"M-MADAM, s-seryoso na p-po b-ba k-kayo?" Utal-utal na tanong ni Jared sa akin habang inilalagay niya sa isang jeep wrangler ang mga gamit namin. "Oo," sagot ko at nameywang sa harap niya. Inayos nito ang sout na salamin at tumango na para bang nag-aalinlangan. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pagiging balisa niya. What is happening to him? Pumayag lang naman akong sumama kay Stone na umakyat ng bundok para puntahan ang isang tribo roon at tulungan. "May problema ba Jared?" Napa-iling siya at nilingon sina Stone at Samara na nag-uusap ilang dipa ang layo sa amin. "K-kakayanin n-niya po b-ba?" "Siguro." Nilingon ko ang tinutukoy niya na si Samara. She's wearing a short and a hoody jacket with a rubber shoes on his feet. I admit, Samara is sexier than me. Bumalik ang tingin ko kay

