Chapter 3

1879 Words
NAGKITA sila ni Dean sa cafe kung saan niya unang nakilala ang lalaki. Nasa labas pa lang si Elish natanawan na niya itong nakapwesto sa tani ng glass wall. Tahimik na umiinom ng kape. He was wearing a plain white fitted polo shirt partnered with faded jeans. He looks so fresh and young. At tulad nang una niyang makita ang lalaki- halos mabali na naman ang leeg ng kababaihang nakapaligid dito sa kalilingon. Unaware naman si Dean. Abala pa nga ito sa pag-scroll sa phone. Feel na feel ni Elish habang papalit siya sa kinaroroonnan ni Dean. Siya lang naman ang hinihintay ng gwapong ito. Siya lang! At wala nang iba pa! Tumigil si Dean sa ginagawa at bigla nag-angat ng tingin nang huminto siya sa harapan ng table nito. Huminto yata pati ang t***k ng puso ni Elish nang ngumiti ang lalaki at maglabasan ang pantay-pantay nitong ngipin na tila sa isang modelo. Isama pa ang mga mata nitong parang kasamang ngumingiti. Haaaaay! Kung ganito ba naman kagwapo ang araw-araw niyang makikita, sulit ang mga natitirang araw niya mundo. "H-Hello.." she stammer. "Kanina ka pa ba?" Tumayo ito at hinalikan siya sa pisngi. "Hindi naman Love, mga 15 mins. pa lang naman ako dito." Hindi malaman ni Elish kung paano magrereact. Hindi siya na-orient! s**t! Talaga bang ganito ang epekto sa kaniya pag tinatawag siya nitong love? Nakakaihing ewan?! Kainis! Mabuti't nahamig niya ang sarili bago sumagot kaya nagmukhang kaswal lang ang pagsabi niya nang, "Sorry kung na-late ako. Traffic kasi, eh." "It's okay. Next time. Tell me where you live so that I could pick you up, okay?" He said smiling. Tila lutang at nakatitig lang sa lalaki napatango si Elish. "Let's go?" Lumabas na sila ng cafe. At Tulad no'ng una nilang paglalakad sa mall, nasa beywang na naman niya ang isang bisig nito. Kitang-kita niya ang inggit sa mata ng mga babaeng nakakasalubong nila. Sorry mga sis! Ako ang nagwagi! Anang isipan ni Elish. PAGDATING sa parking lot dinala siya ni Dean sa isang porse macan na kulay itim. He opened the front passenger seat. Elish looked around when she got inside. Inosente siya pagdating sa mga sasakyan pero alam niyang hindi mura ang halaga nito. high tech at may screen kasi na maliit sa unahan. Malinis at amoy mamahalin ang air freshener or mismong pabango yon ni Dean na nakakapit na sa bawat sulok ng sasakyan? She doesn't know. But she likes it! Hindi matapang. Very manly rin. Para talaga siyang nakajackpot! Gwapo na nga gentleman pa. Talaga bang ganito kapag mamamatay ka na? Pinagbibigyan na ni lord sa mga hiling mo sa buhay? Umaandar na ang sasakyan nang magtanong si Dean sa kaniya. "Saan mo nga pala gustong pumunta?" Nakangiting baling nito sa kanya. "Ah, oo.. nga pala." Alanganing ngumiti si Elish. "Ano kasi.. Gusto ko sanang magpunta sa amusement park. Ang tagal ko na dito sa maynila pero hindi pa ako nakakarating doon." She looked up to him. "Is it okay with you?" Napatitig ito sa kaniya ng ilang sandali na tila may sinabi siyang kakatwa. He looked amused. Then unti-unti ay ngumiti. "Sure. Kung saan mo gusto pumunta. Sasamahan kita." "Salamat, Love..." Aniya't pagkatamis-tamis Unang beses niya itong tinawag na love sa personal kaya medyo nagulat ito. But it feels so natural. It felt like she had him for a long time. . . MAAGA pa sila dumating sa amusement park kaya naisipan muna nilang kumain. May mga cart at food court naman doon. Sandwich lang ang inorder ni Dean. He looked hesitant to order. Mukhang hindi ito sanay kumain sa mga ganung kainan. Napilitan lang ata para hindi mapahiya. Si Elish naman ay umorder ng heavy meal. Sa sobrng excitement kasi sa kaniyang first ever date hindi na siya nakakain ng almusal kanina. "Mauubos mo ba lahat 'yan?" Nagtatakang tanong ni Dean habang bitbit ang tray ng pagkain nila. Paano ba naman dalawang rice, lutong ulam na adobo at chopsuey and may dessert pa siya! "Oo mauubos ko 'yan!" Masiglang wika ni Elish. "Baka di mo natatanong, kain constructions worker 'to!" Aliw na aliw si Dean habang pinapanood siyang magana sa pagkain. Para bang ngayon lang ito nakakita ng babaeng kasing takaw niya. