PINILIT bumangon ni Elish upang pagbuksan ang kumakatok. Umasa siyang si Dean iyon. Pero kaagad rin ang pagkadismaya nang makitang ang land lady pala niyang si Aling bebang ang mabungaran.
"Hoy, aba! Elish! Kailan ka magbabayad ng upa mo, ha? Kulang ka pa ng dalawang buwan!" Galit na singhal ng landlady niya. Nangingislap ang pawis sa mabibilog nitong braso na suot na daster. Maging ang mukha.
"Pasensya na po, Aling Bebang. Magbabayad rin ako kapg nakuha ko na po ang sweldo para sa buwan na ito," magalang na sabi niya sa matanda.
"Dapat lang!! Ang tagal na kitang pinagbibigyan!"
"Pasensya na ho talaga.." napakapit si Elish ng mahigpit sa doorknob nang sumalakay ang matinding sakit sa ulo niya. Hindi na niya naririnif nang maayos ang mga sinasabi ng galit na landlady. Hanggang sa hindi na kinaya ni Elish ang umaatakeng sakit. Bumagsak siya sa sahig, sumisigaw, umiiyak at namimilipit.
Natatarantang niyuko ng landlady si Elish. "Diyos ko po! Anong nangyari sa'yo, Elish!" Pagkatapos ay nagmamadaling tumawag ng tulong upang maisugot sa pinakamalapit na ospital ang dalaga.
.
.
ILANG araw nang tinatawagan ni Dean si Elish subalit hindi niya ito ma-contact ang dalaga. Palaging out of coverage area. Kung hindi lang nagsabay-sabay ay matagal na niyang pinuntahan si Elish.
Subalit nang hapon 'yon matapos ang trabaho nakaramdam ng kaba si Dean sa dibdib niya.. kabang hindi niya alam saan nanggaling. Kaya kahit may mga dapat tapusing trabaho pinuntahan niya si Elish.
Una niyang dinaanan ang opisina ang dalaga sa pag-aakalang naroon ito. Nabanggit kasi nito kung saan ang opisinang pinagtatrabahuan. Ngunit wala daw roon ang dalaga ilang araw nang naka-Vacation leave.
Dumoble ang kabang namayani sa dibdib ni Dean.
Nagmamadali siyang nagmaneho papunta apartment ni Elish. Nang makarating siya doon.
Ilang minuto siyang katok ng katok at tinatawagan ang cellphone nito na out of coverage.
Kung ano-ano nang pumasok sa isipan niya. Paano kung umuwi na ito ng probinsya? Hindi pa niya alam kung saan iyon.. O di kaya'y may nangyaring masama sa dalaga.
Sa mga naisip nyang iyon lalo siyang nataranta at sinisi ang sarili.
Shit! Its your fault, Dean! Kapag may nangyaring hindi maganda kay Elish di ko mapapatawad ang sarili ko.
"Elish, Elish, Babe? It's me Dean!" Tawag niya habang walang tigil sa pagkatok.
"A,y wala dyan si tisay!" Imporma ng matandang babae lumabas sa katabing apartment ng kay Elisih.
Napatingin siya sa nagsalita. "Nasaan ho siya?"
"Isinugod sa ospital ni Aleng Bebang. Eh, nagsisisigaw sa sakit."
"Ho?! Saan hong ospital?" Tila sinipa ang sikmura ni Dean sa pagsumpong ng takot sa kaniyang dibdib. Nanlamig ang buong katawan niya.
"Dyan lang sa St. Ignatious hospital." Tumuro ang matanda sa natatanaw mataas na building ng ospital na natatanaw sa malayo.
"Sige po, salamat," paalam ni Dean bago nagmamadaling umalis.
Habang nasa byahe, wala siyang ginawa kundi magdasal na sana huwag munang kunin si Elish sa kanya. Gusto pa niyang mapasaya si Elish at masabi kung anong nararamdaman niya para dito.
Humahangos na bumaba si Dean sa sasakyan pagdating sa hospital. Sinabi ng napagtanungang nurse sa reception ang silid na kinaroroonna ni Elish.
Nasa tapat na siya ng pintuan nang mapansin ang nakaupong matanda sa labas niyon.
Nagtatakang nagtanong ito. "Kaano-ano ka ni Elish?"
"Boyfriend niya po ako."
"Ay, mabuti naman! Kailangan ko nang umalis! Maraming oras ko na ang nasayang ng babaeng yan! At isa pa wala kong pambyad dito sa hospital. May kulang pa nga siya sa upa niya sa bahay!" Galit na sabi ng matanda
Hindi mkapaniwala si Dean na may ganito pa lang klase ng tao. Na nagagawa pang magsabi ng hindi maganda sa kapwa alam naman ng nakaratay sa hospital.
Nakaramdam siya ng galit sa matanda. Pero inisip niyang mabuti na lang din at dinala nito ang dalaga sa hospital.
"Sige ho salamat sa pagdadala kay Elish dito sa hospital. Yung tungkol naman sa upa ako na ang bahala doon. Mamaya ay ibibigay ko sa inyo." Malamig na sabi niya sa matanda.
"Mabuti naman at matagal-tagal na din iyong utang niya sakin! o siya aalis na ako," umismid pa ang may edad na landlady ni Elish bago tumalikod at umalis.
Naiiling na pumasok naman si Dean sa loob ng silid. It felt like someone stabbed him right at the center of his heart when he saw Elish. L
Nakaratay ito sa kama. Namumutla, nangingitim ang eyebags at hindi maitago ang lungkot sa mukha.
He wants to her hug so tight but was scared he might crash her, kaya nagkasya na lang siyang haplusin ang mukha nito. Nagmulat si Elish at kaagad nanubig ang sulok ng mga mata nang makita siya.
"Im here now.." bulong niya habang hinahalikan si Elish sa itutok ng buhok.
"D-Dean.. We should stop seeing each other," gumaralgal ang boses nito.
"I'm sorry Elish, but I' ve decided to stay with you..
even if you only have a few months, days or hours. I want to be there beside you whenever you're in pain—whenever you are hurting. Let me your strenght.." inilapat ni Dean ang noo sa babaeng nagsisimula nang pumatak ang butil-butil na luha sa mga mata. "Aaminin ko, natakot ako, naduwag ako. I was indenial.. I'm afraid of what might happen to you will destroy my whole being..."
Humikbi si Elish. "D-Dean.."
"But not anymore, My Love. I'm here to stay.. until the end. Until your last sunset. I love you. I love you so damn bad that it hurts.."
Kasabay ng pag-iling ni Elish ang pagpatak ng panibagong luha sa mga mata niya. "No.. n-no.. ayokong idamay ka sa miserableng buhay ko, Dean. Ayokong makitang nahihirapan ka dahil sa'kin. Ayokong makita mo 'ko sa mga huling araw ko. Gusto 'kong maalala mo ako bilang yung Elish na masayahin. I just want you to remember our happy memories together.."
Hinalikan ni Dean sa mata, sa ilong at sa labi na tila ba pinapawi ang agam-agam, takot, lungkot sa maamong mukha nito.
"I love you that's all that matters to me. No but's and if's. Everything is nothing without you." He cupped her face. "Tell me that you love me too, Elish." Dean mumbled against her lips.
Walang pag-aalangan na tumango si Elish. ""I love you too, Dean. I love you so much.."
Sa kabila nang luhang naglalandas na rin sa mata ni Dean nagawa niyang ngumiti. "Live with me Elish. I want to be with you everyday. I want to see your face everytime I wake up in the morning. I want to take care of you.. "
"Gusto rin kitang makasama sa mga natitira kong oras ko. Pero, Dean—" Hindi na nito naituloy ang mga sasabihin nang halikan niya sa labi. Pinahid niya rin ang luha sa pisngi nito saka buong pagmamahal na pinagmasdan.
"Shhh.. stop, Baby. I'll stay no matter what. Kahit ipagtabuyan mo ako, hinding-hindi na ako mawawala sa tabi mo. I love you."
Muling sinakop ni Dean ang labi ni Elish. This time, she responded. Elish wrapped her arms around his neck to deepened the kiss.
Elish thought, she was lucky to have met Dean even if she only has few months to live. Hindi niya ipagpapalit ang kaunting araw na kasama si Dean sa buhay niyang wala ito.
.
.
HINDI na halos umalis si Dean sa tabi ni Elish sa mga sumunod na araw. Dahil wala siyang kamag-anak dito sa Maynila— si Dean ang nag-alaga at nagbantay sa kaniya sa ospital. Maging ang mga gastusin at bayarin ay ito ang nag-asikaso. She insisted to pay her own bill pero hindi pumayag ang lalaki.
"May pambayad naman ako, Dean." Pilit pa rin ni Elish habang nag-aayos ng gamit ang lalaki.
"No." Matigas na sagot nito. "I told you, I'll take care of you. So, please? Huwag ka ng makulit." He pinched her cheek lightly.
"Pero—"
Bumukas ang pintuan at pumasok ang doctor ni Elish. Huminto si Dean sa ginagawa at nakipagkamay sa doctor.
"Mr, Monteverde, Ms. Garcia."
"Doctor, Elias." Tinulungan siya ni Dean upang makasandal siya ng maayos sa headboard ng kama.
"Ms. Garcia.. Im sorry.. pero sa mga ginawang test walang nagbago." Malungkot na sabi nito. "It will get worst.."
"Just give her the best treatment no matter how much it cost." Sabi ni Dean.
Hinawakan ni Elish ang kamay ni Dean para sana pigilan ito. Pero ngumiti lang ito sa kanya at tinuloy ang pakiki-pag usap sa doctor.
"We will. Pero tulad ng sinabi ko last week.." bumaling ang doctor kay Elish pagkatapos ay bumalik rin kay Dean. "It's too late.."
Gumuhit ang sakit sa mata ni Dean subalit iglap lang 'yon, dahil nang pumihit ito paharap sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa labi nito.
"Don't worry, Babe. I will do everything." At hinaplos ang pisngi niya.
Gusto niyang sabihin na tama na.. Hayaan na lang nila anong nakatadhana para sa kanya.. pero hindi niya kayang patayin ang pag-asang nasa mata ni Dean..