ako nang malalim bago umupo sa tapat ni Apollo. Pinanuod ko si Mimi na pagsilbihan ako ng mga pagkain. Unang subo ko pa lang, parang gusto ko nang iluwa ang pagkain sa bibig ko dahil sa narinig kong sinabi ng senor. "Unang araw mo pa lang dito sa mansyon kung makaasta ka, akala mo kung sino ka na." Napatingin ako sa nakatayong si Aling Ditas na nasa likod ni Apollo. Nakangisi ito sa akin. Napailing ako sa kinauupuan ko at ipinagpatuloy ang pagnguya. Lumakas ang t***k ng puso ko. Natakpan na ng galit ‘yung kaba ko kanina. Nilunok ko muna ang nasa bibig