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya dito nang mahuli itong nakatingin lang sa kanya, pangiti-ngiti pa habang umiinom ng drinks. "Nothing. I find it cute that you're not concious how you eat in front of me. And it looked likes hindi ka rin concious sa diet mo." Umangat ang tingin ni Elish kay Dean. Subo pa niya ang kutsara habang nagsasalubong ang kilay. "I mean.. some of the girls I've met they're concious about everything.. from how they eat, look and act in front of me. Body concious too." Nahiya naman siya. Ang lagay pala nito eh, parang PG siya. Pero ayaw niya kasing nag-pe-pretend lalo na kung hindi naman siya ganoon. "Ang sarap kaya kumain! Parang di ko kaya kapag isang rice lang. Tsaka hindi ako nag-almusal, eh. Kaya talagang gutom na gutom ako ngayon." Patuloy siya sa pagkain. "Yeah. Don't me wrong. Wala akong pakialam kahit matakaw ka." He chuckled. "And you're cute when your eating like that. Para kang bata." Namumungay ang matang sabi pa nito sabay pisil sa baba niya. Jusko po! Kung ganito palagin ang kasabay niyang kumain baka imbes na mabusog siya'y lalo siyang magutom! Ngiti pa lang nakakagutom na eh! Hoooooy, Elish! Manahimik ka! Kailan muna natutunan mag-isip ng ganyan? Hindi pa man nakakabawi si Elish nang umangat ang kamay ni Dean at mapunta iyon sa gilid ng labi niya. Ipinakita nito ang kanin na nakuha saka inabot ang tissue saka naman pinunasan ang labi niya na may naiwang sauce ng adobo. Namumula ang pisnging kinuha niya ang tissue dito. "S-Salamat.." "No problem." He shrugged, still smiling. "Anong rides pala ang gusto mong una nating sakyan? Roller coaster?" May himig nang pagbibirong anito Inirapan niya ang lalaki saka natawa na rin. "Baka gusto mong maligo sa suka ko kapag iyon ang una na nating sinakyan!" Sagot niya sabay dighay ng malakas. Tumawa si Dean. "Patay tayo dyan!" Saka hinatak na siya patayo. At inilagay ang kamay nito sa beywang niya na tulad kanina sa mall. Hindi na napigilan ni Elish ang ngiting sumilay sa labi. Nag ikot ikot muna sila. Bago sumakay sa roller coaster. Mauubusan yata siya ng hininga kakatawa sa roller coaster habang si Dean cool na cool lang. Mas natatawa to sa kanya. Dahil habang paakyat yung roller coaster eh nagdadasal siya lahat yata ng santo natawag niya. Pumasok din sila sa mga horror house at nag enjoy sa pagbaril ng teddy bear na malaki ang ending walang tinamaan si Dean kaya binili nalang nito iyon para sa kanya. Kung nakakamatay ang kilig baka bumulagta nalang siya sa sahig kanina pa! Ganito pala magka boyfriend ang sarap sa pakiramdam!Parang maya't maya ay may kumikiliti sa kanya. Halos nila namalayan na alas sais na pala. Kundi lang may tumawag kay Dean ay mukhang ayaw pa siya nitong yayayain umuwi. "Salamat sa araw na 'to, Dean. Sobrang nag-enjoy ako." Nakahimpil ang sasakyan ni Dean sa harapan ng apartment niya. Hindi pumayag si Dean na di siya maihatid. Para daw sa susunod alam na nito kung saan siya susunduin. "You're always welcome, My Elish. Hindi ko na rin maalala sa kung kailan ang huling beses na nag-enjoy ako ng ganito. Highschool? College? I couldn't remember. Thank you for this day too." Anito't bahagyang natawa at seryoso siyang tinitigan. "I'm glad that you enjoyed my company. Alam mo, karamihan kasi sa mga katrabaho ko— sinasabi nila KJ daw ako." Oh, well noon yon! Hindi na ngayon! I will spend the rest of my remaining days on earth doing the things I want. Nagsalubong ang kilay nito. "Ikaw KJ? You're one of the— No. You're the only person that I know na hindi umatras kahit sa mga extreme rides! Ni hindi ka nga sumigaw man lang. You just what—" Elish giggled staring at him. "Yeah. Giggling like that." Lumambot ang expression ni Dean habang hinahaplos ng likod nang palad nito ang pisngi ng babae pagkatapos ay lumampas sa balikat ni Elish ang tingin patungo sa maliit na apartment kung saan may mga kalalakihan pang nakatambay sa katabing tindahan. "Okay ka lang ba dito sa apartment mo?" may himig ng pag aalala sa boses nito. Nagtatakang tumango si Elish. "Oo naman bakit? Matagal na ako dito mahigit dalawang taon na yata." Alam naman niyang hindi maganda sa lugar na tinitirhan niya. Pero ito lang ang pasok sa budget niya. Magkano lang ba ang sinusweldo niya? Para umupa sa mamahaling mga apartment. Paminsan lang may mga tambay na sumisitsit sa kanya pero nasanay na siyang balewalain ang mga iyon. Ilang sandaling tinititigan lang siya ni Dean. Tila ba may nais na sabihin. But in the end he just sighed heavily and shook his heas. "Nothing.. I gotta go, Love. Don't forget to lock your door and close your windows. Okay?" Titig na titig pa rin ito sa kaniya. "Or just text and call me if there's a problem." "I'll be fine. Kilala ko ang mga tambay na yan." Ang tinutukoy niya ay ang mga kalalakihang mga nakahubad ang pang-itaas na nag-iinuman doon sa tindahan ni Aling Chayong. "Sige na umalis ka na." Pababa na sana si Elish nang pigilan siya ni Dean. "Wait.." "Ha?" Saktong paglingon niya, papalapit ang mukha ni Dean. Malakas na napasinghap ni Elish kasabay ng pagbilog ng mga mata. His lips landed on her virgin lips! It was soft, warm and moist.. Elish automatically close her eyes as she was savouring his soft lips kissing her gently. Nang huminto si Dean sa paghalik nagmulat si Elish at nahuli itong nakatitig sa kaniya. kagat-kagat ang gilid ng ibabang labi't pinipigil ang ngiti. Darn.. he looks so cute!!! Mabilis na bumaling si Elish sa pintuan upang itago ang pisnging namumula. "B-Baba na ako." Natitilihan siyang bumaba ng sasakyan. Humahakbang na siya palayo nang marinig niyang tinatawag siya nito. She looked over her shoulder and saw him still smiling. "W-What?" "When can I see you again?" Pumihit na si Elish paharap sa lalaki. Her head tilted to the side, thinking. Teka, ano pa nga ba 'yong mga sinulat niya sa kaniyang bucket list... Isang ideya kaagad ang pumasok sa isipan niya Tama, hindi pa niya iyon nasusubukan! Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya. "I have an idea!" "Oh, what is it? Pray tell.." game na tanong ni Dean. "Basta! Malalaman mo next week! Sige na umalis kana." Dean chuckled. "Based on your reaction. Kakabahan na ba ako?" Umirap si Elish. Kabahan kana talaga! Syempre hindi niya 'yon sinabi. "You should go now.." "Yeah.. yeah.. i'll pick you up next week, okay?" "Okay." Hinintay pa siya ni Dean na makapasok sa loob ng apartment bago umalis. Tinalon naman ni Elish ang kama at kinuha sa ilalim ng unan ang notebook kung saan nakalista ang bucket list niya. At napangisi na naman siya. Tamang-tama pala ang pumasok na ideya sa isipan niya at ang number 2 sa bucklet list niya! 2. Get drunk at a bar!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD