Chapter 5

1626 Words
Hindi malaman ni Dean kung ano bang nangyayari sa kanya? Kung ano kasing nasa isip niya ay nasasabi niya kay Elish. Imposible namang nagkakagusto na siya sa babae. Iilang beses palang silang nag-uusap. Habang kausap niya kasi sa telepono ang babae muntik na niyang alukin na irerecommend niya ito sa kanyang kapatid na may accounting firm. Sa totoo lang hindi masyadong nagtatanong si Dean ng tungkol sa buhay nito kasi ayaw niya masyadong magkaroon involvement dito. Sinasakyan lang niya kung ano bang trip nito. Tsaka dala na din ng curiosity niya. Pero mukhang delikado siya. Ayaw niya ng commitment at pananatilihin niya iyon. . . Dumating ang araw ng sabado at sinabi ni Elish kung saan sila magkikita. Nagulat siya na isang bar ang lugar na tinutukoy nito. Nagtataka siya ano ba talaga ang mga nasa bucket list nito. Naalala niyang pinakita ng babae ang notebook kung saan nakasulat ang bucket list nito noong una silang magkakilala pero di niya naman talaga binasa yun kaya ngayon clueless tuloy siya. Hinintay niya nalang sa labas si Elish. Ilang minuto ay dumating na ito sakay ng taxi. Sinalubong niya si Elish. She's wearing a red off shoulder mini party dress. Revealing her shoulder blade and slender figure. Kung titingnan ng iba simple at hindi revealing ang suot ni Elish but for Dean, she's captivating and alluring. Bumagay sa maputi nitong kutis ang matingkad na kulay. Pagkalapit niya sa babae ay hinalikan niya ito sa pisngi. Natutuwa talaga siya sa reaction nito tuwing ginagawa niya yun. Napapansin niya kasing natetense ito na di malaman ang irereact. "Hey, miss beautiful in red," nakangiting bati niya dito. "Hello.. Hottie boyfie," she replied sabay ngiti. Pero kaunting umawang ang labi nito na parang nagulat ito na yun ang lumabas sa bibig nito. Natawa nalang si Dean at inakbayan na ang babae saka hinila papasok papasok sa loob ng bar. . . Feeling ni Elish napaka-ignorante niya. Ngayon lang siya nakapasok sa isang bar sa tanang buhay niya. Ganito pala itsura nito sa loob. Madalim, maingay ang music. Halu-halo na ang amoy ng pabango ng mga tao sa usok ng sigarilyo. Sa gitna kung nasaan ang dalawang platform ay marahot na sumasayaw ang mga babaeng revealing ang outfit. Lumapit ang isang waiter nang makitang palinga-linga si Dean. Nag-usap ang dalawang lalaki at hinatid sila ng waiter sa table nila. Kinuha muna nito ang order nila bago umalis. "Bakit mo nga pala dito naisipan magpunta? Kasama 'to sa bucket list mo?" Kunot ang noong tanong ng lalaki. Bakas ang pagkataka sa anyo. Alanganin siyang ngumiti. Baka iniisip nitong, pakawala siya o di kaya'y ignorante.. "Ano.. kasi.. ngayon lang ako nakapunta dito.. wala kasi akong panahon sa mga ganito noon saka mahal mga drinks dito, eh," nahihiyang pag-amin ni Elish. Nakita niyang nasurprised ang itsura nito at maya maya ay may sumilay na ngiti sa mga labi. "Sige, My treat! Order ka lang ng gusto mo, Love." Kinindatan pa siya. Nagtaka siya. "Bakit?" "Anong bakit?" "Bakit mo ako ililibre? Ako nga nagyaya sa'yo, eh." Balik tanong niya dito. Tska sabagay lagi naman ito ang nagbabayad eh tulad nung lumabas sila. Kahit ipilit niyang hati sila. Ayaw siya nitong pagbayarin. Nakakahiya naman kung pati ngayon ay ito naman ang magbabayad. May pera naman siya. "Nothing. Na-aamazed lang ako sa'yo..how old are you again? hmmm?"nakangiting tanong nito na titig na titig sa mukha niya. Ayan na naman yung pakiramdam na naiihi siya! "Ano ba to? Bat ganun? Yung mga nababasa ko sa libro parang may paro paro daw na naglalaro sa sikmura nila. Bakit yung sakin iba yata?" Anang isipan niya. "24 na ako. Bakit anong nakaka-amazed dun?" "Kasi kakaiba ka.. I mean these days kahit mga teenagers nakakapasok na sa bar." "Wala kasing chance. I mean kailangan kong magpadala sa province para sa magulang at mga kapatid ko. Kung gigimik pa ako mamumulubi na ako." Lalo siyang tinitigan ng lalaki. Dumaan ang kislap ng admiration sa mga mata nito. "You know what. You're one of a kind," anito sabay pinindot ang tungki ng ilong niya. Her heart skips a beat. It feels nice when someone appreciated you. Sa ilang taon dito sa Maynila, ngayon lang naramdaman ni Elish na may taong pinagtuonan siya ng pansin. Sa opisina kasi para lang siyang hangin, nararamdaman pero di nakikita. "Salamat.." Nahihiya niyang sabi. "So... anong gusto mong inumin?" Namimilog ang matang tumuwid ng upo si Elish. "Kahit ano! Kung anong masarap!" Umorder na si Dean ng inumin nila. Margarita for her at beer lang sa lalaki. Sarap na sarap siya. Kasi parang juice lang. Sabayan pa ng magandang music at isang hottie companion. Solve na solve ang gabi ni Elish. Mayamaya nagpaalam siyang tutungo sa restroom. Pagtayo si Elish kamuntikan siyang mabuwal. Mabilis na tumayo si Dean at inalalayan siya. "Hey.. lasing kana." Hinapit nito ang braso sa beywang niya. Tumingala siya at matamis na ngumiti sa lalaki. "A-akooo? Laseeengg? Hindi 'noh! Baka ikaw yon." Humalakhak si Elish. Napatiim bagang si Dean. "Uwi na kaya tayo? ihahatid na kita." May pag-aalala sa tono nito. "Mamaya na! Hindi pa nga ubos ang drinks natin eh" tatawa- tawang sabi niya. Napabuntong hininga nalang ang lalaki. "Sasamahan na lang kita sa restroom" sabay inakay na siya nito. Feel na feel ni Elish ang tama ng alak sa kanya. Feeling niya kahit ano pwede niyang gawin. Paglabas niya sa banyo nakita niyang nakasandal si Dean sa may gilid ng hallway. Panay ang lingon ng mga kababaihan rito. May lumapit pa nga subalit kaagad na umiling ang lalaki. Nang mag-angat ito ng tingin saka siya nito nakita. Sinalubong siya nito. "Okay ka na?" "Okay na okay basta kasama kita." Nakangiting tugon ni Elish pagkatapos ay lumipad ang tingin niya sa bandang kanan. Nakasandal doon ang isang lalaki. Sa harapan nito ay nakayakap ang isang babae. Magkahugpong ang labi ng mga ito. Gumagapang ang kamay ng lalaki sa maseselang parte ng katawan ng babae. Ang babae naman ay naka-akap sa batok ng mga bisig. Bumalik ang tingin niya kay Dean. Bumaba sa labi nito ang kaniyang mga mata. Ilang beses siyang lumunok. kumakabog ang dibdib niya. Ano kayang pakiramdam na may kahalikan? . . Shit! Anang isipan ni Dean. Nang mapansin ang ginawa ni Elish. Hindi siya tanga para hindi mabasa ano ang naisipan nito. Ilang babae na ang naka-date at naikama niya. Body language lang.. kuhang-kuha na ni Dean ang mga babae. Pinagpawisan tuloy siya kahit malamig naman ang loob ng bar. Think carefully dude! Awatin mo sarili mo habang nasa katinuan ka pa. Paalala ng konsensya niya. Hinamig ni Dean ang sarili bago inaya ang babae. "Lets go? Balik na tayo sa table natin?"at hinawakan na ito sa braso. Nagpatangay naman ang babae. At kumapit pa sa braso niya Nang makabalik na sila sa table nila. Nagsimula na maging makulit si Elish. Kinuha nito ang beer niya sabay tinungga ang laman. "Hey... take it easy" anya't hinawakan ang kamay nito para bawiin ang bote. Napatitig ito sa kanya na mapupungay ang mata at namumula ang mukha. Pagkatapos ay ngumiti ng nakakaakit. Damn! Bakit ganito siya ka-sexy kapag lasing? "Bakit ba? Ngayon nga lang ako imunom pagbabawalan mo pa ako.." sumalong baba na wika nito. Nakipagtitigan siya dito. Nagulat siya ng padaanin nito ang hintuturong daliri sa kayang ilong. Pababa sa kanyang mga labi. Napalunok si Dean. Pero hindi kumilos. Unti unting inilalapit nito ang mukha sa kanya. Subalit huminto nang halos hibla nalang ang layo ng mukha nila. Kumunot ang noo nito na tila pinakikinggan ang background music. "I know this song!" Biglang napatayo si Elish at hinawakan siya sa braso. "Let's dance!" Napabuga ng hangin si Dean. Nabitin siya doon! Hinihintay niya ang gagawin ni Elish. Damn! "Hindi ako marunong sumayaw----" hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang bigla siya nitong hatakin patayo. Naiiling na nagpatangay na lang si Dean sa babae. Pagdating sa dance floor. Gumigiling-giling si Elish. Noong una'y pinanonood lang niya ang babae hanggang sa natangay na rin siya. "Wow! 'Yan ba ang hindi marunong sumayaw?! Eh, dadaigin mo si Chris Brown dyan sa mga dance moves mo eh" Natatawang sabi nito. "Sa'yo ko lang rin nalaman na may hidden talent pala ako!" Sabay silang tumawa ng malakas. The world around them spins so fast. Hindi na nila namalayan ang paglipas ng oras, ang papalit-palit ng kanta sa back ground. At sa tuwing malalayo ng kaunti si Elish sa katawan'y kaagad niya itong hinahapit sa beywang. Ayaw niya itong madidikit sa iba lalo na kung lalaki. Binabakuran niya talaga ito. Nagiging possesive at protective na si Dean ng di niya napapansin. Masyadong mahaba ang gabing iyon. It was a fun and crazy night. Hindi naisip ni Dean na mag-eenjoy siya ng ganito. Nagagawi pa rin naman siya sa mga clubs lalo kung may nagyayang kaibigan. Pero hindi yung ganitong nakuha pa niyang sumayaw. Na buong buhay niya yata eh walang nakapilit sa kanya. Pasado alas kwatro na ng umaga nang mapilit niyang umiwi si Elish. Ang malaking problema, knocked down na si Elish! Binuhat na nga lang niya ito papunta sa sasakyan. Alam naman niya kung saan ang bahay nito. Pero wala siyang tiwala na iwan ito doon mag-isa kaya no choice siya kundi iuwi ito sa kanyang unit. . . Maingat na inilapag ni Dean sa kama niya ang tulog na babae. Hinihilot niya ang sentido habang nakatitig sa babae. Talaga yatang sinusubukan siya ng sitwasyon. Nagbago ng pwesto si Elish. Lumihis ang suhod nitong dress at lumitaw ang mapuputing hita. Her lips was half parted and her hair was in a messy sexy way. Paungol na napamura si Dean. "Tang-ina.." Hindi siya santo para di matukso!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD